maria ozawa“Sige paa! Bilisan moo!” ungol at utos ni Jenny kay Raul.

“Malapit na ‘ko, Babe!” ganting sigaw naman ng binata.

Tumitili-tili na si Jenny, malamang dahil na rin sa tindi ng antisipasyon na kanyang nararamdaman.  Siyempre, kasabay ng kanyang pagtalon ay ang pag-alog ng kanyang katawan. Si Raul naman ay todo ang bayo na parang tumatalon-talon.

Pawisan na si Raul, halata sa mukha ang pagiging pagod ngunit mas nananaig pa rin ang determinasyon. Halatang malapit nang sumabog ang tensiyon na nararamdaman.

“Heto na akoooohhhh!” sabay angat ng dalawang braso ng binata. Nagtatalon-talon din si Jenny upang ipagbunyi ang kanilang tagumpay.

First place sila sa sack race sa kanilang Barangay. Pista kasi ngayon ng kanilang patron.

NA-VICTIM KA BA?

Kung iba ang nasa isip mo habang binabasa ang nasa itaas, halika, kuwentuhan muna tayo. ‘Yung may halong malisya. Hihihi.

***

Sex sells, big time. Isa ito sa mga nasambit ko (gamit ang pamurang tono) habang nagba-browse ng Top Blogs. Oo, aaminin kong medyo bitter ako rito, dahil ang favorite kong blogsite ay napunta sa pang-13 na puwesto, at ang mas tumaas kumpara sa kanya, eh, puro kabastusan lang ang laman. Feeling ko nadaya at naiputan ako. Sa utak. Hindi sa ulo.

Out of curiousity (promise!), nag-search na rin ako ng pages sa peysbuk na may “makamundo” na tema. To tell the truth, I was shocked.

Pahinang Bastos

Babangon ako at Totorjackin kita

Virgin pa kase ako kuya :”>

Hottest Pinay Ever

(Note para sa mga alagad ng kamunduhan: Alam kong ihihinto mo ang pagbabasa nito para i-search ang pages na binanggit ko sa itaas. tsk tsk tsk.)

Let’s get back to topic. I was shocked, literally. To think na accessible ang page na ito sa lahat ng may peysbuk account ay nakatatakot. Usually, age 13 and above para makapag-register sa Facebook, pero isang malaking joke lang ‘yun, dahil lagpas sampu ang friend ko na nasa timeframe na 12 anyos pababa (naka-like siya sa isang page na nasa itaas). Therefore, accessible ang mga pages na ito sa publiko basta may peysbuk ka, regardless of age.

Ayaw kong magpakalinis. I must admit that I’ve had my fair share of kapilyuhan as well, pero hindi sobra. Siguro, ang tamang term para doon ay “curiousity”, but when it kicked in, naisip kong hindi dapat ito ang mga bagay na dapat kong pag-aksayahan ng oras. Mas importante pa rin para sa ‘kin na mapuno ang “gutom” at “kamunduhan” ko sa pagkatuto kumpara sa pagtibok ni “little boy” habang nanunuod o nagbabasa ng mga bastos, pero, inaamin ko rin na mas pipiliin ko ang gawin ito kumpara sa pag-aralan ang Algebra. Oo, hindi ako seminarista. At lalong hindi ako genius para ma-master ang arithmetic.

Sa totoo lang, wala akong maisip na solusyon para sa problemang ito. Ang mismong pinupuntirya kasi ng “bombalicious-themed stories” ay (ehem!) kalibugan, hormones o/at libido ng tao. Have you ever asked yourself kung bakit todo concentration ka sa pagbabasa kapag nagbabasa ng kabastusan? Kung bakit inip na inip at excited ka na lumabas ang bagong kabanata ng paborito mong “nobela” sa tabloid? ‘Yun ay dahil sa mismong utak mo ang nag-uutos sa’yo na magpatuloy.

Sayang. Kung mareresolba sana ang problemang ito, maraming problema rin ang mawawala. Kagaya na lang ng maagang pagbubuntis ng mga kabataan, ng pangre-rape at pangmomolestiya, ng child prostitution at ng lumolobong populasyon. Pero, ang paghiling na mahinto ang “curiousity” sa “kamunduhan” ay para na ring paghiling na sana’y nagsalita na lang si Mr. Bean sa mga palabas niya: Imposible.

Wala akong balak sisihin ang mga tao na nahuhumaling sa mga ganitong bagay, choice niyo ‘yan, ano’ng karapatan kong mangialam? Buhay niyo ‘yan. Basta walang sisihan kapag naging alipin kayo ng sarili niyong libido.

Gusto ko sanang gawaan ng moral lesson ang article na ito para hindi maging ganap na basura, pero, holy wafers, bakit ba kasi nakilala ko pa si Carmen Luvana at Maria Ozawa?

At bakit pakiramdam ko, sa tuwing nanonood at nagbabasa ako ng “bombalicious-themed stories” eh, dinadaya at iniiputan lang ako sa utak ng sarili kong kamunduhan?

Oh, nevermind. Ang hot ni Momoka Nishina, eh.