(Photo Credit: Miracleheart.deviantart)

Sa aking paglalakad ay napulot ko ang isang nakatiklop na kulay pink na papel.   Gusot na ito, ngunit animo’y may batu-balaning  humigop upang ito ay aking pulutin at basahin habang ako ay nakasakay sa bus pauwi sa aming bahay.  Sa aking pagbabasa, hindi ko napigilang mapangiti, mapahagikgik …  at mapaluha sa bandang huli ng liham.

My dearest Baby

Ang sarap talagang tawagin kang “Baby”…  sobrang nakakamiss.  Pero kahit ganun, kahit hindi na tayo, gusto kong malaman mong ikaw pa rin ang Baby ko!  Kahit ang dami nang nagbago, hindi pa rin nagbabago yung nararamdaman ko para sa ‘yo.

Hindi ko malilimutan kung paano ka dumating sa buhay ko at pinakita at pinaramdam mo sa akin kung gaano talaga masarap mabuhay.  Sa isang ngiti mo lang, tunaw na ang puso ko eh.  Isang yakap mo lang, nawawala lahat-lahat ng sakit at problema

Ang sarap sa pakiramdam na alam kong nandiyan ka para sa ‘kin.  Yung alam kong ‘di ako nag-iisa, na mayroong tao na handa at buong pusong makikinig sa mga kuwento ko na minsan ay paulit-ulit; at sa mga saloobin at nararamdaman ko.  At higit sa lahat, ay yung taong yun ay mahal ko at mahal rin ako.

Naalala ko ‘yung araw na hinanap kita para singilin ang utang mong siopao sa akin, dahil natalo ka sa pustahan natin; yung araw na tinanong mo kung puwede akong maging BESTFRIEND mo; ‘yung araw na inamin mong mahal mo ako.  Yung 6600 na ayaw mag-scroll down pa nga ang cellphone ko noon eh, at dito rin ako sa kamang ito  nakahiga noon.

Naaalala ko rin yung sinabi mo na ikaw ang magiging doctor ng puso ko; na ikaw ang magpapawala sa lahat ng sakit.  Lagi mo pa nga akong tinatanong kung ilang percent na eh.  ^_^

October 5, 2009 – Tanghali na akong nagising.  Nagmamadali akong papuntang banyo (nakayellow na daster ako nun), nagulat ako nang bigla kitang Makita sa tindahan naming, nakatayo at may hawak na pulang paper bag.  Nahiya pa nga ako nang todo-todo, kasi ang pangit ko nun, bagong gising, mukhang ewan!  Pero nakangiti ka, inabot mo sa akin ‘yung regalo mo sa kaarawan ko.

Ah, oo nga pala, tanda mo ba yung  ‘Bhie?’  Yung una nating tawagan.  Eh yung nag-holding hands tayo habang nanonood ng sine?  Hindi ko na nga lang maalala kung ano’ng pelikulang yun, doon na lang kasi sa kamay mo nakatuon eh.  Hehe).  Tanda mo pa rin yun, sigurado ako.  Dahil alam kong pareho tayong masaya nang mga oras nay un, Nov. 7, unang nood natin ng sine.

Sinamahan kitang bumili ng regalo para kay Nanay.  Ah Sorority Row nga pala ang palabas noon, di ba?  At hawak natin ang kamay ng isa’t isa.  Hindi ka doon sa palabas nagulat; doon sa sigaw ko! Hahaha

 Gustong-gusto ko yung pakiramdam na magkahawak yung mga kamay natin.  Parang tamang-tama ang lahat.  Ay, nalampasan ko pala yung Nov. 1!  Noong kinain mo yung halaman doon sa sementeryo para sa akin. ^_^  Nagulat talaga ako nun!  ‘Di ko akalaing gagawin mo nga.  Pati yung hinalikan mo si Micha.  Grabe, parang kahaponlang yun, sobrang linaw pa sa memory ko.

 Tanda ko rin nung araw ng libing ng lola mo; hindi ka nakapasok nung umaga.  Habang nakapila kami doon sa canteen nung tanghali, bigla kang dumating.  Tandang-tanda ko yung moment na yun; na-capture ko talaga.  Kasi… ang guwapo mo!  Wala lang….ang cute mo talaga nun!  Kaya ‘di nakapagtatakang na-in love ako sa ‘yo eh.

 Nung araw ng Intrams na sinundo mo ako, ang tagal ko bang magbihis nun?  Nainip ka ba?  Sorry ha.  Gusto ko lang kasing siguraduhin na maganda na ako bago mo ako Makita eh.

 Nakakamiss din yung lunch break na sabay tayong kakain at paghahatian natin yung mga binalot natin.  Naiinis ako nun, kapag inuubos mo yung ulam ko!  Hahaha…  Ang takaw-takaw mo kasi.  Pero alam mo, yang katakawan mo ay gustong-gusto ko.  Ang labo ano?  Eh sa natutuwa ako eh!

 Sa sobrang tuwa at saya ko nga, dahil sa ‘yo, hindi ko na napigilan ang sarili kong mahalin ka.  Kaya sinagot na kita!  At hindi ko yun pinagsisisihan kasi nagging sobrang saya ko kapag kasama ka.  Yung tipo ng saya na hindikayang tumbasan ng salita…

Alam mo rin ban a ang saya-saya ko rin nung unang beses mo akong isinama sa inyo?  Actually, parang mas excited ka pa nga sa akin nun, kasi ang daldal mo.  Hehehe  Lalo tuloy akong kinakabahan.  Pero noong kumakain na tayo, napatingin ako sa ‘yo at nakita ko yung ngiti mo.  Grabe, ang saya-saya ko, kasi napasaya kita.  Sa tuwing tinitignan mo ako nun, pakiramdam ko, ang ganda-ganda ko.  Kasi yun yung sinasabi ng mga mata mo.

Salamat nga pala, kasi sinamahan mo akong bumili ng damit ko para sa Christmas party.  Nakatutuwa kasi hindi ka nainip kahit napakatagal kong mamili.

“Laba dami, labango…” Kailan ba tayo huling naglaba?  Miss ko na… Hindi dahil mas dumadali ang trabaho ko, kundi dahil nag-eenjoy ako gawin ang mga bagay-bagay pag kasama kita.

Yung Buko Pandan na favorite natin sa palengke, mayroon pa kaya? My God, ayan… umaapaw na yung mga naaalala ko…

‘Yung pagprint mo  ng mga lyrics ng mga kanta, tapos kakantahin nating dalawa; yung amoy ng ilong mo kapag nagpahid ka ng s.o.s., yung sigla natin sa pagcha-chat sa FB kahit na magkasama lang tayo a few hours before, ‘yung pasalubongmong lomi o yum burger, yung paglalaro natin ng Text Twist, yung Siomai Fudhauz, yung sabi mong ang ganda ko sa grad pic….sabi mo pa nga, “Perfect!”

Yung uupo tayo nang magkatabi, tapos maya-maya lang pareho na tayong tulog, ‘yung practice para sa JS, yung pagbili natin ng sandamukal na pagkain kapag manonood tayo ng sine, yung unang Valentine’s Day nating dalawa (isa sa pinakamasayang araw ng buong buhay ko!) at sinabi mo doon sa mini-card mo na “Ang gusto ko lang naman ay makasama kang tumanda eh.  Sana, pagbigyan mo ako.”  ^_^

Siguro, kung puwedeng sumabog ang puso ay sumabog na yung sa akin!  Dahil sa sobrang saya na hindi ko na alam kung saan ko na ilalagay kasi punong-puno na ‘yung puso ko e.

Masaya ako sa bawat oras na kasama kita.  Ang sarap kapag sinasabi mong “mahal na mahal kita…”  Kasi, Baby, mahal na mahal din kita.  Hanggang ngayon.

Kahit halos lahat ay nagbago na… kahit nawawala ka na sa akin… kahit hindi ko na mahanap yung IKAW na nagmamahal sa akin noon… kahit hindi ko na makita yung ikaw na BESTFRIEND ko…  kahit kaibigan na lang, hindi ko na talaga makita eh.

Hindi ko na alam kung nasaan ka o kung paano kita hahanapin… hindi ko na alam.

Hindi ko na maramdamang nandiyan ka pa rin para sa akin.  Hindi ko na alam kung ano’ng halaga ko sa iyo… Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang panoorin yung paglaki ng pagitan sa ating dalawa…

‘Yung tipong ang tagal nating ‘di nagkita, tapos nung nagkita tayo, nabibingi ako sa katahimikan… :((

Ano ba’ng nangyari?  Bakit nagkaganito?

Tanggap ko pa siguro yung hindi na kita puwedeng maging boyfriend ngayon eh, pero bakit pati yung IKAW na kaibigan ko ay nawawala na rin?

Gulong-gulo na ang isip ko.  Hindi ko na alam kung mahal mo pa ba talaga ako… hindi na ako sigurado.  Ni hindi na kita mapasaya.  Hindi ko na rin alam kung kailan ko huling nakita sa mga mata mo yung dating nakikita ko…

Sorry, hindi ko na kayang ipaliwanag, dahil mahirap… magulo.  Basta… ang pakiramdam ko, hindi ko na alam kung ano pa ang halaga ko sa iyo.  Tingin ko, parang hindi mo na ako kailangan…at kailangan na kitang palayain.. kahit gaano kasakit…kahit yun ang pinakaayaw kong gawin.

Masakit na kasi… ang sakit-sakit na.  Kung may magagawa lang sana ako para mabalik tayo sa dati, gagawin ko.

Ang dami ko pa sanang gustong puntahan at gawin kasama ka… pero hindi na yata ‘yun mangyayari…

Salamat sa lahat-lahat, Baby …paalam sa pinakamamahal ko…

*****

Grabe!  Feel na feel ko ang damdamin ng nagsulat. Nakarating kaya ito sa kinauukulan?  Ano kayang sumunod na nangyari?

Para akong hinatak pabalik sa aking kabataan.  Noong ako ay nasa ganoong edad; noong mayroon din akong bestfriend.  Gaya marahil ng iba na mayroon ding bestfriend na minahal …  ngunit nawala rin.

Ang pagmamahal kasi…kapag bata ka pa, kahit napakasaya ng panahon ng first love o puppy love, talagang dumarating ang panahon na may mga nagbabago….kahit hindi mo inaasam.  Parang napakahirap isipin na wala na ang isang bagay na dati ay nasa iyo; mga panahon na dati ay kay saya-saya.  Gustuhin man nating pigilan ang mga pagbabagong hindi nakapagpapasaya sa atin, wala tayong magawa.  Lahat kasi ay dumaraan sa iba’t ibang aspeto ng buhay.  Lumalawak ang mundo ng bawat isa, hindi nga lang sa pare-parehong panahon at hindi rin sa pare-parehong paraan.

At kapag bata ka pa, hindi pa rin ganoon kalawak ang pang-unawa mo, kaya hindi pa rin ganoon kaluwag ang pagtanggap sa mga bagay na hindi inaayunan ng isip… lalo na ng puso.  Ngunit wala raw hindi nahihilom ang panahon… kaya nga nabuo ang kasabihan “Time heals all wounds”,  dahil darating at darating ang panahon na tila maghihilom ang sakit.  Pero ang totoo, hindi naman talaga ito nawawala, ‘di ba?  We just learn to live with the pain…. kaya parang mas gumagaan ito sa paglipas ng panahon.

Hindi rin kasi maiiwasan…may mga bagay na magpapaalala ng mga nakaraan.  May mga lugar na magpapalabas ng ngiti, ng saya, ng luha.

Pero ang nakapagtataka…. Yung mga panahong masaya kayo, yung mga panahong napakaganda ng pananaw mo sa buhay, mga nakatutuwang sandali… mga kilig moments, mga very touching na pangyayari…  tila mas lutang sa lahat ng naalaala.

Bakit?  Eh kasi…  love is a beautiful feeling.  Masarap maalala…. kahit pa naging maasim o mapakla ang ending..

“Happy moments …..are what the heart remembers … the most.”