11 Anyos na Anak na Babae, Pinatay ang Kanyang Ama!
Gaano ba kasidhi ang galit ng batang babaeng ito upang makaya niyang saksakin ng bolo at mapatay ang kanyang ama?
Nakalulungkot na balita, ‘di ba? Bagama’t ang pangyayaring ito ay nagpapatunay ng pagmamahal ng isang anak sa kanyang ina, hindi ito isang pangyayaring kung saan ang bata ay tatanghaling bayani.
Nagtatalo umano ang kanyang mga magulang dahil sa pambabae ng kanyang ama nang ang bata ay umuwi. Nasaksihan niyang binubugbog ng kanyang ama ang kanyang ina. Nangibabaw ang pagkasuklam sa puso ng batang ito, dahilan upang magdilim ang paningin nito at sa pamamagitan ng isang maliit na bolo ay nagawa nitong saksakin sa dibdib ang kanyang ama. Nakatakbo pang palabas ang ama, ngunit bumagsak daw ito sa labas ng kanilang tahanan at doon na binawian ng buhay.
Ang dahilan – hindi na nakayanan ng musmos pang bata ang nakitang pananakit ng kanyang ama sa kanyang ina! Pananakit sa damdamin at pati sa katawan nito. Tuluyan nang nilamon ng silakbo ng galit at pinalakas ng pagkasuklam si Ineng.
Tunay itong nangyari sa Cebu at inere sa telebisyon at radyo ngayong ika-17 ng Setyembre.
Nakalulungkot na nabahiran na ng dugo ang kainosentehan ng isang bata; nabahiran na ng krimen ang mga munti nitong kamay at nagkabatik na rin ang kanyang pangalan at pagkatao na maaaring makaapekto sa kanya sa kanyang paglaki.
Huwag naman sana. At sana’y huwag din siyang husgahan ng mga tao sa kanyang kapaligiran.
Malaking tulong kung ang batang nakaranas ng ganoong kabigat na pangyayari ay mailayo sa lugar na iyon at mabigyan ng mas mabuting kapaligiran. Malaking bagay kung mabibigyan ng karampatang counseling ang bata upang hindi ito dalawin ng masasamang panaginip at masasakit na alaala.
Ayon sa nakatatandang kapatid na babae, ito raw si Ineng at isang tahimik, ngunit masayahing bata. Marahil ay talagang hindi lamang nito nakayanan ang nasaksihan, lalo pa’t tinangka umanong lagariin ng kanilang ama ang paa ng kanilang ina. Bakas sa kabuuan ng kanilang ina ang mga pasa at pananakit na ginawa ng asawa nito. Sino ba namang mapagmahal na anak ang makapagpipigil kung ang minamahal na ina na kumakalinga sa kanila ay sinasaktan, ‘di ba?
Sana magkaroon ng mga batas na mangangalaga sa mga tahanan, sa mga pamilya.
Lintek na, bakit ba usong-uso ang mga tatay na walang kuwenta??? Wala bang proteksyon na maibibigay para sa mga ganitong sitwasyon? Wala bang Responsible Fatherhood Advocacy? Paano titibay ang lipunan kung 8 out of ten na fathers ay iresponsable? Babaero, laklakero, sugalero, o batugan? Bilang mga haligi ng tahanan, baka kailangang magkaroon din ng Fatherhood license bago magpakasal o mambuntis ang mga lalaki?
Kumbaga sa Driver’s License, kung wala kayong lisensiya, huwag kayong umarangkada!!!
Hayyyy….puro na lang buntong-hininga.
Source: http://bomboradyo.com/news/latest-news/130648-11-anyos-na-dalagita-napatay-ang-ama-para-ipagtanggol-ang-ina-sa-cebu
©Copyright 2012, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.
You may also like these articles:
Bisyo Laki sa Hirap Family
Balik-Tanaw: Ano ang mga Paborito Mong Kanta ng THE CRANBERRIES?
Ang Kaibahan ng Mahirap sa Mayaman
Bakla, Bakla, Bakit ka Ginawa?
Bawal na Imahinasyon
Buhay at Pag-ibig: Mga Aral sa Inuman
Bato-Bato Sa Langit, Tinamaan ng Lintik
ANAK NG TUPA: Remembering DOLLY







hahay…
ganito ang dahilan why kailangan ko makipaghiwalay…..
di mo na siya loves?
mas mabuti pa ang makipaghiwalay kung ang anak ay mailalayo para maging kriminal..ang anak kasi ay natututong kumampi kung nakikita ang ina ay sasaktan lalo’t lasing ang ama