Ang Paglalakbay Ng Isang Fangirl :D
Naranasan n’yo na bang maadik sa mga artista? o kaya sa mga banda? Yung tipong kahit nasaan sila eh pupuntahan n’yo sila. Panoorin n’yo sila.. titili kayo para sa kanila..
Well, ako naranasan ko na… at heto tunghayan n’yo ang masalimuot, pero masayang paglalakbay ng isang tulad kong…. FANGIRL.
Unang sabak ko sa pagiging isang fan girl last November 2011 lang. Well, dahil gustong-gusto ko talagang makita ang isang baguhang mang-aawit.. mula Laguna sumugod ako papuntang Maynila.. sa SM Megamall to be specific.
Hindi ko alam ang papunta dun.. shunga eh.. buti na lang may kaibigan akong tinuro sa akin yung direksyon. Kinakabahan talaga ko… dahil mag-isa aiko at dahil makikita ko na sya sa wakas!!!! Waaaaaaah.. Kung puwede lang sa sasakyan pa lang tumili na ko eh, nagawa ko na siguro..
Ok.. masyado na mahaba yung kuwento eh marami pa kong ikukuwento. Hahaha. Trip ko eh.. nakarating ako ng Megamall. Pagkababang-pagkababa ko ng van (mga 2 mins. pa lang ako nakakababa) isang eksena agad ng tangkang pag- snatch ang nasaksihan ko..
Grabbbeeehhh naloka ang byuti ko dun.. Culture shock ang lola mo. Parang gusto ko nang umuwi that time pero hindi puwede!!! Di ko pa siya nakikita at hindi ako papipigil!!!! So gora lang ako. Padating ko sa venue.. OMG. Daming nakapila. Sobrang kabado na talaga.. etooooo na, malapit na.. malapit ko na siyang makita. Then nung turn ko na.. ahhhh ahmmmmm starstruck. Speechless na. Wala na kong nasabi.. wala kaming mgandang picture together. Sa sobrang starstruck. Errrrr. Diyan nagtatapos ang unang istorya… Hep hep pero may kasunod pa. Madami pa.Hahahaha.
Etoooooo naaaaa. Yung mga mas malalalang experience ko makapunta lang sa mga gigs… SUPER FANGIRL na talaga me!!!
Eto yung mga experience ko sa pagiging fangirl ko sa isang BANDA.. Epic experiences ever!
• First meeting (Mild experience pa lang)
Anong epic sa meeting na to??? Well, bukod sa first meeting to with *toooot* boys.. na ang saya-saya, grabeh.. with free foods and kuwentuhan time. Ang epic talaga eh yung nasita kami ng guard dun sa me Robinsons Galleria.. eto ang eksena.
Super lakad kami ng friend ko.. lakad nang lakad pagkababa ng bus.. para makita yung Union Bank Plaza. Lakad kami nang lakad nang biglang…
Manong guard: (nasa kabilang kalsada) Oyy.. oyyy.. kayo (turo samin ni friend) bawal dumaan diyan.. balik balik.. *with matching super daming taong nakatingin sa ‘min (naghihintay makatawid) kasi nasa me pedestrian lane kami dun sa me Galleria tapos ang lakas ng boses ni Manong Guard..
Gusto kong matunaw that time.. -___- Ewan ko ba.. Obvious naman na sasakyan lang puwedeng dumaan dun.. as in walang ibang taong dumaraan, pero nangahas pa din kaming dumaan. Ayan, tuloy.. Pahiyaaaaaa. Kaya kunwari deadma na lang kami.. Di naman namin sila kilala eh. Hehehehe. ))
• 2nd meet up (Worst ever)
Eto yung nag email sa amin si Ate *tooot* na me Listening party nga daw ang *tooot band somewhere in Boni… Anong epic dito???? Yung marinig yung band na magperform live ^_^ Pero bukod diyan… me mas epic pang kaganapan pala ang naghihintay sa akin pagkatapos nung event.. at eto yun…
Dahil maarte ako at super heels ako.. Hahaha.. after nung listening party.. eh di syempre uwian na.. So lakad lakad kami sa kahabaan ng Boni- Pioneer tunnel… lakad lakad.. kuwento kuwento.. nang biglang..
*PLAAAANNNKKKKIIIIINNNGGGGGG* .. nadapa ako. ((( As in plakda sa kalsada.. planking kung planking.. Kulang na lang yata mag lips to lips kami nung kalsada.. Miriam Quiambao ang peg ko nun.. -_____- Hiyang hiya ako nun. (Pero di ako nahiyang magkuwento dito ha.. hahaha) Past is past! Hehehehe.. As in kahiya hiya talaga.
Ikaw ba naman ang madapa sa gitna ng kalsadang ang dami daming tao.. (pero feeling ko naman walang nakakita sa akin) kundi si kuyang talagang binalikan pa ako ng tingin. Sarap pektusan eh!!! at siyempre sila Friends!!! hahaha. Pero as usual deadma ulit.. kasi di ko naman sila kilala.. yung ibang nakakita. Haha. di na nila matatandaan na nadapa ako minsan dun. lol. Dahil dun, nagkapasa pa ako sa tuhod.. Ohhh *tooot* boys, ‘ di n’yo alam yun haaa. Hahahahaha. Ok enaf enaf enaf. Hahaha. Kahiya na!
• 3rd meeting (Best na worst din)
Fresh na fresh pa sa isipan ko ang mga pangyayare.. Sa gig to ng *tooot* kanina sa Trinoma.. Anong epic??? yung kulitan? Oo pero me mas epic pa dun… Bukod sa 3 hours na byahe eh nagkaligaw ligaw pa ko… papunta dun… sa bus na papuntang LRT station ako napasakay. Dapat sa Mrt station Sa madaling salita… Naligaw ako.. Mabuti n alang magaling ako magtanong.. ayun nahanap ko ang MRT station.. (pasensya me pagkatanga talaga ko pagdating sa pagcocommute ) so yun na.. to make it short.. nakadating na ako sa Trinoma.. nakapag perf na sila.. nagkulitan na.. masaya in short )) Pero nung pauwi nko… Yung mula North station – Taft nakatayo ako.. hehe pero wala pa yun eh… Yung pagbaba ko sa taft… tingin tingin ako sa paligid.. San ba ko sasakay dito??? hindi ko alam.. so nagtanong ako.. dun sa barker kung san yung sakayan ng Pacita..
Sabi niya hindi niya daw alam (( medyo kinakabahan na ako kase mag 7pm na eeh. Eh ang haba na ng nalakad ko mula pagbaba ko nung MRT kasi nakalilito yung mga overpass.. kung saan saan ako dinadala… tapos bumaba ko sa overpass.. nakita ko tigilan ng mga bus.. So sabi ko.. eto na.. makakasakay na siguro ko dito.. pagtingin ko sa mga bus.. puro pa Cavite (( tapos nagtanong ulit ako .. kung me dumaraang {Pacita dun.. sabi ni manong wala daw.. Balik daw ako ng Ayala.. at that time naiiyak nako talaga kase pagod na pagod na ako.. aakyat na naman ako ng overpass.
Yung overpass eksaherada sa pagkahaba andami pang paliko liko.. basta kaloka.. yung pawis ko… sa maniwala kayo at sa hindi eh para nakong bagong ligo.. as in parang susuko nako.. Ok lng sana kung me kasama ko paglalakad.. eh wala eh.. tapos habang nandun ako sa pila ng bayad.. ang init ng pakiramdam ko.. tapos yung pawis ko sobra talaga… gusto ko na talaga sumuko.. Hehehe. Drama ko? Pero pramis totoo talaga.. Pero sabi ko.. Hindi ako pwedeng magcollapse dito.. wala akong kakilala.. mahirap na.. tsaka nag enjoy naman ako kanina.. super enjoy.. ginusto ko naman to.. kaya wala ako karapatan para sumuko… Kailangan makauwi ako ng BUHAY!!! ( oa ko nuh???) pero kung ikaw yung nakaexperience nito baka ganito rin ang maramdaman mo… a tlast nakasakay na ako ng MRT.. and nakababa na ulit! lakad lakad na naman..
Isipin mo na lang 10x yata ako akyat baba sa hagdan.. 3rd flr pa yung overpass sa Mrt… isipin mo yun.. paanong ‘ di ako maliligo sa pawis.. tapos yun.. pagbaba ko ng hagdan lakad pa lit puntang sakayan.. buti nalang me nakita kong Bus na Pacita.. NAGLIWANAG ANG BUHAY KO! hehehe. Super bilis lakad talaga ko dun sa bus kase bka maiwan pa ako.. at yun nakasakay na ako.. biyahe.. biyaheeee.. nung nasa Muntinlupa na kami.. ramdam ko na yung sakit ng katawan… yung likod, braso at syempre binti at paa ko ramdam ko na.. yung mata ko sumasakit din (Astigmatism) pero sabi ko.. wag muna gigive up.. wala pa sa bahay!!!
So nilabanan ko na lang siya.. medyo gutom na din ako that time eeh.. 3 hrs biyahe plus yung naburn na fats sa paglalakad ko equals gutom… Kaya nung naglalakad a anko sa village papuntang bahay.. I sigh… Thank you LORD nakauwi akong safe.. I’M ALIVE Thank you. da best ka talaga LORD. Lesson learned. *teary- eyed ako diyan..:))))
***after all the experience.. sobrang saya ko pa din.. these boys always make me happy to the fullest.. Don’t worry, guys.. Pupunta pa ‘din ako sa Gigs nyo.. Kahit epic yung journey, makita lang kayo.
Sorry di ako kagandahan magkuwento. hehehe. But tha’ts the story eh. Me pagka-,OA pero totoo. Yan ang istorya ko.. ng isang fan girl na naexperience na lahat makita lang ang idolo niya ^_^
P.s. Lahat ng gig na napuntahan ko.. Di ako nagpapaalam kasi ‘di ako papayagan.
I’m so bad. Huwag n’yo kong gayahin.
©Copyright 2012, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.







Medyo mahaba habang kwento, pero okay naman. At least diba? Panalo yung experience na yan. I’m sure tuwang tuwa sila boys dahil may followers silang katulad mo. Kailangan natin yan para mabalik ang sigla ng OPM scene sa merkado. Na enjoy ko yung kwento mo. Sa uulitin!