Kapag nagbukas ka ng FB ay tatambak sa harapan mo ang ‘di-mabilang na mga litrato ng iyong mga kaibigan at kaaway. Kahit na naaalibadbaran ka nang makita ang sangkatutak na mga larawang kinunan nila bago kumain o pagpapakuha sa isang magarang kotse na hindi naman sa kanila ay wala kang magagawa. Wala ka mang pakialam sa mga balita tungkol sa iba ay patuloy mo itong malalaman.

Ganyan katindi ang teknolohiya.

Isang pindot lang sa “enter” ng teklada ay naka-broadcast na sa buong mundo ang gusto mong iparating. Hihintayin mo na lang kung sino ang magbibigay ng komento at makikipindot sa “like” o “share”.

“Tao po! Sulat galing Hong Kong!”

Noong ako ay bata pa, bespren ko si Manong Kartero. Bukod sa pag-aabang sa notice ng pensyon ng aking lola kay erpats ay hinihintay ko rin ang mga sulat na dumarating mula sa mga kamag-anak namin na nasa ibang bansa. Ito ang pinakasimple at pinakamurang pamamaraan ng komunikasyon ngunit napakabagal kaya nga tinawag itong “snail mail”.

Ang bawat sobre na natatanggap namin ay makapal dahil sama-samang nakalagay sa loob ang mga liham para sa akin, kina utol, at kina ermats at erpats. Samahan mo pa ng mga nakasingit na Kodak pics nila tita, tito, mga insan, lolo, at lola. Nahilig akong mangolekta ng mga selyo dahil sa mga sulat na ipinapadala ni tatay (tawag namin sa lolo ko kay ermats) na “special delivery via airmail”. Gumagastos siya ng mas mahal sa pangkaraniwan upang masiguradong makakarating nang mas mabilis sa Pinas. Kapag mas maraming postage stamps, hindi aabutin ng isang linggo bago dumating sa amin ang mga sulat mula HK.

Kinokolekta ko rin ang mga sulat na aking natatanggap at minsan ay binabasa kong muli ang mga ito kapag may bakante akong oras. May sentimental value, tagos sa buto at kuyukot ang ipinapahiwatig ng mga mahal mo sa buhay.

Natatandaan ko ang mga kuwento ng mga kasamahan ko sa Saudi noon na kailangan pa nilang maghintay ng isang buwan bago makatanggap ng sagot mula sa mga naiwanan sa Lupang Hinirang. Taena, napakatagal ‘nun…

CLICK HERE TO CONTINUE READING

 

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 34-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, Paul & Xander, and Frontispiece 2.0.