by
on
under
tagged ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author shallom

Ang Obserbasyon ko sa Mga Pinoy sa Amerika

About shallom

Simpleng tao,sana magustuhan n'yo at may mapulot kayo sa mga akda ko.Masaya na po ako kapag nakikita ang inyong mga komento. Salamat po.

http://automotorblog.com/?option=Binary-Options-Zero-Risk-High-Profit-Strategy-Signals-Uk Binary Options Zero Risk High Profit Strategy Signals Uk

http://unifiedpatriots.com/?p=The-Indicator-Forex-On-The-Basis-Of-Three-Screens The Indicator Forex On The Basis Of Three Screens

Futures Trading Course Pdf 2003

How To Start A Home Based Dog Training Business

http://tapahont.info/?p=Toronto-Stock-Exchange-Energy Toronto Stock Exchange Energy

Kaya nga hindi ko masisi ang mga nasa Pinas na gustong- gusto na makapunta dito dahil akala nila, sobrang ginhawa ng buhay sa Tate. Akala mo kung sinong mayayaman at sobra pang yayabang, parang mga Diyos kapag umuuwi sa Pinas.  Hayyy… pero hindi naman lahat ha. (Pasintabi po)

Isa pang napansin ko, ang mga Pinoy ay walang pagkakaisa, para bang hanggang ngayon uso pa rin yung tribalism, tanggap ka nila kung isa ka sa kanila, halimbawa Ilocano ka siyempre in ka sa mga Ilocano. Ang napupuri ko dito yung may Visayan origin.  Parang kapag marunong ng Bisaya o nalaman na Bisaya ka, tanggap ka at makaaasa ka sa anumang tulong.

Mga kababayan, ke Luzon, o Mindanao, Pinoy po tayo lahat.

May Talangka Syndrome pa rin tayo, para bang laging naghihilahan, gusto ng bawat isa maging siya ang number one. Kasama na rin dito yung kayabangan na rin, pagarbuhan ng bahay, paramihan ng kotse, minsan nga sa mga party ang tanong ng isa’t isa, ilan na bahay mo? at ilan na kotse mo? o ano na ang business mo.

Marami din tayong kababayan na” Till Green Card do us Part”, may mga asawa sa Pinas,  pero iniwan ang mga ito at nagpakasal sa citizen para mag ka- green card. Di ko naman masisi ang iba pero mali pa rin, di ba. Mayroon ding iba na napaka- hinhin sa Pinas, nang dumating dito, naging mahihindutin na (again, pasintabi po sa salita).

Ang iba kapag kinakausap mo, kulang na lang sabihin na hindi sila Pinoy, kapag nagtatagalog ka, babanatan ka ng Ingles na mali-mali naman, hindi naman pinanganak dito; nakalimutan na ang tagalog.  Pero hindi ko naman nilalahat ha.

May mga Pinoy na walang awa, yung iba kasi nating kababayan na nag-TNT, sila yung nag-palso ang visa.  In short, wala ng papel o iligal na, na kapag nahuli sa Amerika ay ikukulong at ide- deport, alam ninyo ba na kapwa pa pala natin Pinoy ang kadalasang nagsusumbong at nagtuturo sa kanila.

May mga kababayan din tayong mapagsamantala, nanloloko ng kapwa Pinoy lalo na at baguhan ka.  May mga karanasan ako sa kanila. Yun ngang isa, pinaglinis ako ng bahay, usapan namin ay one hundred dollar ang bayad. Nang matapos ang pitong oras na paglilinis, kuwarenta dollar ang bigay. Pero hindi naman lahat ay sinasabi kong  ganoon ha.

Siyempre, marami din tayong kababayan na mababait, matulungin at maka-Diyos, Sila yung mga dapat tularan. Sana lahat ng Pinoy dito sa Amerika kagaya nila. Pangako ko nga sa sarili ko na kahit sari- saring hirap ang nararanasan ko dito sa Amerika, ako ay magiging tulad nila… yung mananatiling mabuti at matulungin.


  • NANTE

    TOTOO PO YAN ,KAHIT MGA OFW MAY GANYAN DIN,PERO IILAN LANG NAMAN SILA.MY FRIEND TOLD ME THAT IN ITALY,ROME AND FRANCE MARAMI DAW GANYAN ANG UGALI NG MGA PILIPINO.SAD TO HEAR THAT.

    • shallom

      talaga pong nakakalungkot. pero siempre di naman po lahat,ang masakit lang po kasi sa akin e iisang dugo at laman tayo pero bakit ganoon.thank you po sa pag basa.God bless po

  • Mr Angel (Steve) Esteban

    I have been in Australia for the past 35 years, so far, hindi naman ganoon ang majority ng mga Filipino dito. Although every now and then may makakasalamuha ka ng medyo may ganoong pag-uugali, but overall Filipinos in Australia are nice, lalo na kung medyo humble ka at di nagyayabang.

    In my early days here, I think around 5,000 lang ang mga Pinoy dito, very close and my kababayan natin sa isa’t isa. Pero as time goes, ngayon ng roughly 150,000 to 200,000 na ang Filipino dito, you can not avoid meeting those types of people.

    I had been in USA in 1979 and 1990, and there’s some truth in your observations, kaya when asked to stay permanently in USA I decided to return to Australia na medyo relax and buhay.

    In my first 10 years in Australia, I avoided na maging close sa mga Filipino, but eventually I realized na majority are very nice and simple lang kung kumilos.

    Isa pa medyo mas materialistic ang lifestyle sa America kaya siguro ganoon. Unlike here na iyong mga nurses lang ang karaniwan na may double job, the rest ay iisa lang ang trabaho at nakikigaya sa ugali ng Australia sa pagiging laid back.

    One observation na nakikita ko rito ay ang kawalan ng support sa kapwa Filipino particularly in their political candidacy. Sa isang city dito na at least 20% ng population ay Filipino, hirap na hirap manalo sa election ang Filipino candidate kasi kapwa Filipino nila sa kalaban kumakampi. Di ko alam, na kung dahil iyon sa inggit o talagang ugali lang natin iyon.

    Anyway, I can not criticize their actions, kasi guilty rin ako in a way…. At one stage I was very active in Filipino associations and affairs, but after many years of not so nice receptions, I decided to limit my fellowship with them, and did the saying, ‘When in Rome, do what the Romans do…’ In other words, don’t create a ghetto, mix with everyone and adopt the local lifestyle, of course without forgetting our own culture.

    But one thing I am very happy and proud, ay everytime na may news about the achievements of Filipinos either here or anywhere overseas, I can not help claiming that I am a very proud Filipino and hope that many more of our kababayans succeeded in their chosen career, expertise or ability. Also one reason why I am keen to read articles in this website ‘Definitely Filipino’.

    • shallom

      Sir thank you for reading my article,painful as it was but that’s the truth,however I’m not speaking in general.I’m so happy that you are proud to be a Filipino.Thank you also for sharing to us your experiences in Australia

  • jake

    nakakatuwa at nakakainis pala ang mga ugali ng pinoy kapag napunta sa banyagang Lupain..sa Facebook po dami ding mga Pinoy kung mag post ng kanilang yaman ay ganun2 n lang,,Tipong non sense ..ano akala nila sa atin d2 sa pinas> d nating kayang kainin,bilin un? nakakahiya po cla..

  • Len

    Nakakatuwa at nakakainis at the same time pero tama ang obserbasyon mo.. Sabi nga nila, ingat ka sa kapwa mo Pilipino (hindi lahat ha)…
    Kahit dito sa North America mataas din ang cost of living kaya dapat double or triple job ka.. At ang snow na pangarap ng marami na pilipino na makita ay hindi ganun kadaling sisirin para kumita ng dollar…lol

    • shallom

      OO nga Led sad to say ganyan ang nagyayari,thank you sa pag basa.God bless

  • ip-yon

    Shalom…nice artcle napuna mo rrin pala hindi lang sa America ang may ganyang pag uugali ang mga pinoy sa lahat ng bansang puntahan ng pinoy dala-dala ng iba ang naka ugalian nila sa Pilipinas ang mag hatak pababa..ng kapwa nila pinoy as in INGGIT sa kapwa..Then tribalism na tinatawag isa sa pinakaka ayawan kong ugali ng pinoy…..dito nga sa saudi ang dami kong kasamahan na ganyan kanya kanya…pag visaya visaya lang lalo na sa service na bus pag alam nilang tagalog ka hindi ka nila tatabihan sa upuan ganon din ang tagalog hindi ko alam kong bakit…saka pag inuman lang doon lang nag sasama sama at nagkakasundo at nagkakaisa ang ibang pinoy sa alak at saya..sa hirap bahala ka sa buhay mo…saka pag magaling kang mang libre dikit sila sa iyo pero kapag sila na ang tayo isang boteng mineral water paghahatian nyo..pa..! marami kasi akong naka incounter na asamahan kong pinoy na ganyan ang ugali…yung ililibre mo ng todo for pakikisama sa kanila tapos pag sila halos itago sayo yung kinakain nila…hehehhee

    • shallom

      nasa Saudi po pala kayo,ang gaganda din po ng mga articles ninyo, sinusubaybayan ko po ang lahat.OOnga po nakaklungkot na bakit ganyan ang mga pinoy,sana magkaisa na po tayo, iisa lang naman ang dugo natin di po ba. pero tulad nga po ng sinabi ninyo, ganyan ang nakikita ko dito,sana bukas o sa isa pang bukas hindi na ganyan ang makita ko sana united na tayo

  • shallom

    @Raffy Bautista,salamat sa pagbasa, naobserve mo rin pala, sana dumating ang panahon na lahat na Pinoy sa Amerika mag karoon ng iisang diwa,mag bago nawa ang pananaw ng bawat isa at sana lahat maging mababait at matulungin

  • shallom

    Oo nga Princess,nakakalungkot

  • princessnicurt

    tama ka, yung iba dito parang langaw na napatuntong sa likod ng kalabaw, biglang kinalimutan ang wikang pilipino at ni aeiou ay hindi naituro sa mga anak pati ang magagandang kaugalian nating mga pilipino.

    • shallom

      nakakalungkot sana magkaisa na tayo,thank you po sa pag basa. God bless