21 Thoughts While Watching ‘100 Tula Para Kay Stella’

Larawan mula sa 100 Tula Para Kay Stella

(Muli, katulad ng sinabi ko sa “30 Thoughts While Watching Kita Kita”, wala po akong balak maging spoiler. Gusto ko lang mag-express ng feelings. )

#1 Hindi palaging kulay puti ang suot ng mga anghel – minsan itim. Wala iyan sa kulay ng damit.

#2 Hindi palaging kaparehas ng tingin mo sa sarili mo ang tingin sa iyo ng bawat tao.

#3 Parehas kami ni Stella, favorite OPM band ko ang Rivermaya! OMG!

#4 Madalas, pinakamahirap magtapat sa taong araw-araw mong kausap.

#5 Dalawang mabibigat na dahilan para mapakanta ang isang tao:
1. Pag-ibig
2. Sakit

#6 Mas naging masakit para sa akin ‘yong 241 (My Favorite Song). Ang saklap na ilang beses nagkaroon ng dahilan para ialay mo ito sa iisang tao.

#7 Minsan, habang nakatingin ka sa iba ay may nakatingin din sa iyo. Kung nahihirapan ka, mas nahihirapan ang taong ito dahil dala niya ang sakit na nadarama mo at ang sakit na nadarama niya dahil sa iyo.

#8 Minsan, akala mo hindi ka karapat-dapat sa kanya pero ang totoo ay siya ang hindi karapat-dapat sa iyo.

#9 May mga pangarap na hindi para sa iyo pero may magagandang bagay na mapupunta sa iyo kahit ‘di mo pangarapin.

#10 Kahit pa kumilos na ang buong uniberso para magkalapit kayong dalawa, kailangan pa rin na kumilos kayong dalawa.

#11 Maraming anghel na walang pakpak. Kailangan mo lang maniwala na totoo ang mga anghel.

#12 Hindi mapaghihilom ng pagpapagupit ng buhok ang sugat sa iyong puso.

#13 Masarap sumulat para sa iyong minamahal – pero may mga pagkakataong dapat magsalita ka muna bago ilagay ang damdamin mo sa isang katha.

#14 Minsan, dumarating ang tamang panahon kapag hindi mo na panahon.

#15 Hindi numero ang palaging sukatan – minsan, ang timing. Kahit ilang beses mo siyang iligtas, maaaring iyong taong isang beses lamang siyang sinagip ang piliin niya.

#16 Minsan, matagal at paulit-ulit na siyang nagtatapat ng nadarama – hindi nga lang mga salita ang gamit niya.

#17 Minsan, kung walang magsisimula, may maaaring mauwi sa pagtatapos.

#18 Mabilis lang maging “hindi na puwede” ang “hindi pa puwede”.

#19 Hindi lahat ng ‘di natapos na tula ay mananatiling bitin. Minsan, hindi pa lang talaga panahon.

#20 May mga bagay na hindi mo matatapos dahil may ibang tao na nakatadhanang magtuloy nito.

#21 Minsan, kahit alam mo na ang mangyayari ay gugustuhin mo pa rin ulitin ang lahat. Paglabas ko ng sinehan, muntik ako bumili ulit ng ticket!

***

Here’s 100 Tula Para Kay Estella’s theme song The Juans’ version of Rivermaya’s Balisong:

About Charina Clarisse Echaluce

Charina Clarisse Echaluce is a journalist by profession and a literary writer by passion. She had her first novel published at Balita newspaper, from 2013 to 2014. She is the owner of Minsan Okay Lang Ma-traffic Facebook page (http://facebook.com/minsanokaylangmatraffic2016) and the author of Minsan Okay Lang Ma-traffic book. Other pages: http://minsanokaylangmatraffic.wordpress.com/ http://www.wattpad.com/user/CINDErainLLA http://twitter.com/OKLangMatraffic http://instagram.com/trafficinwords2016
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!