by
on
under ,
tagged , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author shallom

Mga Halamang Gamot

About shallom

Simpleng tao,sana magustuhan n'yo at may mapulot kayo sa mga akda ko.Masaya na po ako kapag nakikita ang inyong mga komento. Salamat po.

Best Binary Option Indicat

click Forex For The Beginning Videos

http://49ersfaithful.playitusa.com/?p=Clever-Thoughts-Of-Forex Clever Thoughts Of Forex

Market World S Binary Options Contracts

http://blog.xorn.org/?p=Fx-Channel-Program-Listings Fx Channel Program Listings

P –    Pagod at puyat
A –  Asin
M –  Matataba at mamantikang pagkain
A –  Acid
T –  Tamis
A –  Alak
 Y-  Yosi

Ok, hayan po ang mga bagay na nakasasama sa ating katawan.

Pangatlo, ang mga gamot na ipinagbibili sa botika at inihahatol ng mga doctor ay galing din naman sa mga halaman, hindi po ba? Kaya nga noon si Sen. Juan Flavier, na dating kalihim  ng Department of Health, ay naglunsad noon ng proyekto na Tinawag na Botika sa paso.   Ibig sabihin, ito ay pagkilala sa importansiya ng mga halamang gamot.

Dito na tayo sa mismong impormasyon. Alam ko po na ito naman ay hindi na bago sa atin. Ang ibabahagi ko lamang po sa inyo ay yaong talagang nasubukan ko na. Naging epektibo po ang mga ito sa akin. Nakatulong nang malaki, nakaiwas po ako sa malaking gastos at hindi po ako nakaramdam ng side effect.

Ipakikilala kong muli sila sa inyo.

Oregano– Kapag sumasakit ang inyong ulo, mayroon halimbawa kayong migraine. O iyon bang sakit ng ulo dahil sa pangkaraniwang sipon. O kung kayo man ay nilalagnat. Simple lang po. Kumuha kayo ng oregano, mga pitong dahon siguro. Pigain ang katas nito at ipahid sa bahaging masakit ng inyong ulo o sa noo. Malamig po ang katas noon at alam ko na magiginhawahan kayo.

Bawang, kalamansi at kaunting asin. Gamot po iyan sa sipon at ubo. Dikdikin po ang kalahating butil ng bawang hanggang sa maging pino ito. Pigaan ng isang kalamansi at konting wisik ng asin. Haluin po ito at ito ay inyong inumin, pwede ninyo ring lagayan ng honey kung mayroon kayo. Gawin ninyo po iyan, sa umaga at bago matulog sa gabi. Kapag tumagal ng dalawang Linggo ang sipon at ubo ninyo ay kumonsulta na po kayo sa doKtor.Babala; ibang usapan po kapag kayo ay may diabetes o iba pang sakit. Tanungin muna ang inyong doctor bago gumamit ng mga halamang gamut.
Kapag may runny nose kayo o tulo nang tulo ang ilong dahil sa sipon. Hiwain ang isang butil na bawang sa dalawang piraso. Singhutin o amuyin ito ng limang minuto. Makikita ninyo titigil ang tulo ng sipon

Sibuyas na inihaw – pwede rin po yung lasona. Gamot po iyan sa dysmenorrhea o masakit na pagreregla. Ihawin po iyan, pigain ang katas at ipahid sa puson at balakang. Mabaho lamang ito pero ito naman po ay makabubuti. Pwede rin kayong uminom ng dahon ng sambong.

Aloe Vera – Para po sa may HIV  O Hair is Vanishing Syndrome ha ha ha agapan na po iyan. Kumuha lamang ng aloe Vera. Pigain ang katas nito at ilagay sa anit. Proven po iyan, napakakapal pa rin ng buhok ko.

Malalagkit na gulay – Gaya ng okra, saluyot, alugbati, gata ng niyog. Para naman po iyan sa mga babae at lalaki na humihina na ang sex drive. Ayaw nang tumayo at wala ng oil sa sex organ. Kapag po kasi tumatanda ang isang tao ay maaaring humina ang sex drive kaya ngayon pa lang kumain na po kayo nang maraming malalagkit na gulay. Isama narin po ang gabi at ang saging na saba.

Dahon ng papaya -Iyan naman po ay pampakinis ng kutis. Habang sinasabon ninyo ang inyong katawan ay gamitin ninyo iyan na labakara. Hindi ko po sinasabi na puputi kayo pero kikinis ang balat, may expoliating agent po kasi iyan.Ang kalamansi rin po ay nakakikinis at nakapuputi ng balat.

Nilagang dahon ng Sampalok – Gamot po iyan sa ubo. Walang kagastos-gastos, kuha lang sa likod bahay o humingi sa kapit-bahay. Ilaga ito lagyan ng kaunting asukal at mainam yan sa ubo. Maari rin po ang dahon ng lagundi at sariwang dahon ng ampalaya.

Tarabtab, kamot-pusa o Cat’s claw sa ingles. Ilaga lamang po iyan at inumin ang isang baso. Gamot po iyan sa hindi madumi. Maari ding kumain ng mga berdeng dahon gaya ng kangkong at talbos ng kamote. Maganda rin ang hinog na papaya.

Iyan lamang po muna sa ngayon.

Inuulit ko po, alternatibong gamot lamang po iyan. Mahalaga pa rin na kayo ay kumonsulta sa Doktor lalo na kung may kakaibang nararamdaman sa katawan.   Mahalaga po ang inyong kalusugan. Dahil ang kalusugan ay kayamanan, atin po nating ingatan.

Enhanced by Zemanta

  • Jholio

    I find it wise. galing po, pang masa. 🙂