(Photo Credit : Gobicol)

Sila yung kadalasang nakikita mong tulala, panakaw ang tingin, namamawis at nasesemento sa kinakatayuan. Sila yung mga tipong puro palipad hangin at ‘di kayang sabihin ang nararamdaman. TORPE. Ayon kay Google, ang torpe ay isang lalake na sobrang in love sa babae, pero ‘di niya kayang sabihin o aminin sa babae yung nararamdaman niya. May iba’t ibang dahilan kung bakit natotorpe yung lalake. Hindi rin naman kasi natin sila masisisi sa mga dahilan nila kung bakit sila ganoon. Maaari kasing:

• Singtanda na ng panahon ang pagkakaibigan nila kaya mas minabuti na lang ni lalake na ipaskil ang “Just Friends” sa noo nila nung babae. Yung tipong may barbwire na nakalagay sa pagitan ng friendship at love at kailangang magbuwis buhay kung gusto mong tumawid sa kabilang parte ng relasyon niyo.

Naintimidate si lalake sa babae kaya una palang ay nadiscourage at natameme na lang siya .

• Sadyang Duwag lang talaga siya. Niyakap na niya ang salitang “Loser” at namanata na siyang kaya niyang tanggapin ang pagsisisi habang buhay.

• NGSB. Hindi alam ang gagawin dahil never pang nagkajowa buong buhay niya. Ito yung tipo ng mga lalake na kailangan pang magaral ng mga “Suave Moves” kay chito Miranda.

• Walang Chance. Ito yung pinakamasaklap. Dahil ito yung sitwasyon na nasa magkabilang mundo sila ng babae. Yung tipong hanggang tingin na lang talaga ang maari niyang ibigay sa babae. Masaklap. Masakit.

Di rin biro ang maging torpe. Kalaban kasi nila ang sarili nilang insecurities, andami nilang apprehensions sa buhay at higit sa lahat wala silang tiwala sa sarili. Ewan ko ba kung bakit hindi nila kayang maglakas-loob kahit minsan lang para sa taong gustong gusto nila. Sa tingin ko kasi mas worth it na maglakas ng loob para magtapat kesa magsisi habang buhay. Naniniwala kasi ako na ang pinakamatinding sakit ay regret at hindi rejection.

Sa kabilang banda, naniniwala ako na ang mga torpeng lalake ang pinakamasarap magmahal. Sila yung isa sa pinakasweet at thoughtful na uri ng mga tao. Bukod sa dinadaan nila sa kanta at tula na di nila pinapabasa, alam nilang galing sa puso ang bawat letra na sinusulat nila. Ayon sa mga kakilala ko na nakapangasawa ng torpe, hindi daw nakakapagsisi na sila ang pinili nila. Tested daw kasi na loyal sila at undoubtful ang pagmamahal nila.

Sa sarili kong pananaw masasabi kong maswerte ang babaeng minamahal ng torpe. Dahil sa kabila ng nakakdagang ugali at nakakinis na pagiwas kahit halatang halata na sila, masasabi kong sila ang wagas magmahal. Kaya nilang maglaan ng kahit anong effort para sa mahal nila. Bukod pa diyan, ang mga torpe ay may mga sumusunod na katangian:

• Alam mong ikaw lang. Wala kang kaagaw. Maaring may exemption sa ganitong paniniwala pero generally, pag nagmahal ang torpe isa lang. Isa lang ang sinasamba ng puso nila; isa lang ang inaalayan nila ng tula; isa lang ang pinapanalangin nilang makapansin sakanila; isang babae lang ang nakakapagpatigil ng mundo nila. Ironic, pero ang taong nagpapatigil ng mundo nila ang siya ring taong iniikutan ng mundo nila.

• ROMANTIKO. Ito yung swabeng romantiko. Yung walang halong pagpapacute at patweetums. Yung alam mo at ramdam mo na galing sa puso yung nararamdaman nila dahil ilang gabi nilang pinagpayutan ang anumang gimik nila para maiparating sayo yung naguumapaw nilang pagmamahal.

• Alam mong seryoso talaga siya sayo at di ka niloloko. Bakit ko nga ba ito nasabi? Isipin mong mabuti kung gaano kahirap ang dinanas niyang internalization at internal hazing para lang maglakas loob na magtapat sa babaeng iniikutan ng mundo niya. Yung hirap na y un ay di ipagpapalit ng torpe ng basta basta lang. Lahat naman ng bagay na pinaghirapan ay worth it. At kapag alam mong worthy ito hindi mo agad pakakawalan. Ipaglalaban mo ito hanggat kaya mo. Ganun ang mga torpe. Hindi na sila magaaksaya sa kung anomang flirtations na alam niyang ikakasira ng relasyon niya.

• Anomang mangyari sa relasyon niyo, kung ikaw yung minahal niya ikaw na yung huli. Maghiwalay man kayo ng landas, iisa lang ang true love niya. At pag nagkataong ikaw yun, nakatatak ka na sa pagkatao niya. Hindi ka niya makakalimutan dahil ikaw ang nagturo sa kanya ng lahat ng bagay na meron sa pgibig. Ikaw ang nagturo sakanya kung paano maglakas loob, ikaw ang inspirasyon niya at ikaw ang simbolo ng ngiti sa mga labi niya. Maghiwalay man kayo at magkanya-kanyang buhay, 99% sure ako na hindi na siya makakapagmahal ng gaya ng pagmamahal na nilaan niya para sa iyo. Kaya kapag ang karelasyon mo ngayon ay isang torpe na naglakas loob para umamin sayo, keep him dahil isa siyang 100% keeper. At bilang isang babae, yun ang hanap natin sa isang lalake, db?

So kung ikaw ay isa ngang nilalang na pinaglihi o isnumpang maging torpe habang buhay, subukan mo din minsan na maglakas loob para harapin ang sinisigaw ng damdamin mo. Andami kasing possibilities na maring mangyari. At kahit pa sabihin mo na ‘Baka Mabigo” ka, mas mabuti parin yun kesa wala kang ginawa at magsisi habang buhay. May chance nga naman na mapahiya ka pero mas okay nay un kesa habang buhay ka lang nakatitig sa taong gustong gusto. Walang mawawala sayo kung aamin ka, ang mahalaga tanggap mo kung anoman ang maaring kalabasan at patutunguhan ng pagsulong mo. At bago ka pa umatras at manginig sa nerbyos, maari mong isipin ang mga sumusunod bago ka mamanata sa Quiapo na paninidigan mong maging pader na lang sa babaeng mahal na mahal mo.Kung mananatili kang torpe walang mangyayari sa iyo dahil:

  • Women dont make the first move. Generally, I’m talking about Philippine Setting. Kahit na sabihin kasi natin na liberated na ang mga kababaihan ngayon sa bansa, 95% ay hindi parin gagawa ng first move para sa isang lalake. Kaya kung nagtotorpe-torpehan ka diyan, wala talagang mangyayari sa iyo. Lunukin mo na ng minsanan ang hiya mo, pwede mo naman kasing daanin muna sa text at tandaan na mag-ingat sa mga bibitawan mongsalita para di ka mapagkamalang stalker.
  • Hindi alam ng mga babae kung anong tumatakbo sa isipan mo. Aaminin ko na bilang babae,nagkakahinala at nakakramdam din kami kung may gusto ba ang isang lalake sa amin. Pero dahil natural na konserbatibo ang mga Pilipina at ayaw mapahiya lalo na sa ganyang usapin, ayaw naming mag-assume hanggat wala kang sinasabi. Hanggat wala kaming pinaghahwakan na salita mo, wala din kaming sasabihin sa iyo. In short wala kang mapapala.
  • Ayaw ng mga babae ang nangangapa at magbasa ng nilalaman ng utak mo. Gaya nung nabanggit ko sa taas, liban sa pag-aassume nakakairita at nakakapikon yung paginterpret at manghula ng kung ano ang laman ng utak ng lalake. Kahit na nasayo na lahat ng signs na may gusto ka sa isang babae kung wala ka namang ginagawa at umiiwas ka pa sa sobrang hiya, maiinis sayo ang lahi ni Eba. Hindi mo naman kasi kailangang biglain ang pagtatapat. Maari mo itong dahandahanin, kilalanin mo muna siya, ngitian at kaibiganin ng walang halong masamang agenda.
  • Mamahalin ka ng babae kahit gaano ka pa katorpe, pero bago ang lahat mas magandang magkaroon ka muna ng confidence. Kaya siguro malakas ang dating ng mga ‘bad boys” dahil di sila natatakot na suungin ang kapalaran nila. Mas nanaisin nilang sumubok at masaktan kaysa habang buhay na umaanod sa dagat ng kawalan.

Kung tutuusin nga naman, walang lihim na nabubunyag, hindi habang buhay ay maikukubli mo ang katorpehan mo. Hindi habang buhay ay loyal sa ‘yo ang damdamin mo. Minsan nga yang bibig mo pa kasama ang puso mo ang huhudas sa ‘yo dahil kusa na lang madudulas sa labi mo na mahal mo yung tao.

Maikli lang ang buhay. Take Chances. You dont know what’s in store for you. Uulitin ko, ang mahalaga lamang ay acceptance sa kung anuman ang makikita mo kapag nagdesisyon kang tawirin ang mundo ng katorpehan. Okay na yan, mabigo ka man, makakamove on ka rin.  Ngunit isipin mo, paano kung hihintay ka rin lang niya at pinakawalan mo pa? Maaari mo bang isisi sa tadhana na unfair ito? Maaari mo na lamang bang tanggapin at lunukin ang gasgas na ‘Hindi kami ang para sa isat isa?” Mali pa rin. Dapat kung mahal mo, gawin mo ang sarili mong tadhana. Walang pumipigil sa iyo kundi ang sarili mong kaduwagan. Kung ‘di mo bubuksan ang sarili mo at ‘di mo lalabanan ang sarili mong multo, hindi ka magiging masaya buong buhay mo.

#Iplay ang Torpe Song Number 5 by MYMP#

#Iplay ang Alumni Home Coming ng PNE”

#Iplay ang Sayang ng PNE”