149174_438412219557690_144704335_nMarami sa atin ang nakaranas na ng sakit dulot ng sinasabi nilang pagibig o pagmamahal. Hindi ito naiiwasan o natatakasan, parte na ito kapag natuto kang magmahal. Parang ironic tignan na kung sino pa ang taong mahal mo ay siyang taong dapat mong kalimutan, na kung sino pa ang taong mahal mo ay siya pang higit kang nasasaktan. Parang ang sakit isipin, parang hindi tamang gawin, pero  ganoon talaga, sabi ko nga parte ito ng pagibig o pagmamahal.

Isang tanong ang palagi kong naririnig sa aking mga kaibigan, kapitbahay o mga tao sa aking paligid sa tuwing sila ay nabibigo, “Paano ba magmove on?”. Iba’t iba ang ating paraan upang makalagpas tayo sa stage kung saan tayo ay nabigo o nasaktan. Iba’t ibang proseso ng pagkalimot sa taong mahal natin o sa taong nasaktan ang damdamin natin. Iba’t iba, ngunit iisa lang ang gustong makamit: ang makalimot sa sakit na dinanas sa taong kanilang minahal.

Nakakaloko nga eh. Pinapaniwala natin ang ating sarili sa isang bagay na hindi naman tayo sigurado o hindi naman natin gusto. Yun bang, paulit – ulit mong binibitawan ang mga salitang, “Kapag ako naka-move on, Hu u ka sakin!” kahit na alam mong nasasaktan ka sa tuwing binabanggit mo ang mga salitang yun.

Kung ano anong blogs or articles tungkol sa kung paano mag move on ang hinahalungkat mo without even knowing na mukha ka ng tanga sa kagaganun mo. Mahirap. Wala namang madali ngayon eh. Ang kailangan mo lang sigurong gawin ay yung gawin ang dapat at tama.

Mayroon akong tatlong paraan upang mawaglit sa iyong isipan ang taong minsan kang nasaktan.

Una. Damhin ang dinulot na sakit ( Feel the pain )

Sabi nga di’ba, “Feel the pain, until it hurts no more”. Mas okay na damhin mo ang sakit kaysa pilitin mo ang sarili mo sa mga salitang, “Hindi na dapat ako masaktan”. HIndi sa mali. Pag mas dinamdam mo ang sakit na nararamdaman mo, matututo ka. Matututo kang tumayo at maglakad muli. Matututo kang lumaban para sa sarili mo, hindi para sa ibang tao. Matututo ka.

Hanapin mo yung mga letters, pictures, ticket sa sine noong nanuod kayo ng magkasama, ticket sa bus, o kung ano ano pa mang memorabilia ang meron ka noong magkasama pa kayo. Alalahanin mo lahat ng nangyari noong naglalakad kayo sa park, o sa mal. Alalahanin mo lahat, lahat ng masasayang nangyari NOON.

Oo, masakit alalahanin ang mga bagay na tapos na ngunit ito ang tanging paraan upang maramdaman mo lahat ng sakit. Iiyak mo ng iiyak yan, wag kang tatahan hangga’t hindi mo pa nailalabas ang lahat lahat ng hinanakit, sama ng loob mo sakaniya. Hindi masamang umiyak pero pagkatapos niyang pagiyak mo, tumayo ka saglit, tignan mo ang sarili mo sa salamin at itanong mo kung, “Is he/she worth my tears?”.

Pangalawa. Tanggapin ang nangyari (Acceptance)

Pinakamahirap na stage pero ito ang masasabi kong pinaka madaling paraan upang makalimot sa taong nasaktan ka. Habang dinaramdam mo ang sakit na dulot ng taong iyon, natututo kang tanggapin na tapos na, tapos na kung ano mang relasyon ang namamagitan sa inyong dalawa, natututo kang tumanggap ng pagkatalo sa larong nasimulan mo sa maling tao.

Lahat ng memorabiliang meron kayo noon, tignan mo ulit. Tanggapin mo sa sarili mo na wala na. Huminga ka ng malalim at sabihin mo sa sarili mong, “I deserve to be happy”.

Pangatlo. Patawarin mo siya. (Forgiveness)

After you feel the pain and you accepted things. It’s time to forgive.

Patawarin mo siya sa lahat ng bagay na nagawa niya nasaktan ka, patawarin mo siya hindi dahil sinabi ko, patawarin mo siya dahil pinapatawad mo na siya.

Pasalamatan mo siya dahil natuto ka. Natuto kang masaktan at tumayong muli.

Always remember what Henry Wadworth Longfellow said, “For after all, the best thing one can do when it’s raining, is to let it rain.”.

It takes time to move on, yes, but your time is also running. Hindi tamang nauubos ang oras mo sa isang bagay na maari mo namang simulan ngayon palang. Hindi maaring maubos ang oras mo at maaksaya ito nang dahil lamang sa maling tao.

(c)BbGinooCollection