Paano Kapag ang Tiwala ay Mawala (Munting Payo)

(Photo Credit : Grassrootmarketing.blogspot)

(Photo Credit : Grassrootmarketing.blogspot)

Sa lahat ng relasyon; sa bahay, sa opisina o kahit saan pa, ang isa sa pinakaimportanteng elemento ay ang tiwala. Kasi ito ang pinanghahawakan ng bawat isa.

Di ba kapag nanliligaw ka, ay hindi talaga ang mahalin ka agad ang siyang nagiging basehan ng pagsagot, bagkus ay ang tiwala ang siyang pinakaimportanteng sangkap para ikaw ay ipasok sa buhay niya. Yan yung sinisiguro niyang aalagaan mo siya, hindi sasaktan o lolokohin at inaasahang magiging matapat ka sa kanya. Kapag binigay niya ang tiwala sa iyo, ito ay nagsasabing, “tiwala akong hindi ka bibitaw sa mga pangakong binigay mo sa akin.

Ito ay hindi lamang sa isang relasyon, angkop din ito sa mga kabataang nagpapaalam na lumabas o makipaghalubilo sa mga kaibigan. Kahit sa ating mga opisina, kapag may ipinagawa an gating mga boss lalo na kapag ito ay importante ay nangangahulugang malaki ang tiwala niya sa iyo.

Pero paano kapag ang tiwala ay masira at mawala?

Ito na siguro ang isa sa pinakamahirap maibalik sa lahat dahil kapag nawala ito, na kahit mahal ka ng tao ay hindi na siya sigurado sa iyo. Na ang bawat binitiwan mong salita o gawa ay may halo na ng pagdududa. Na ang bawat galaw mo ay pinag-iisipan nang hindi maganda. Na ang tingin na lang sa iyo ay isang tao na mayroon laging tinatago.

Mahirap talaga ang mawalan ng tiwala, dahil unti-unti ring mawawala ang pagmamahal niya sa iyo, ang sinseridad pati ang mga bagay na dating pinagsasaluhan ninyo.

Paano ba maibabalik ang tiwala ng isang tao sa iyo?

Mas mahirap ang daan rito kaysa noong nag-uumpisa ka pa lang na makuha ang matamis niyang oo. Hindi mo rin masasabi kung kailan uli magtitiwala ang tao sa iyo. Ito ay ilang tips lamang na puwede mong gawin.

  1. Humingi ng tawad – Isa sa sangkap ay ang pag-amin sa pagkakamali at pagkasira sa tiwala. Pwedeng patawarin ka pero dapat intindihin mong nasaktan yung tao at huwag mong asahan na agad niyang masasabing okey na siya. Tandaan, mapapatawad ka niya sa panahong siya lang ang nakakaalam pero yung makakalimutan niya ay mas matagal na mawawala. Pagdasal mo lang na maging makalimutin na siya sa pagtanda niya.
  2. Ipakita na ikaw ay talagang nagbabago – hindi ito makukuha ng ilang araw, o linggo o buwan lang. Isipin mong yung buong tiwala niya ay nasira mo at baga sa isang basong nabasag, kahit ayusin ay makikita pa rin ang mga lamat. Hintayin ang panahon na ang lamat ay hindi na papansinin kundi ang pagkabuo ng baso.
  3. Huwag mainip – Hindi madaling maibalik ang tiwala, minsan habang buhay yan lalo na kapag maraming beses mo ng sinira ang tiwala. Huwag mong sumbatan na ginawa mo na ang lahat, dahil mas malalim ang sugat na natamo niya nung nasira ka sa kanya. Kailangan pagdusahan, kaya nga maraming relasyon ang hindi tumatagal dahil may sumusuko agad.
  4. Kapag naibalik na ang tiwala, alagaan ito nang mabuti – Kapag alam mong pinaghirapan mong maibalik ang tiwala, mas lalo mo itong pangangalagaan at talagang hindi na pababayaan dahil sa alam mo na kapag nawala ulit ito at baka hindi ka na mapagbigyan.

Ang magmahal ay mas madaling gawin kasi puwedeng pag-aralan ito, pero ang tiwala ay isang sensitibong bagay na sumasang-ayon kang ibigay ang buong pagkatao mo. Tandaan, ang tiwala ay isang matibay na haligi na kahit anong unos pa ang dumating sa buhay ninyo, ay alam mong hindi ka matatakot dahil may matibay kang sandigan na kahit anong mangyari ay hindi ka pababayaan ng taong iyong pinakakatiwalaan nang lubos.

About da_professor

Masasabi kong ako ay jack of all trades, master of nothing. Simula noong bata ako ay marami na akong nasalihan at nainvolved na activities..choir, theater, cubs scout, boys scout; senior scout. Karate, taekwando, arnis. Sali sa legion of Mary, block rosary , youth organization, sumasali sa mga tournament ng basketball, volleyball, bowling, tennis, chess, pingpong at kung ano ano pa. Hanggang ako ay nagkatrabaho, nagkapamilya ay nawala na ang mga aktibidades ko. Ang hindi lang nawala sa akin ay ang hilig ko sa pagsusulat. Siguro bunsod na rin ito ng hilig ko magbasa at magobserba ng mga bagay bagay kung kaya ang aking creative juices ay buhay na buhay pa. Sa kasalukuyan ay nasa gitnang silangan ako na araw araw ay nakikihalubilo sa mga manggagawa dito para siguraduhin ang kanilang kapakanan (human resource) Biniyayaan ako ng limang anak at isa na lang ang nagaaral sa kolehiyo.

Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.


Send a private message to author da_professor

  • akomunasiblanca

    Sabi nga sa akin ng bestfriend ko ng napagkwentuhan namin ang tungkol sa A Secret Affair. “Kung makukuha lahat sa 2nd chance, para saan pa ang 1st chance? Para sayangin?”.
    Madami talaga ang intentional or unintentional na nasisira ang tiwala. Di pwedeng ibalik sa dating anyo ang papel na nagusot na.

    • pearl, sa totoo lang pinagdaan k na yan. mahirap na maibalik ang papel na nagusot na. kahit ano ang gawin pagsuyo nakatatak n sa ating puso ang mantsa n ginawa ng ating asawa. tuwing aalis siya naroon sa ating puso & isip ang pagdududa. lumipas ang araw napagisip-isip kung makipaghiwalay sa aking asawa, dahil sa binigAY niyang kahihiyan sa akin, pero nanaig sa aking puso ang awa sa aking tatlong mga anak. hindi pasiguro panahon para kami ay maghiwalay dahil maliliit pa ang aming mga anak.