(Photo Credit:   Missosology.info)

(Photo Credit: Missosology.info)

Feeling ko fertile ako ngayon.  Tancha ko, anytime lalabasan ako ng puting kaong sa brip ko.  Kaya parang nagta-time travel ang isip ko eh.  Gustong humiwalay ng kaluluwa ko para mag-astral projection at mag-odyssey sa nakaraan.

Pinakamasarap balikan ang dekada 90.  Panahon na kung saan tinutubuan ka pa lang ng mga balahibong pusa sa kili-kili mo. Undeveloped pa ang dalawa mong utong at nabibilang mo pa lang ang buhok mo sa bandang puwetan.  Hindi pa rin naghe-hello masyado ang mga tutsang sa ilong mo.  Wala ka pang muscle, wala ka pang abs.  In short, pangit ka pa!

Naalala mo pa ba dati ang mga kalaro mo?

Yung mga kaklase mo nung elementary ka?  Nung hayskul?  Nasaan na kaya sila ngayon?

Usually, kung sino daw yung mga nakilala mong nilalang nung bata ka pa, sila din yung magiging kaibigan mo habambuhay.  Yung mga uso dati, naalala mo pa?  Yung parang sobrang basic ng buhay noon.  Parang walang problema.  Kakain ka lang, mag-aaral, matutulog at magdarasal. Pa petix-petix ka lang eh.  Pero kung iisipin mo ngayon, ang liit lang pala ng mundo na ginalawan mo nung bata ka. Para ka lang nakakahon sa isang box ng posporo na may partitions.  At  ang buong akala mo ay iyun na ang tunay na mundo.  Mali pala.  Hinahanda ka lang noon para makasabay ka sa hamon ng buhay ngayon.

 1.) Noon: Friendster.  Yung i-tetext ka pa ng barkada mo para gumawa ng testimonial sa kanya kasi ginawan ka na niya.  Usually ganito yung mga teste natin dati eh..

“Si Ricardo?  Naku! Grabe ang bait na kaibigan nito eh.  Ang galing makisama.  Lagi nga akong nilibre pag kakain kami ng shawarma tsaka pag manonood ng sine.  Kaso minsan may pagka weirdu eh.  One time sabay kaming nag-CR sa isang coffee shop sa The Fort, at habang nagsasalamin kami ay biglang umutot, men!  Sabi ko “Tangina mo naman, p’re, hindi porke’t nasa CR tayo, hindi ka na mahihiyang umutot ahh!!”  Ngumiti lang siya pagkasabi ko nun.”

Tapos isa pang pinakagusto kong features ng Friendster eh yung ma-eexcite ka araw-araw tumingin ng “who’s viewed me”.  Yung ine-expect mo na magkaroon ng isang  himala na i-view ka ng crush mo kaso bigla kang ma-didissapoint pag nalaman mong panay lalaki ang tumingin sa profile mo.

Ngayon: Facebook.  Tinatayang nasa 1.06Billion Facebook users na tayo ngayon or higit pa.  Lahat na yata ng tao ngayon, may FB account na eh.  Parang ikaw na siguro yung pinakaboring na tao pag wala ka niyan.  Pagandahan ng profile pix yung mga kababaihan.  Pero may concern lang ako, gurls, puwede bang pag may kalandian kayo or may bf na kayo, puwede bang isama na agad yan sa profile pix n’yo?  Nang sa ganun maging madali ang lahat para sa mga kalalakihan.  Wala nang paasa tsaka tulong na lang din yan sa mga single na naghahanap ng mapapangasawa sa FB.

2.)  Noon: Cassette tape.  Naranasan n’yo ba yung mag-rewind gamit ang ballpen?  Nakakamiss, ‘di ba?  Tapos yung gagayahin mo, ‘yung kuya mo na babaliktarin yung rolyo ng tape.  Pag play mo,  may maririnig kang mga demonic chant, witchcraft prayers at diabolic messages.  Ang creepy eh!  Pero naisip ko lang din, baka si Elly Buendia din yun, habang nag-oorgasm siya.  Or marumi lang talaga utak ko?

Ngayon: Naka-format na as mp3.  Hindi mo na kailangan magdala ng isang malaking stereo para makapag-sounds.Usually pag sa cassette tape, mayroong 5 songs sa side A, tapos mayrong another 5 songs sa side B.  Eh madalas, isa or dalawa lang ang gusto mong kanta sa album na yun.Hassle dba?Ngayon,i-dodownload mo na lang ng wantosawa yung mga kanta.Kaya mo nang magbitbit ng more than 15,000 songs na walang kahirap hirap from point A to point B then vice versa.Puwede ka na ding mag patugtog ng Macarena habang tumatae ka or habang namiminger ka ng tilapia sa palengke,ganun!

Hindi ako naniniwala!Yung makikita mo na may mahaba at may butas,anung iisipin mo?dba?Or Madumi lang utak ko?

3.)Noon:Nasa DNA na ng mga babae ang pagiging madaldal(except ka Boy Abunda at Butch Francisco).Minsan nga parang may nakapasak na armalite sa bunganga eh.Kung makaratrat,kala mo yung sa first person shooter sa mga video games,automatic yung reload ng bala!Kaya wag na kayong magtaka sa mga nanay natin bords.Mapapatahimik mo lang daw ang mga kabataang babae dati pag may hawak na pocket book at pag naglalaro ng tamaguchi…..Aaayy wala kang tamaguchi dati??*huggh*

Ngayon: Pag hindi agad nagrereply ang dyowa mo, dalawa lang dahilan nyan.Its either busy siya sa kakachat sa asawa niya or naglalaro ng candy crush.Or Both!Wala ka na ngang halos mabasa sa news feed ko ngayon kundi panay level up at bigayan nila ng life churva sa candy crush.Minsan nga natetempt na akong laruin eh!Masarap din kasing maki-nerbyos sa mga yan eh hihihi

#youdontdothattome

4.) Noon:Pagkakain ka sa isang mamahaling restaurant,ang unang-una mong hahanapin ay  kung meron silang payphone.

Ngayon: Pagka-upo na pagka-upo mo palang,hindi ka pa nga nakaka-order,tatanong mo na agad sa waiter kung anung password ng wifi nila.Minsan gusto kong maging gago eh.Yung tipong pag tinanong mo ng “anung password nyu boss?” tapos sasabihin nyang “Ay sir wala po kaming wifi”.Puwede ko bang buhusan agad ng gasolina yung puwesto nila tapos silaban?Magagalit kaya sakin ang waiter?Or hahamunin ko nalang ng suntukan yung manager nila?Or sabay?!

5.) Noon: Conservative pa ang mga tao.Wala pang nakaka-isip na gumawa ng makamundong blog na gaya ng ginagawa ko ngayon.Kahit nga si Rizal mismo eh hindi niya pa naisip yung ganitong style ng writings eh chos!Yung number 69 dati,ginagamit lang sa huweteng.Yung sex dati ay M or F  lang.Yung BJ dati,pangalan lang ng pinsan mong may malalang buni sa singit.Yung chupa dati eh,ginagamit lang sa probinsiya pag bibili ka ng bigas.Yung canton dati eh isang uri lang ng pancit.At si Maria Clara lang ang popular na babae sa mga kalalakihan.

Ngayon: Liberal na mag-isip ang mga tao nowadays.Yung mga lalaki,masyado ng raging ang hormones at laging mataas ang testosterone level ng pagkalalaki nila.Yung 69 ngayon eh ginagamit na bilang posisyon sa pagtatalik.Yung sex ay parang yosi nalang na puwede mong bilhin kahit saan.Yung BJ ay kilala na sa tawag na buko juice ngayon charut!Yung canton,hindi ko sure pero kung magpapa canton ka sakin,sasabihin ko agad-agad.  Si Maria Clara nila noon,si Maria Ozawa namin ngayon.

Wala daw bf ngayon at sweet  si Ozawa sa totoong buhay?Or masyado lang akong hardcore fan niya?Puta!

6.) Noon: Dati tiniliaan ng mga kababaihan yun mga nag-guguwapuhang boy bands  tulad ng westlife,boyzone at Nsync.Ako lang ba yung gumagawa na habang nagshashower,kumakanta ako ng “I want it that way” at nag-iimagine na miyembro ng bandang backstreet boys?Na habang dumadaloy ang makatas ng bula ng sabon sa aking nakaka gigil na katawan,bigla mong hahawiin ang bangs mo?Imposibleng ako lang!

 Ngayon: Kung dati guwapo ang tinitiliian,ngayon pati mga guwapo tumitili na din!Wala na halos boy bands ngayon maliban sa grupong kumanta ng “Jumbo Hotdog,kaya mo ba to?Ohh-O!”.Lulong na ang mga kababaihan ngayon kay Justin Beiber at sa K-Pop.Marami na ding nagsulputan na weirdung singer ngayon tulad nina Lady Gaga,Willie Revillame,Piolo Pascual,Dennis Trillo at Manny Pacquiao.Anu na bang nangyayari sa music industry natin?Mas maganda pa ang mga na-cocompose na kanta dati eh.Cool yung beat at tempo,hindi ganun kabilis,hindi rin ganun kabagal at maiintindihan mo ang lyrics.

7.) Noon: Dati ang mga bading “pagandahan”.Pa-sexyhan ang labanan.Tipong paliitan ng balakang at boses.Parang kala mo dinaanan ng matinding tipos yung katawan.At kung may kapatid kang bayot,mahihiya kang utusan kasi napaka feminine ng kilos eh.Baka matempt ka pang i-umpog yung mukha nya sa muscle mo.

Ngayon: Iba na ang labanan ngayon.”Paguwapuhan” na sila.Palakihan ng braso,boses at padamihan ng abs.Mas discrete ngayon ang mga bakla.Kaya kung may manliligaw sa inyu gurls na guwapo tapos gym buffed ang katawan,ay day malantod pa sayo yang hayop na yan!

ang cheesy eh!shit!

8.) Noon: Pina-in love ka niya sa kanyang mga titig at kakisigan.Bumilib ka lalo sa kanya nung gumanap siya bilang isang sundalo sa pelikulang Mistah.Maaring isa ka din sa  libo-libong mga kababaihan ang nagsabit ng poster ni Rustom Padilla sa kuwarto dati.Pinunasan mo ang poster na yun  ng basa mong panty at makailang ulit mong pinagtangkaang reypin.Bumili ka din ng notebook mo nung hayskul  na magkayakap sila ni Carmina.

Ngayon: Patay na si Rustom Padilla.  Isinilang si Bebe Gandang Hari.  Kung dati, machong-macho ang datingan niya, ngayon pati si Satanas ay mapasasabi ng pakyu  pag narinig niya yung boses ni Rustom.Parang iniipit lagi yung itlog pag nagsalita eh.Tanong,kung isa ka sa mga babaing nag-imagine kay Rustom dati habang nag-iisa ka sa kuwarto mo,anung feeling ate?Hindi kaya masuka si Bebe gandang hari pag binulong mo sa kanya ang bagay na yan?Baka masampal ka pa sa mukha eh.

pagsawaan nyu ng titigan si Piolo na nag popose na parang ganyan,darating ang araw na alam nyu hihihi

9.) Noon: Nung kasalukuyan palang nag dedevelop ang hulma ng bayag ko,yung mga laro gaya ng patintero,taching,agawan base,siato,tumbang preso,taguan,saranggola,tiradoran,bahay-bahayan,luksong bakla este luksong baka tsaka teks ang mga usong nilalaro namin dati.Seasonal yang mga laro na yan.Kumbaga every month iba-iba ang uso.Ang saya eh!Kahit yung tipong uulan,guguhit kalang ng araw sa lupa na may smiley ang viola,iinit na bigla!Amazing di ba?Kaya lahat dati ng mga bata malulusog eh,wala nga halos butchog samin eh.

Ngayon: Pag-ibig na ang nilalaro ng kabataan.Sa murang edad,nagpapraktis na kung paano  magpatanggal ng bra sa kanilang boypren.Gusto ng magbahay-bahayan sa tunay na buhay.Maaring nagsawa na sa mundo ng pangarap at pantasya.Gusto nila yung 3 dimensional,yung nahahawakan,yung may adrenaline rush.Marahil hindi na nga uso ang TIRAdoran ngayon,kundi TIRAhan na.Hindi kaya namimiss-interpret lang ng mga kabataan ngayon ang tamang mechanics ng salitang “laro”?

10.) Noon: Inaabangan mo dati ang mga palabas sa TV gaya ng Shaider,Ultraman,Batibot,Dragon Ball Z at Ghost Fighter.Mas madami din dating comedy sitcoms gaya ng Palibahasa Lalake,Ober The Bakod,Abangan ang Susunod na Kabanata.Tapos yung medyu bago bago na Kool Ka Lang at Dady Di Do Du ni Vic Sotto.Nasa peak dati ang movie industry sa mga comedy shows.Which is yun naman talaga yung natural na talent ng mga pinoy.

Ngayon: Wala ng mga comedy sitcoms sa TV.Panay drama na.Panay movies na tungkol sa kabit,kerida at kulasisi.Tapos yung mapapanood mo pang mga teleserye ngayon,yung fictional  na may nakakadiring animation at graphics.

Itong si annie lang ang inaabangan namin talaga sa shaider.Lalo pag sumipa siya ng ganyan!susmeo!

11.)Noon: Basta guwapo at may bigote,sigurado daw na babaero yan.Bolero,maloko at masasawi kalang sa pag-ibig.Kahit nga pagsama samahin mo pa ang lahat ng klase ng relasyon sa mundo,dalawa lang naman talaga ang lalabas na kategorya niyan.Isang naglalaro at isang seryoso.Kung napunta ka sa guwapong bigotelyo,chances are naglalaro lang,puge eh!

Ngayon: Hindi nalang guwapo ngayon ang babaero at manloloko.Pati mga panget,babaero na din.Choosy pa!Makapal pa ang mukha ng animal na paasahin ka ate!Anyare??

buti nalang talaga PBA player kang hayop ka!!

12.) Noon: Yung kasabihan na “Magbiro ka na sa lasing, ‘wag lang sa bagong gising!”  Eh mas matindi yata diyan yung bibiruin mo yung mga walang tulog!Lalo na pag babae,hormones yun pre!Machochoke-slam ka ng wala sa oras!

Ngayon: Luma na yung kasabihang yun, ngayonMagbiro kana daw sa lasing,wag lang sa broken hearted!”.Mapapaaga ang lamay mo.Magpipiyesta sau ang mga uod at masusunog ka sa impiyerno ng maaga-aga.Kaya iwasang makipag talo sa mga sawi sa pag-ibig.Nakakamatay!

13.) Noon: Ikaw ang bida sa buhay niya.Lahat ng pangarap niya ay kasama ka.Araw-araw kayong nagkikita.Gabi-gabi kayong magkausap.Kahit anung okasyon may picture kayong dalawa.Kulang nalang pati yung pagtae niyu ng sabay eh naka  instagram pa.Sobrang inlove kayo sa isat-isa.Halos magkamukha na nga daw kayo sabi ng iba.Tapos tila ba tumitigil ang pagpalo ng bawat segundo sa orasan pag kayo ay nagtutukaan.Yung tipong maghahalikan kayo ng matagal tapos titigil lang kayo ng sandali para huminga.Yung bago kayo matutulog,maglalandian pa kayo ng “gudnyt,I love you”.Tsalap puta!!

Ngayon: Isa ka nalang dakilang stalker sa mga FB pictures niya.Kung dati “I love you” ang batian nyu,ngayon “musta na u?” ang banat mo.Kung dati nakakasama mo siya sa mga wet days mo,ngayon hanggang mariang palad ka nalang sa ilalim ng kumot mo.Ang mga babae pa naman pag sobrang nasaktan,mas lalong nagpapaganda yan.Kaya ngayon maglaway ka nalang!

Ngayon,sa mundo na kung saan nagtatampisaw tayo sa baha ng impormasyon at ideolohiya,bawal na ang maging tanga.Masyado ng mabilis ang ikot ng mundo para magpahuli ka.Ang kabobohan ng tao ay nasa isip lamang.Wala naman talagang taong bobo,pero meron talagang mga  taong ipinanganak na sadyang panget.Kasabay ng mabilis at progresibong pag-unlad ng siyensiya,agham at teknolohiya,mas gumagaan ang buhay ng tao.At kasabay din ng pag-gaan ng buhay ng tao,nagiging talamak na sa mundo ang druga,sex,rape,patayan,malnutrition,kalamidad,giyera at mga sakit tulad ng aids,sars,cancer,buni,alipunga at tigidig mo sa mukha.Ang sabi nga ng isang librong nabasa ko, na tama daw siguro ang sabi ng ilang matatanda, na ang nabubuhay sa kahapon ay nabubuhay sa buntong hininga at ang nabubuhay sa kinabukasan ay nag-aaksaya ng hininga.

Ngayon ka dapat mabuhay. Ngayon ka dapat huminga.