I Didn’t Know I was Pregnant..My Personal Experience
I didn’t know I was pregnant….. isang reality show sa US na nagkukuwento ng karanasan ng mga kababaihan na nabubuntis, ngunit nalalaman lamang nila na sila ay buntis sa sandaling sila ay manganganak na. Siguro maraming mga babae ang magtataas ng kilay at magsasabi na imposible na hindi mo malaman na nagdadalang-tao ka na. In my case, I believe them- kasi personal kong naranasan……….
First, siyempre, kuwento ko muna ang love story namin ng asawa ko at tatay ng mga anak ko. Second year college ako nang makilala ko ang aking asawa.
Mga 2 or 3 months yata siyang nanligaw bago ko siya sinagot, tagal noh, probinsyana ako eh mahinhin kunwari. ^_^ At siguro dahil may pagkatorpe at mahiyain ang asawa ko, actually, six months na kami bago niya ako unang nahalikan, na nangyari lang dahil nagtop ako sa exam and he congratulated me. Nakakatawa noh?!
Kaya din siguro, ‘di gaya ng ibang mga magboyfriend na may mga experiences na, wala pang nangyayari sa amin. At naniniwala din ako na dahil din yun sa iniisip namin ang future namin. Paano kung mabuntis ako nang hindi pa kami tapos sa aming pag-aaral. Ano mangyayari sa ‘min, dagdag lang kami sa problema ng gobyerno, di ba.
Before ako maggraduate ng college, and three years of relationship, nagdecide na kami na it’s time we do it na. May takot pa rin siyempre, pero dahil alam kong mahal ako ng lalaking yun, pumayag na rin ako. And until today, masasabi ko na it was one of the happiest day of my life. Di naman nangyari ang kinatatakutan ko – ang magbuntis. Nakapagtapos ako ng pag-aaral at nakapagtrabaho habang siya naman ay tumigil na sa pag-aaral because of financial problem. Naghanap na lang siya ng trabaho.
Siguro dahil naniniwala ako na kami na talaga, ginusto ko na rin na maging mag-asawa na kami, pero marami pang kailangang ayusin bago yun. Bago pa lang ako sa trabaho at ang asawa ko naman ay nag-aaply pa lang ng trabaho. Pero bago pa man kami magplanong magpakasal, almost regular na may nangyayari sa amin.
By September, 1997, sa aking natatandaan, 6 months na akong hindi nagkakaron ng buwanang dalaw (menstruation). Pero hindi ako nagwowory dahil normal na sa akin ang ganoon dahil irregular ang menstruation ko at saka wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa katawan ko.
Nung mga panahon na yun, ang alam ko pag buntis ang isang babae, nakararanas ito ng pagkahilo, pagsusuka at saka nanghihingi ng kung anu-anong pagkain, yun kasi ang napapanood ko sa TV at ‘di pa naman uso ang google nun kaya ‘di ko naman nasearch hehe.
December, 1997, manonood kami ng Titanic- may isang middle-aged na babae ang nagpaaupo sa akin sa mas safe part ng jeep kasi daw buntis ako. Sa sobrang kaba at pagkagulat namin, ‘di naming masyadong naintindihan ang movie (kaya naman inulit naming panoorin yun after 1 week). Tinanong niya ako kung anong nararamdaman ko. Sabi ko naman, wala talaga. So hindi na lang namin pinansin yun.
Ewan ko lang kung bakit hindi ko naisipang magtake ng pregnancy test. By February of 1998, pagkagaling ko sa trabaho, parang pagod na pagod ako, kahit wala naman ako masyadong ginagawa sa opisina kaya humiga muna ako. Habang nakahiga, biglang may gumalaw sa tiyan ko.
Kinabukasan nung sinundo ako ng boyfriend ko, sinabi ko sa kanya ang nangyari, kaya by that time convinced na ako na buntis ako, pero sabi ko sa kanya baka mga 4 or 5 months pa lang yun.
March 13, 1998, nagkayayaan ang barkada namin na magnight swimming sa hot spring sa Laguna. Sinabi ko sa mga friends ko na buntis ako, pero kahit isa sa kanila ay hindi naniwala dahil ang liit lang ng tiyan ko, parang gaya lang ng dati.
So, naisip ko na naman a hindi nga siguro ako buntis kaya hindi ko na tinuloy yung balak namin na pagpapa-check up. At isa pa, ayoko pang magsabi sa nanay ko habang wala pang trabaho ang magiging tatay ng magiging anak ko, ayoko masabihan ng “Ano’ng ipakakain sa ‘yo ng lalaking yan?!”
March 20, 1998, 5 am, biglang sumakit ang tiyan ko. Sobrang sakit na noon ko lang naranasan sa buong buhay ko at pakiramdam ko ay mamamatay na ako. Di pa sana ako magsasabi sa nanay ko kung ‘di lang may nakita akong dugo nung umihi ako. Ang hindi ko maintindihan nun parang gusto kong umiri habang papunta kami ng ospital.
Pagdating namin sa Philippine General Hospital o PGH (yun ang malapit na ospital sa inuupahan naming bahay sa Singalong, Manila), naririnig ko ang nurse tinatanong ang nanay ko kung buntis ako, hindi naman makasagot ang nanay ko, kawawa naman siya, clueless sa kalagayan ng anak. Tapos pilit akong pinaihi ng isa pang nurse para sa pregnancy test, pero talagang hindi ko na kaya. Pakiramdam ko ay lalabas na ang baby ko…..pero dahil sa hiya at takot ko sa nanay ko, at dahil sa sobrang sakit, hindi ko masabi na parang lalabas na ang baby ko.
Mabuti na lang at nagdecide sila na iexamine ang private part ko at dun nila naconfirm na manganganak na nga ako. Sinabihan pa ako ng lalaking nurse “BAKIT DI MO ALAM NA BUNTIS KA?, SI MAMA MARY KA BA?!”
Tama ba naman yun?. Kung ‘di lang talagang sobrang sakit ng nararansan ko, malamang nasapak ko yun. Dinala nila ako sa isang delivery room at saka sinabihan na magpush, siguro mga 3x lang, lumabas na ang baby boy ko.
Pinangalanan ko siyang Ronan, yun agad naisip ko, hindi naman namin siya napaghandaan. Mabuti na lang lumabas siyang HEALTHY, kumpleto ang mga daliri sa kamay at paa, hindi bingot at wala naman kahit na anong deformity kahit na walang pre-natal check up. Thank you Lord!
Di ko maipaliwanag ang pakiramdam ko, sobrang saya ko at kahit na natatakot at nahihiya ako sa sasabihin ng nanay ko, kuya ko, ng mga kamag-anak at ng iba pang tao, wala akong pakialam.
Ang alam ko lang naranasan ko na ang tinatawag nilang “LOVE AT FIRST SIGHT” nang makita ko ang anak ko. Alam ko na kakayanin ko ang lahat para sa nilalang na nanggaling sa akin.
Nung nasa ward na kami, syempre galit ang nanay ko, pero hindi naman niya ako sinigawan, tinanong niya ang number ng boyfriend ko at pinatawagan sa pinsan ko. Ang nakakatawa pa, nung araw na manganak ako ay first day sa work ng boyfriend ko. Kaya nung tumawag ang pinsan ko sa kanila, nasa trabaho siya.
At hanggang ngayon, tuwing may family gathering, favorite na nakakatawang topic yung scene habang sinasabi sa boyfriend ko na nanganak na ako at kailangan niyang magpunta sa ospital. Para daw nauupos na kandila na unti-unting napaupo sa sobrang pagkabigla. Nang Makita niya ang anak namin, makikita mo din sa mukha niya ang sobrang saya at sobrang proud din siya.
Ngayon ay 14 years old na si Ronan, at hindi ko itinago sa kanya ang kuwento ng birthday niya. Ang sabi ko sa kanya, huwag siyang magagalit kasi naging tao siya dahil nagmamahalan kami ng Papa niya, at isa siyang gift from God………
©Copyright 2012, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this website without the permission from Definitely Filipino or the author is prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner or Definitely Filipino.





Recent Comments