by
on
under , , , , , , ,
tagged , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author NoBenta


  • Latest Posts

In Remembrance: RODOLFO “DOLPHY” VERA QUIZON, SR. (July 25, 1928 – July 10, 2012)

dolphy

“Isa kang Batang Nineties kung kilala mo si Kevin Kosme.”

Anim na dekada ang itinagal ng nag-iisang “Hari ng Komedya” sa industriya ng Pinoy showbis. Labing-tatlong presidente sa loob ng humigit animnapung taon – magmula kay Jose P. Laurel hanggang kay Noynoy Aquino. Sa ganito kahabang itinakbo ng karera sa pagiging artista, sari-saring mga karakter na naisadula ni DOLPHY. Mga tauhang nagpakilala sa masa ng iba’t ibang katauhan at mukha ng mundo.

Sa henerasyon nina erpats at ermats, mas nakilala si Pidol sa “John En Marsha” na unang ipinalabas noong 1973. Ayon kay pareng Wiki, ang programang ito ay “the longest-running and most watched primetime sitcom in the Philippines during the 1970s and 1980s”. Ang totoo, sa sobrang tagal nito sa teevee ay naabutan ko pa siya sa RPN 9. Kahit na medyo wala pa ako sa kamunduhan noon ay aliw na aliw na akong nanonood sa masayang pamilya ni John Puruntong. Sino ba naman ang makakalimot sa pamatay na “Kayâ ikaw, John, magsumikap ka!” ng biyenan niyang si Doña Delilah? Sesegundahan pa ng ninang kong si Matutina ng “Etcetera, etcetera, etcetera!” ang bawat sermon ng amo. Panalo!

Para naman sa mga Batang Nineties na tulad ko, mas nakilala si Golay bilang si KEVIN KOSME ng “HOME ALONG DA RILES”.

Unang ipinalabas sa ABS-CBN dalawang linggo bago mag-Pasko, December 9, 1992, ito ay ang “return of the comeback” ni Mang Dolphy sa teevee matapos manirahan sa Tate kasama si Zsa Zsa Padilla sa loob ng dalawa’t kalahating taon. Ang taytol ay hango sa pelikulang “Home Alone” ni Macaulay Culkin at ang obvious na apelyido ni Kevin ay hango sa bidang aktor ng “The Bodyguard”.

Ang kuwento nito ay tumatakbo sa buhay ng biyudong si Kevin at lima niyang mga anak na sila Bill (Smokey Manaloto), Bob (Gio Alvarez), ang ex-gf kong si Bing (Claudine Barretto), at Baldomero (Vandolph Quizon). Kahit na pumanaw na ang kanyang asawang si Sion ay hindi siya pinanghinaan ng loob at patuloy na nagsikap upang maitaguyod ang kanilang pamilya.

Maganda ang naging pagtanggap ng mga manonood sa HADR. Sa primetime nitong oras, ang mga naging tagasubaybay nito ay ang “average Pinoy” na madaling nakaramdam sa pinagdaraanan ng isang Kevin Kosme. Ang mamuhay sa gilid ng riles ng tren ay sumisimbulo sa kahirapan ng Pilipinas; kailangan mong kumapit sa tuwing daraan ang tren! Naipakita ng teevee sitcom na kahit mahirap, masaya basta sama-sama. Nakita ng bawa’t Pinoy ang kanilang mga sarili sa katauhan ni Kosme.

Kabilang sa makulit na istorya si Corazon Madamba o Aling Ason (Nova Villa), ang identical twin ni Sion. Siya ang orihinal na nobya ni Kevin ngunit ang kanyang kapatid ang natangay noong sila ay nagplanong magtanan. Meron pa rin siyang pagnanasa kay Mang Kevin kaya madalas niya itong landiin pero hindi naman siya pinapansin. Matulungin si Ason sa kanyang mga pamangkin lalo na sa mga oras ng kagipitan. Kasama niya sa bahay ang kanyang spoiled na ampong si Maybe (Maybelyn dela Cruz) at nakakalokong kasambahay na si Roxanne (Dang Cruz)…

CLICK HERE TO CONTINUE READING “ANG BAHAY NI GOLAY”

 

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 33-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, Paul & Xander, and Frontispiece 2.0.

  • Hayzz So Sad!! im Batang ’90s too! anyway Appreciate you’ posting, great blog. Keep writing! 🙂

  • rcrevolutions

    Please CLICK, SIGN and SHARE the Definitely Filipino petition to honor Mang Dolphy: http://www.change.org/dolphy