by
on
under , ,
tagged , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author digi

Destiny

About digi

An accountant by profession. God's servant by conviction. Feel free to visit nittygrittythoughts.wordpress.com :)

http://agatecloud.com/?p=How-To-Earn-Money-On-Paid-Sms-Without-Investment How To Earn Money On Paid Sms Without Investment

E Trade 60 Second Binary Option Strategy

http://simonblog.com/?p=How-To-Trade-Gas-On-Forex How To Trade Gas On Forex

http://wonderfulwebwomen.com/?p=10-Binary-Option-Asian-Session 10 Binary Option Asian Session

http://blog.xorn.org/?p=Binary-Options-Trading-Make-85-Profits-From Binary Options Trading Make 85 Profits From

God formed the man – Adam. Hinubog at nililok siya ng Diyos, at pagkatapos, nagkaroon siya ng buhay. Ikaw, sinong humubog sa’yo? Ang Diyos ba? O ang mundo? Sabi nga ng isang pastor, magpakuha ka kay Lord. Dahil kung hindi, may ibang kukuha sa’yo! Haha! Katakot. Kung hindi ka magpapakuha at magpapahubog sa Diyos, ‘wag mong isipin na walang ibang gagawa nun. Meron! Hindi papayag ang kaaway na hindi man lang niya masubukang hubugin ka. At gagawin niya ang lahat. Kaya ang unang hakbang, magpalilok ka sa Diyos. Hayaan mong Siya ang humubog ng buong pagkatao mo. Dahil kung hindi maganda ang pagkakalilok sa’yo, ‘wag ka nang magtaka kung lalayuan ka ng ‘destiny’ mo. Kahit naman ikaw ayaw mo ng ‘pangit’ na ‘destiny’ di ba? Kaya kung gusto mong lumapit siya sa’yo, magpahubog ka sa tamang Manlililok.

The Lord God took the man and put him in the garden of Eden to work it and keep it. – Genesis 2:15

May magandang plano ang Diyos para kay Adan, pero hindi pwedeng maupo lang siya na parang si Juan Tamad. Ang sabi ni Big Boss, kailangang magtrabaho siya sa hardin ng Eden at palaguin ito. Kailangan hindi mamatay ang mga halaman at mga puno. Kailangan mapanatili silang namumulaklak at namumunga. Kailangan niyang magtrabaho. Kailangan niyang mangalaga. Ikaw, may “inaalagaan” ka na ba? Kung wala pa, paano maaakit ang ‘destiny’ mo na magpaalaga sa’yo? Ang masama pa, baka pati sarili mo hindi mo maalagaan? Paano na ‘yan? Kung gusto mo talaga makuha ang ‘destiny’ mo, matuto kang mag-alaga. Dahil kung ang iba maaalagaan mo, what more ang ‘destiny’ mo, ‘di ba? Kaya humayo ka na’t mangalaga. Anuman ang nilagay ng Diyos sa ‘hardin’ mo, palaguin mo ito at pamungahin. Gawin mo ang lahat. Dahil ang ‘destiny’, hindi lang basta inaabangan, kundi pinagpapaguran!

And the Lord God commanded the man, saying, “You may surely eat of every tree of the garden, but of the tree of the knowledge of good and evil you shall not eat..” – Genesis 2:16-17

Isa na nga lang ang sabi ni Big Boss eh, ‘wag kakainin ang bunga ng‘tree of knowledge of good and evil’, yun lang, mahirap bang sundin ‘yun? Isa lang ang gusto ni Lord, kung anong ‘bunga’ ang tinadhana Niya para sa atin, ‘yun lang ang pipitasin natin. Ang hirap kasi minsan, kung ano ang pinagbabawal, ‘yun pa ang hinahabol natin. Ang dami nang ‘right choices’ na nilatag ni God, pero pilit nating hinahabol ‘yung nag-iisang bawal. Bakit ganun? Gusto natin ‘yung ‘tama’, pero hind natin mapakawalan ang ‘mali’. Gusto natin ang ‘best’, pero ayaw nating i-risk ang ‘better’. Gusto natin ‘yung magandang ‘bukas’, pero ayaw nating sumunod sa alituntunin ng ‘ngayon’. Gusto natin ang ‘resulta’, pero ayaw natin ng ‘proseso’. Eh paano ‘yun? Hindi pwedeng ganun. May batas. May rules and regulations na kailangang sundin. Uulitin ko, kailangang sundin. Dahil kung hindi tayo marunong sumunod sa tamang proseso, hindi rin natin makukuha ang tamang produkto.

Ang salitang ‘DESTINY’ ay maaaring maghatid ng iba’t ibang kahulugan. Pwedeng ang nasa isip mo ay dream partner in life, dream house, dream car, dream job.. DREAM FUTURE. Pero ang tunay na ‘destiny’ mo ay ang magandang ‘bukas’ na inihanda ng Diyos para sa’yo. At ang ‘destiny’ mo, maaaring naghihntay na lang sa’yo. Naghihintay na maging handa ka para sa kanya. Naghihintay na matuto kang alagaan siya. ‘Yun nga lang, may tamang proseso. Handa ka bang sumugal para dito? Handa ka bang magpagod at maghirap? Handa ka bang pagdaanan ang dapat pagdaanan? Medyo matagal at matrabaho. Pero sigurado namang ‘the best’ ang produkto.

So paano, handa ka bang ipaglaban si ‘DESTINY’?