21 Dec 2012

Nostradamus: The Last Prophecy
Nostradamus: The Last Prophecy (Photo credit: Wikipedia)

Naniniwala ka ba sa end of the world?? Ako? uhmmmm Oo na hindi, or hindi na Oo. Ewan ko! Basta kabado ako sa propesiyang iyan. Diba kasi ang mga bagay na may umpisa natural lang na may katapusan din? Kung ano ano kasing pinapa uso ni Nostradamus eh.

Noong taong 2000 sabi nila end of the world na pero 2012 na buhay pa dn tayong lahat hehhe Diba dapat ngpaparty na tayo :p Pero d2 sa issueng 21 dec 2012 eh kabado talaga ako to the point na nppraning na hahhaa Hindi lang kc siya basta propesiya ni Nostradamus eh nasa bibiliya pa lalong lalo na base sa siyensiya. Ung sinasabi nila na planet x at intergalactic alignment or whatever na mangyayare sa 21 dec 2012 eh visible sa mata ng mga scientist so what you see is what you get ang dating sakin hhehhe. Pag science pa naman lamang ang totoo..

Tapos ang weird pa ng nangyayaie sa mundo ngayo,n ayun sa mga bali balita.. Bakit naman kailangang magtugma-tugma pa si Nostradamus, Bibliya at science. Sobra naman yan!! Totoo na ba?  Ayaw kong maniwala. Ayaw kong matapat ang end of the world sa panahon ko noh haha (as if my choice ako kung totoo nga!) Panay na ang youtube at google ko tungkol diyan. Minsan hindi na nga din ako nakakatulog, iniisip ko ang bata ko pa para ma end of the world noh. Saka paano eksakto ang pag end ng world? matutunaw ba? mawawasak ? (ang morbid ko sensiyaa na praning lang po haha) or gaya ng nilalabas sa youtube na ma wawash out (tsunami) lahat ng tao kasi nga daw matutunaw ang yelo sa north pole yata kaya dadami ang tubig to the point na maigging dagat na ang buong mundo. Shit lang, hindi ako marunong lumangoy hahahaha..

Kung totoo man na magugunaw ang mundo sa kahit anong paraan pa yan huling wish ko na kay Lord na sana unahin niya ako bago ang pamilya ko kasi hindi ko carry na mauuna sila ( I’m so morbid :D) tapos ihuli n’ya ung mga bad persons para mas mahirapan sila hahaha (mamamatay na gaganti pa eh :p) Pilit ko na lang pinapanatag ang loob ko sa mga babasahing “21 dec 2012 is a hoax”..

Sana nga hindi totoo.  Mga tao lang naman din ang nagsabi niyan hindi naman mismo si God. Kung darating man yung time na kukunin na ni God lahat sa atin, malalaman pa ba natin kaya yun? Siyempre, hindi na kasi malamang bigla na lang tayong maglalaho. Wala namang kayang gawin ang human para pigilan yan kundi mgpakabuti habang maaga pa, habang my chance pa para mapatawad tayo ni God. Dasal at pananalig lang ang katapat sa bawat takot.  Kaya ang sigaw ko sa mga kagaya kong makasalanan….

“Hoy! Magbago na kayo!”

Ikaw ba? Naniniwala ka ba sa 12 december 2012?

Enhanced by Zemanta

About iamfrozenfire

hindi naman talaga ako mahilig magsulat, magbasa pwede pa! pero naisip ko hindi kaya ng memory ko ang pagiisip at pag alala sa lahat ng pangyayari sa buhay ko, buhay mo at buhay natin kaya bakit hindi ko na lang isulat kung ano sa tingin ko ang angkop sa buhay mo, buhay ko at buhay natin... palibhasa babae kaya madalas masaktan, ewan ko b sa mga yan!! bait ko naman 😀
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!