images

Hindi ako sadista na kasiyahan ang pumatay ng kapwa tao.
Hindi rin ako demonyo na magtutulak na pumatay ng tao.
Hindi rin ako ang batas na hahatol sa isang may sala,
at mas lalong hindi ako ang Diyos para hawakan ang buhay ng tao!!

Isa lang akong ordinaryong mamamayan ng bansang Pilipinas na nangangarap ng pagbabago, ngunit paano ito matutupad kung mismong mga mamamayan natin ang walang aksyon?

Batid sa ating lahat na marami ng kababayan natin ang nahatulan ng kamatayan sa banyagang bansa,ang masakit pa nito halos lahat sila ay hindi pinyagang makasama ang kanilang mga mahal sa buhay bago ang kanilang huling hininga.Nakapanlolomo na,nakakaawa na sa hirap ng buhay ay buhay at kaligtasan nila ang kanilang pinag wawalang bahala.Sino ba naman ang hindi masisilaw sa napaka laking bayad sa pagpupuslit o pagbebenta lang ng droga?at siguro sa hirap narin ng buhay ngayon mas masama na ang mabuhay lagi sa gutom kaysa maghanap ng ikakabubuhay kahit na itoy labag sa batas ng Diyos at tao.Tinatanong ko sa aking sarili ang tanong ng bakit??

Bakit sa Pilipinas ay talamak ang bentahan ng droga?
Bakit sa Pilipinas ilang buwan lang ang gugugulin sa kulungan at sila’y malaya ulit?
Bakit sa Pilipinas ay walang napaparusahan ng kamatayan dahil sa droga?
Bakit sa ibang bansa ay halos hindi na mabilang ang nakulong at lahat sa kanila ay humarap sa parusang DEATH PENALTY!

Samatalang ang mga taong banyaga na pumapasok sa ating bansa na back up pa ng malalaking Drug Syndicates ay nakukulong lang at pagkaraan ay napababalik sa kanilang sariling bansa.  Kaawa-awang mga Pinoy.  Tutol ang ating pangulo na ipatupad ulit ito dahil may madadamay daw na mga inosenteng tao, pero

“”"”WALANG PAPARUSAHAN KUNG WALANG MAY SALA”"”"

Kung gaano ang kagustuhan ng kanilang pamilya na kalimutan ang masalimuot na kamatayan ng kanilang kaanak ay siya rin ang hindi mahanap ang katahimikan ng kanilang mga kaluluwa.

CAPITAL PUNISHMENT FOR THE PHILIPPINES!!