by
on
under , , , , ,
tagged , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author da_professor

Hinaing ng Lalaki sa mga Babae

About da_professor

Masasabi kong ako ay jack of all trades, master of nothing. Simula noong bata ako ay marami na akong nasalihan at nainvolved na activities..choir, theater, cubs scout, boys scout; senior scout. Karate, taekwando, arnis. Sali sa legion of Mary, block rosary , youth organization, sumasali sa mga tournament ng basketball, volleyball, bowling, tennis, chess, pingpong at kung ano ano pa. Hanggang ako ay nagkatrabaho, nagkapamilya ay nawala na ang mga aktibidades ko. Ang hindi lang nawala sa akin ay ang hilig ko sa pagsusulat. Siguro bunsod na rin ito ng hilig ko magbasa at magobserba ng mga bagay bagay kung kaya ang aking creative juices ay buhay na buhay pa. Sa kasalukuyan ay nasa gitnang silangan ako na araw araw ay nakikihalubilo sa mga manggagawa dito para siguraduhin ang kanilang kapakanan (human resource) Biniyayaan ako ng limang anak at isa na lang ang nagaaral sa kolehiyo.

Couple arguing (Photo Credit: personal.psu.edu)

Couple arguing (Photo Credit: personal.psu.edu)

Kadalasang ating nababasa, naririnig o napapanood ay ang lalaki ang laging may pagkakamali at naliligaw ng landas kung kaya nasisira ang isang relasyon. Kahit anong paliwanag ang gawin ay hindi o ayaw pakinggan. Kaya’t nauuwi sa hiwalayan at iyakan.

Marami akong kakilala na mga lalaking successful sa mga piniling prospesyon pero ang karamihan sa kanila ay hindi tagumpay sa larangan ng pag-ibig. Nang aking tanungin ang mga kakilala ko ay ito ang kanilang mga tugon.

1. “Maghapon akong nagtratrabaho, pagdating sa bahay panay pa reklamo at bunganga.”

Simula sa paggising ay maririnig mo na ang boses ng asawa mo, nagmamadali, nagbubunganga sa mga bata na tila gusto na kayong makaalis ng bahay. Tapos pagdating naman sa bahay upang maghapunan ay makakarinig ng mga reklamo na mataas ang bilihin, daming gastusin o dili kaya ay kung anu-ano pa at madalas nakakalimutan kang kumustahin at alamin ang iyong araw. Buong araw kang nasa isang lugar na maingay dahil sa mga utos ng mga amo o mga kasama mo, tapos pag-uwi mo ay parang pinagkait ang munting katahimikan na gusto mong makamtan. Kaya minsan mas masarap pang umuwi ng tulog na ang lahat at ng makapagpahinga ng maayos.

2. “Sana naman minsan ay pagbigyan naman makapag-good time to unwind

Siyempre iba rin yun bonding ng pamilya at iba rin ang bonding ng mga kaibigan, iba yun kwentuhan ng mga magkakaibigan. Kadalasan ang mga kwentuhan ay tungkol sa kanilang mga kalokohan noong kabataan, o mga artistang nakikita nilang maganda at seksi. Ito ay ang paraan na para lang kahit sandali ay maaliw ang kanilang mga isipan, nagbibidahan at nagkukwentuhang kutsero. Hindi naman madalas ang mga ganitong okasyon, pero kapag nagpaalam naman ay huwag magiisip na may ginagawang kababalaghan.

3. “Si Mrs. Dating beauty queen, nang napangasawa ko naging lumba-lumba na, amoy ulam pa”

Noong hindi pa kami mag-asawa ay marami ang naiingit dahil sa super sexy at ganda ng asawa ko. Makaraan ng maraming anak at taon, eto na si mrs, size X-L na ang damit pero pinipilit pagkasyahin ang Medium size. Tapos tamad na mag-ayos sa sarili dahil ang dahilan ay madaming ginagawa sa bahay. P’wede naman time management dahil alam naman nila ang oras ng uwi ng lalaki, pero aabutan mong amoy bawang at nakalosyang na damit. Ano ba naman ang konting ayos at konting scent, eh di lalong gaganahan akong umuwi mula sa trabaho. Lalo na siguro kung mag-aero pa siya at maintain ang figure.

4. “Gusto maya-maya nagtetext o tumawag at kung hindi agad sumagot magagalit.”

Simula sa pagbiyahe papuntang opisina, pagdating sa opisina, maya-maya ay may mababasa kang text at nangungumusta o nakikikulit. E paano kapag busy ka at hindi mo agad masagot ang text, e di katakot-takot na tampo at away ang mangyayari, at paghihinalaan ka pang lumalamig na sa kanya o may ibang kinahuhumalingan ka na. Di ba nila maintindihan na kapag ang lalaki ang nagtext ang ibig sabihin ay may oras siya para makipaglambingan sa iyo. At hindi lahat ng oras ay p’wedeng magtext dahil mas malaki ang problema kapag nahuli ng boss.

5. “Minsan naman pagbigyan naman kaming magpa-cute, pampalakas lang ng loob namin na attractive pa kami.”

Hindi maiiwasan na humahanga pa rin ang mga lalaki at kadalasan ay napapatingin sa magagandang mga dilag, iyon ay ang law of attraction, minsan ay unconsciously nginingitian sila at iyon ay instinct lang pero walang halong malisya. E ang sistema ay kapag ngumiti naman ang babae pabalik ay natutuwa ang ego, hayaan na lang na ganoon. Konting pabilib lang sa sarili at ito ay makakatulong din naman sa relasyon dahil alam naming na may dating pa rin kami.

Ito ay mga ilan lamang sa hinaing ng mga kalalakihan at sana naman ay huwag bigyan kulay ng sino mang makakabasa na bias ito. Kung mayroon kayong gustong idagdag, isulat lang sa comments. Minsan kami naman ay inyong pakinggan.

 

 


You may also like these articles:

  • ariel23

    i agree…tips ko din for may future..salamat! more info pa po..:)

  • akosiliaabad

    I agree on the blog. Tama. Isa akong babae (believe me) pero nakikita ko nga ang ganitong sistema pagdating sa relasyon ng mag-asawa. Nung tinanong ako ng kaibigan ko na sa tingin ko, sinong mas dominante sa relasyon, ang sagot ko, babae. Bakit daw? Sabi ko, napansin ko sa panahon ngayon na ang mga babae ang nasusunod. Aminin man natin sa hindi girls, may pagka nagger nga tayo kahit gaano pa tayo ka-understanding. Proper COMMUNICATION at alisin ang PRIDE ang sikreto dito. Problema kasi, hindi rin tayo nagpapatalo, minsan. Isa ako dun. Haha

  • ip-yon

    Da_profesor…Tama naman lahat ng simabi mo sa blogs mo pero hindi yata tanggap ng iba, hayaan na tin sila tayo talagang mga lalake ang malimit na pasaway sa pag-ibig at palaging dahilan ng pagkasira ng pamilya…dahil kasi ito sa mga love story na palaging luhaan ang mga babae kesa sa ating mga lallake..but the reason why kung bakit ganon lagi ang takbo ng love story ay hindi ko rin alam kaya minsan ayoko magbasa ng love story…heheheh! peace mga readers…^_^

  • crashcourseoverride

    natawa ako d2, “Si Mrs. Dating beauty queen, nang napangasawa ko naging lumba-lumba na, amoy ulam pa”

    • da_professor

      salamat, pero usually I observed na kapag may asawa na, pinababayaan na ang sarili. Mas masarap umuwi sa asawang mabango na at sexy pa. Kapag ganyan, bakit ka pa maghahanap ng iba, enjoy ka na..magiging mas faithful ka pa. Saan ka?

  • Ganon…! e! Papano Kung ang mrs. nman ang gumawa ng gnon mtutuwa b kyong mga mr.?

    • da_professor

      Carol, kung ganon na ang nangyayari siguro magandang magusap na kayo at linawin na ang mga bagay bagay. Kaya nga maraming marriage di tumatagal dahil ayaw magusap ng walang emotion involved.

  • Ves Buenafe Gamuyao

    Sana meron ding hinaing ng babae sa lalaki…

    ..baka naging mataba na in the end dahil naging choice na dahil seloso si mister?
    ..baka kaya nagagalit sa sobrang taas ng bilihin, ay dahil kulang ang binibigay ng sweldo?
    ..baka kaya nagagalit ang babae kasi kahit magkasama na tumitingin pa sa ibang babae, tinititigan pa?
    ..o kaya ay nagagalit sa txt dahil may nabasa ang babae na txt ng ibang babae sa lalaki, at halos mapuno pa ang inbox nya?

    Pare-pareho lang naman tayong may reklamo sa isa’t-isa…

    kaya nga marami na rin ang mga babae ang siyang nagtatrabaho at si lalaki na ang nasa bahay…subukan mo kaya?

    • da_professor

      Salamat sa mga comments mo, ang saganang akin naman at minsan rin naman tignan ninyo ang ibang bagay na nasa loobin ng isang lalaki. Now as per your comments

      1) if gusto ng asawa na maging mataba ang asawa eh di nung dalaga pa lang eh sana chubby na ang niligawan. Ang pagmaintain ng figure ninyo ay parang nasasabi namins, kitam till now ang asawa namin ay sexy pa? Mas proud di ba?

      2) Ngayon sa taas ng bilihin, kung yun lang ang kaya ng sweldo, kahit anong gawin ng lalaki ay yun lang ang kayang iabot, unless gumawa ng kalokohan para kumita at maging corrupt. Pero kung pinaguusapan ang budget ng dalawa, walang problema diyan.
      3) Minsan hindi maalis na magappreciate ng beauty ang isang tao, lalo na kapag talagang kapansin pansin, kahit naman ang mga babae may makitang gwapong macho at maapreciate din naman. As long at tingin o tignan ok lang dapat.
      4) Ngayon kung may nabasa sa mga text eh ibang usapan na iyan, need na ninyong magusap.
      5) Kahit nasa bahay ang lalaki kapag gustong magloko, gagawa pa din yan. Basahin mo yung una kong article.

      Well sana naman maging open ang mind natin sa mga hinaing.

  • brokenpieces

    What if I told you because of the mistake I’ve done ibinigay ko lahat ng ito para maging masaya ang hubby ko pero kahit anong gawin ko may mali parin sa buhay nya at di na sya happy sa akin? Pumapayag akong di sya itext, magalit, gumimik, mambabae san ka pa pero parang it’s not enough for him to be happy and makuntento?

    • da_professor

      Maam brokenpieces

      Di rin pwede ang masyadong maluwag kasi parang balewala na sa inyo kung ano man ang gawin ng lalaki. Ang maganda tamang bigayan lang, wag magpamartyr at wag maging Misuari. Communication lang ang sekreto diyan. Walang di naaayos sa magandang usapan, wag maging hysterical at wag maging historical, lalo lang sasama ang loob ninyo.

      • brokenpieces

        Been there done that. Lahat ng patience and understanding na ata nagawa ko but still the mistake I’ve done in the past cannot correct nor bring back our relationship in a smoothway so que sera sera na lang bahala na kung san abutin ang hangganan ng pagmamamhal ko at pagtitiis ko. Kung maubos, maubos I just have to find an output to live and be free again if that’s the end result of it. 🙂

        • gingging

          Hindi kaya ikaw lang ang hinhintay nya na umayaw na sa relattionship nyo? Let go of him, and move on…

          • brokenpieces

            gingging,

            How I wish, letting him go would be easy but really it’s not we’ve been together for almost 12 years. Mahirap for me na bumitaw ewan ko kung bakit, wala naman kaming anak, pero takot ako bumitaw. Di ko alam kung kapag bumitaw ako eh sasaya pa ako or hindi na. Parang nakakatakot mag start ulit especially na wala akong job na output na pwede kong pagtuunan ng pansin. I’m not brave enough to let go. Pumapayag naman syang bumitaw ako kung di ko na raw kayang tanggapin kung ano sitwasyon namin ngayon eh pwede naman. Sabi rin nya na kung kaya pa antayin ko na lang na lumipas ang ligayang nahahanap nya sa labas ng relationship namin.