(Photo Credit: Featurepics)

Napakaboring ng araw na iyon kaya naghanap ako ng isang site kong saan makakapagchat ako. Kumbaga pampalipas oras lamang. Walang magawa eh.

Nakarating ako sa isang site ng mga Filipino community na nasa ibang bansa, pero karamihan nasa Pinas (nga pala nasa ibang bansa ako.)Isang site na layunin ang magbigay saya at makipagkilala sa iba’t ibang tao saan mang sulok ng mundo.

Habang nakikipagkilala ako sa ibang chatters ay nakapalagayan ko ng loob itong isa na may chat name na na si Belvet.( Lalaki po yan :) ako naman babae). Ewan ko nga kung bakit ganun ang chatname niya; tinanong ko naman hindi daw alam. hahaha

Hindi ko namalayan ang oras, aba! Limang oras na pala akong nakikipagchat at hindi pa ako kumakain ng tanghalian niyan. Nawili ako sa pakikipagchat kay Belvet at sa iba pang chatters. Nakawiwili talaga lalo na kapag nasa ibang bansa ka, wala kang ginagawa, at malayo ka sa pamilya mo. Nararamdaman mo ang lungkot dahil wala kang mapagsabihan ng mga dinadala mo sa dibdib. Minsan nahihirapan ka pagkatapos ng trabaho, ngunit walang makapag-alis ng hirap na iyon. Minsan, kung malapit lang ang Pinas, gugustuhin mong umuwi ka muna para makita ang pamilya mo.

Dahil doon nakaugalian ko nang mag-online araw-araw at naadik na ako sa chat. Minsan, pagkatapos ng trabaho ko ay agad na akong nakaharap sa aking laptop kahit hindi pa nakapagpapalit ng damit. Dahil doon, nahulog ang loob ko kay Belvet na hindi man nagpakilala ng tunay niyang pagkatao ay nakuha niya ang ilang pitak sa puso ko. :’) (landi)

Araw-araw ay nagchachat kami. Pero isang araw ay hindi siya nag-online. Di ako mapakali at tanong ako nang tanong sa ibang pang chatters na kilala niya, pero hindi rin nila alam. (Yun ang hirap pag hindi mo kilala nang lubusan ang isang tao; hindi mo alam kong saan hahagilapin.)

Minsa’y nag-ol ako nang madaling araw na at naabutan ko si Belvet na online at take note nakikipaglandian sa ibang chatters. Tinanong ko siya ng gusto kong itanong, pero sinagot ako na bakit daw ako magagalit, wala naman kaming koneksyon sa isa’t isa.

Nasaktan ako nung sabihin niya iyon. Masakit na ang isang taong nakilala at nakapalagayan mo ng loob ay mahulog ka. Sabay sabing “sakit naman, tagos hanggang kaluluwa”.

Wala kang karapatang magalit at sumbatan siya dahil hindi naman “kayo” at sa chat lang kayo nagkakilala. Minsan napakahirap pumasok sa ganyang klaseng sitwasyon. Masasaktan ka lang sa huli.

Dahil doon hindi na ako kailan man pumasok o nagchat doon. Nasaktan ako, oo, pero wala akong karapatan. Minsan dapat alamin din natin kung hanggang saan lamang ang limitasyon natin sa buhay ng isang tao.

Hindi dahil nakuha niya ang lungkot sa mata at nakakapagpangiti sa iyo ay mahuhulog ka na sa kanya. Bahagi pa rin ng buhay natin ang masaktan.

Tulad sa kantang “sa chat lang kita nakilala”.

Isip ko`y litong lito
sa net ay ika`y inibig ko
kahit ‘di pa kita nakikita
puso ko`y bihag mo
Sa sandaling ka-chat kita
anong saya aking nadarama
dalangin ko na sana`y online ka
upang ika`y makasama.