ernie baron

“Kung walang knowledge, walang power.”

Ang yumaong Ka Ernie ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nahilig sa mga trivia.

Mahigit apat na dekada rin ang itinagal ni ERNESTO BARON sa industriya ng broadcasting. Nagsimula siya bilang host ng isang general information program na “Gintong Kaalaman” sa DZAQ (DZMM Radyo Patrol 630 ngayon). Nang matapos ang administrasyon ni Makoy at bumalik ang ABS-CBN sa ere, mas nakilala siya sa “Knowledge Power” na may pagkahawig sa nauna niyang programa sa radyo. At dahil umaalingawngaw na ang pangalan niya sa mga Pinoy, naisipan ng higanteng network na gawing weatherman si Ka Ernie. Ilang paglabas pa lang niya sa teevee, mas lalong dumami ang kanyang tagasubaybay. Kung ang dating tagline ni Amado Pineda (ng GMA7) na “And that’s the latest from PAGASA” ang bukambibig ni Juan dela Cruz, napalitan ito ng “Kung walang knowledge, walang power” nang magsimulang mag-ulat si Ka Ernie.

Interesante kasi ang mga trivia na ibinabahagi niya matapos sabihin kung saan ang low pressure at inter-tropical convergent zone, at anong oras ang sunrise at sunset. Ang mga bata noon, nakikinig na sa weather report hindi para alamin kung walang pasok dahil sa bagyo, kundi para malaman ang trivia para sa araw na iyon. Kahit kami ng utol kong si Pot, die-hard fans. Grade six at grade three kami noong mga panahong iyon at hinding-hindi ko malilimutan ang isang trivia na talagang ‘di ko pinalagpas. Sabi niya kasi, bago matapos ang segment, tuturuan niya daw ang lahat kung paano mag-time travel. Eh potah, peyborit ang “Back to the Future” trilogy kung saan bida si Michael J. Fox. Noong sumunod na araw ay umuwi kaagad ako ng bahay (panghapon ako sa iskul bukol) para abangan ang ituturo niya. Excited na akong gumamit ng time machine. Salamat kay Ernie Baron, nalaman ko na kung saan ipinangalan ang pizza ng Jollibee, GREENWICH MEAN TIME o GMT. Tama pero paksyet. Idol ko na siya.

Bigla ring sumikat si Ernie Barong, ang spoof na ginagawa ni Vic Sotto sa “Television’s Jesters” ng IBC13. Weatherman din ang karakter pero modelo at tagabenta ng barong Tagalog na may biyak sa likod…

CLICK HERE TO CONTINUE READING “MAY BIYAK SA LIKOD

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 34-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, Paul & Xander, and Frontispiece 2.0.

Disclaimer: All articles are the responsibility and opinion of their respective authors and not of Definitely Filipino, S4 Media Works, Inc, its admins and staff.