Ang Pocketbook ng Aking Buhay part 2: A true story
Natunghayan natin kung paano nagkakilala ang ating mga bida, sa sarili nilang love story.. Hindi ko na iisa-isahin ang mga kaganapan, at baka abutin tayo hanggang part 10.
Sa aming paglalakbay ng isang linggo, akalain mo bang muntik na naming malibot ang buong Norte. At sa bawat destinasyon, lalo namin nakikilala ang bawat isa. Nahukay kong muli sa pinakamalalim na baul ang aking karunungan sa Ingles.
Alam mo ba yung feeling na, para kang nililigawan ng isang dayuhan? Marahil, hindi sila kasing tamis ng ating mga kalalakihan sa ating bayan pagdating sa panliligaw. Ngunit ramdam mo ang kanilang sinseridad.
Sa tuwing kami ay magkasama sa aming paglalakad, para bang ramdam ko ang bawat mapanuring mata ng mga mamamayan.
Ang aking tunay na pag-ibig ay may edad na dalawampu’t siyam, matangkad, my 1 pack abs, may malakas na pangangatawan, parang anak araw sa kaputian, guwapong mukha, at parang pinaghalong blonde at itim ang kanyang medyo kulot na buhok.
Ang inyo naman pong lingkod ay matangkad, payat pero may hubog ang pangangatawan sa edad na dalawampu nang mga panahong yon. May kutis na higit pa sa matatawag na morena, inosente, at parang bata kung kumilos, ngunit isip matanda, at my simpleng kagandahan na katulad ng aking simpleng pananamit.
Naalala ko pa ang isang eksena, sa Fort Ilocandia sa Norte.. Suot ang aking dilaw na beach walk, jeans na RRJ, at puting blusa. Malay ko bang papasok kami sa Casino? Dahil kami ay panauhin sa lugar na yun, okey lang ang aking fashion.
Kaming dalawa ay magkasamang naglalakad patungo sa lamesa, kung saan naglalaro ng blackjack ang aming kasama at ang kanyang nobyo. Sa aming paglapit, akalain mo ba naman ang sabi ng dalawang Manong na siyang Dealer sa wikang Ilokano:
“Manong 1:Ana na ngay data? syota na?
Manong 2: Madi, katulong nan sa.!”
at Ilokano po ang inyong lingkod kaya naawatan ko.:) Ganunpaman, tumuloy pa din kami at naglaro.. Totoo yata ang kasabihan na, Kung sino man ang binaba, siya naman ang itinataas”.., sa bawat lagay ko ng chips ay laging panalo.! Minsan pa nga, sumasabay yung tunay kong pag-ibig sa taya ko, at panalo pa din. Saya, di ba? Pero tumigil na din ako sa pagtaya, nung panahong yun, baka umiyak ako kapag biglang matalo ang winnings ko.:)
Next destination, ang summer capital ng Pilipinas.. At eto na ang huling gabi namin, bago mag biyahe pauwi sa aming maliit na baryo. Kaya sinamantala ko na, nasa isang family room kami, dalawang malalaking kama, para sa apat na tao.. Kaya walang choice, nagtabi kami sa unang pagkakataon.. malaki ang kama, at sa magkabilang gilid kami matutulog, ni hindi kami magdidikit. Pero kung baga, malapit naman sa tukso.. Dahil huling gabi, ito na yung time ko para pasalamatan siya sa kanyang kabutihan, kabaitan at sa lahat na.. Kaya binigyan ko siya ng halik sa pisngi, sabay sabing “thank you at goodnight”.
Pero nang nakahiga na kami, palapit siya nang palapit. Muli, hindi kayang ipaliwanag, o isulat at ipalabas sa kahit ano mang pelikula ang aking nararamdaman nang mga panahong yun. Ang bilis ng pintig ng puso ko, at parang may paro-paro sa aking tiyan.. Parang pakiramdam na nasa langit ka na, sa isang yakap lang? Teka: Rated PG muna tayo.. Kaso, Wala namang nangyari, Hallo! Paano may mangyayari, apat kami sa kuwarto?.. Sayang! Pero ganun pa man, ang simpleng kiss na may kasamang bulong ng pagmamahal, naging kami nang gabing yun.
Sa probinsya..
Nakabalik na kami pagkatapos ng isang linggong pag-ibig at pag-iikot-ikot sa gawing Norte ng Pilipinas. Nakabalik kaming lahat na masaya at blooming ako siyempre! Tinutukso ngayon ako ng kasama ko, wala daw ba goodbye kiss? Nahiya naman ako, dami chismosa na mga kapitbahay e. Kaya umalis na lang ako, at sabi niya lilibutin niya ako sa aming bahay.. Kinabukasan, siyempre, naglalaba ako. Isang linggo kaya akong nawala. Tapos dumating siya, inigiban ako ng tubig at matiyagang naghintay sa akin hanggang sa ako ay matapos.
Sa gutom ko, e di siyempre luto ako ng Adobo. Adobong puno ng pagmamahal.. Nilagyan ko ng carrots, patatas, ketchup, toyo at suka tapos karne ng oink-oink. At inayos ko ang kubo na pahingahan, may lamesa sa gitna may magandang malong bilang mantel, at dalawang platong may kanin at siyempre ang luto kong adobo. Parang picnic sa tabi ng dagat, pero dahil walang dagat sa amin, picnic sa bukid na lang sa gitna ng palayan..:)
Pagkatapos naming kumain, nahiga ako, at unan ko ang hita niya.. Akalain mo bang, nagpropose ang loko ng “Will you marry me? Sa bigla ko, ang nasabi ko, “Yes? But, where is my ring?”
Tapos biglang niyang naisip na biglaang desisyon lang daw yon. Kaya na sad naman ako bigla..:( At naisip ko, sige na nga, higit one week pa lang naman tayong magkakilala. I-enjoy muna natin ang ating kissing and sweetness.
Sa mga panahon na magkasama kami, nakilala niya ang aking pamilya. At natutuwa ang pamilya ko para sa akin. Marahil, iniisip ng iba, desperado lang ako. Sa hirap ba naman ng buhay.. Pero kung kayo ang nasa kalagayan ko, sino ba ang hindi magiging desperado? Kung ikaw ba naman may makilalang parang leading man sa Pelikula? Kung baga, amoy pa lang ulam na?!
Simula nung naging kami, aba ayaw na akong iwan ng lolo mo.. Ayun, sukdulang makiusap ako sa Antie ko na may malaking bahay para makitira pansamantala. At doon kami, nagbahay-bahayan.. May ilang kamag-anakan na sinasamantala ang pagkakataon, my ilan naman na nakakaunawa.
Eto na, saying Goodbye?! Tapos na ang bakasyon, pero wala ako ni anumang puwedeng ipabaon, kaya binigay ko na lang yung puso ko. Isang pangako na, hindi ako hahalik ng iba, na siya ang aking una at huling magpapala sa aking malarosas na labi. Take note: sabi nga sa Bagong commercial ng Modess: “Ang Makabagong Pilipina” kaya hindi ko pa sinuko ang bataan.. Paano kung hindi na bumalik ang loko? Sabagay, tagaroon ang Antie ko sa bansa niya, puwede kong ipa-hunting, kung sakali lang naman.:)
Nag-uumpisa pa lang mauso ang FB nang mga panahon na yun, kaya sulat kamay at text ‘n call ang puhunan namin para malagpasan ang LDR. Minsan, parang gusto ko nang sumuko kasi nga lagi naman siyang busy, lagi pa niyang nakalilimutan na monthsarry na pala namin. Wala palang monthssary sa bansa niya, Anniverssary lang. Kaya ayun, okey na nga.. Dito na dumating ang mga pagsubok.
Dahil nga sa batid ng sambayanan na may nobyo na ako, na pinagtitiyagaan akong buhayin, ayun dagsaan na ang suliranin sa salapi. Andiyan si kuya, walang pambili ng gatas ng anak nyia, andiyan din si ate, si nanay pang kuryente kaya nahihirapan ako magbudget. Parang bigla, naging sagot ko lahat ng responsibilidad. Dumating pa ang ilang kamalasan katulad nang minsang maglalabas ako ng salapi na padala ng antie ko, kasabay ng allowance na galing sa pag-ibig ko, nang bigla kong naisip dumaan sa palengke at nakabili ako ng halagang 30 pesos na tsinelas. Kung minamalas ka nga naman, my kumausap sa akin, at ayun binigay ko ang wallet ko. Tapos punta ako sa mall, bibili ng mamahaling pabango, nang biglang Oh! NOOOO.. Wala na yung wallet ko, takbo ako sa palengke, kaso wala na talaga.. Sayang ang kaperahan, medyo malaking halaga pa naman yun. Hindi bale na nga, baka nakatulong naman ako, siguro emergency.
Madami din kaming hindi pinagkakaunawaan, away din kami tapos bati.. tapos lagi kong sinasabi, na kapag ayaw na niya sa akin, kapag naisip niya na hindi na niya ako mahal, sabihin lang niya. Para naman hindi na umasa, maging durog-durog ang kapusuan ko. Sa awa naman ng Diyos, nakalipas ulit ang isang taon at nakabalik siya sa piling ko.
Muli, naglagalag ulit kami, sa White Beach naman ang aming tungo; parang mayaman na naman ako, kung saan-saan na nakararating. Pagkatapos, ginalugad naman namin ang gawing south ng Luzon, Manila, Batangas, Tagaytay isang linggo ulit.. Kaya lang ilang araw na lang, aalis na ulit siya.:( at sa pangalawang pagkakataon, sinabi niya ulit ang salitang “Will you Marry me? Kaso wala pa din singsing e. Kaya tiis ulit ako na may kasamang dasal.
Araw ulit ng kanyang paglipad.. Dating gawi, hinihintay ko ang eroplano niyang makalipad bago ako umalis ng Airport, baka kasi ma-delay, e ‘di magkasama pa din kami. Kaso, laging on-time ang airlines.. Sige na nga, basta safe lang siyang makabalik sa bansa niya, masaya na ako.
Balik sa dating LDR ang aming relasyon; ang kaibahan lang my sarili na akong PC, nakikita na namin ang isa’t-isa. pero nakakamiss pa din.. Gabi-gabi 2 or 3 am ang tulog ko, sa kakahintay na matapos siya sa trabaho, para makapag-usap na kami. Dahil sa time difference, after ng work niya midnight na sa lupang sinilangan. Pero dahil mabuting Guro ang aking pag-ibig kaya madami pa ring trabaho after working hours. Pero pinagtiyagaan kong maghintay, ano na lang ba naman yung ilang oras na paghihintay para makita namin ang isa’t-isa.
Isang taon na ulit ang nakalipas, muli na ulit kaming magkikita.. simula na ulit ng aking masasayang araw. Sa kanyang pagdating, balik ulit kami sa sikat na white beach sa Pinas.. at pagkatapos nito, nagstay kami ng isang lingo sa Manila, at sa pangatlong pagkakataon, muling sinabi niya ang mga salitang “Will you marry me?”
Sa pagkakataon ito, tangan na niya, ang isang diamond ring na may kasama pang certificate katunayan na ang bato ay hindi galing sa ano pa man. Sino pa ba naman ako, para tumanggi. Tatlong taon ko kaya itong hinintay! Kaya isang malutong na “Yes” at isang malutong na halik ang sagot ko. Kung puwede lang sanang tumawag na ako ng Pari o kaya Huwes na magkakasal sa amin.. Pero hindi ko naman ginawa, masyado namang excited.:)
Kaso, natagpuan kong muli ang sarili ko sa Paliparan, sa pangatlong pagkakataon ihahatid ko siyang muli .. Kung puwede lang sanang lumipad na rin ako e, e di sana kasama na ako. Kaya lungkot mode ulit ako sa aming bahay. Minsan nga, naiisip ko, paano kung hindi na siya bumalik? O kaya may mabuntis siyang iba dun? Baka ipagpalit ako, o kaya magsawa sa akin dahil naibigay ko na naman ang lahat. Sabi ko nga, kapag nangyari yun, aalis ako sa aming probinsya at pupunta ako ss malayong-malayo, para mahilom ang sugat. Kakatakot kaya pagtawanan ng mga Bruhang kapitbahay at kamag-anakan. Yung tipong “Babangon ako, at Dudurugin kita”.. Ganun ang banat ko nun. Pero sa huli, dasal pa din ang puhunan ko..
Pero nang mga panahon na yun, napag-uusapan na namin na pupunta ako sa bansa niya. Isang bansa na may panahong hindi nasisikatan ng araw, at may panahong may araw sa buong magdamag.
Pero kuwentong passport muna tayo: dahil sa medyo may masalimuot na pangyayari nung ako ay sinilang, mayroon akong mga foster parents, at sila ang nasa Birthcertificate ko bilang magulang. Kaya lang, dahil nga hindi naman talaga sila, medyo may mali sa pagsulat ng mga inpormasyon. Hindi ba tugma ang pagkakasulat.. Pero lakad pa din ako s DFA, kasama ang dasal at isang Anghel na kaibigan, sa Awa ng Diyos hindi napansin ang error sa BC ko. Ayun, aprub ang aking passport. Take note: 20 years kong sinusubukan maayos ung passport ko. Yung tipong baby pa lang ako, nag-aayos na ng passport para makuha ako ng peke kong magulang sa kanilang bansa.
Isang araw, dumating na ang invitation papaunta sa kanyang bansa.. Takbo agad ako sa embahada, pagkalipas lang ng isang linggo, nakatanggap na ako ng tawag, na nagsasabing aprub na. Saya noh? Pagkalipas ng tatlong taon, sa wakas magkakasama na kami.
Sa kanyang bansa, nanginig ako s lamig dahil harapin ng pasko ng mga panahong yun. Halos hanggang dibdib ang snow, parang baha ba? Yun nga lang, hindi nakakalunod. Nakakapanginig lang ng lamig.. Sinundo nya ako sa Airport, isang nakangiting Tall white and hansome ang nakita ko, my hawak na kape sa isang kamay, at orchids sa isang kamay. Yung orchid ba na, nakalagay sa pot. Sabi nya para daw, buhay. Parang alive and kicking ang drama ng orchid.. Pero sige na nga, buhay na buhay naman sya s puso ko.:)
Eto na, meeting with in-laws to be..
Kaka-nerbyos kaya! Ang suot kong nagpunta sa bahay nila isang long blouse na may collar, tapos naka stocking. At my jacket ako syempre, pero hellow! negative 20 kaya ang teperature. Nagsuot sana ako ng tatlong patong na sambra, para hindi ako basang sisiw sa ginaw. Pero syempre kasama ko ang pag-ibig ko, kaya ayun my human jacket ako.. Nakasurvive naman ako. Christmas dinner nga pala sa bahay ng in-laws ko, kaya medyo traditional.. ang dessert porridge, na my strawberry sauce. Tapos sabi ko ba naman, sa Pinas pagkain ng baby to.. ang sinasabi ko, yung “am.. hehe! Kaya tuloy sabi ng bayaw ko, kain tayo ng “baby food.. Kakahiya.:( Pula tuloy ng pisnge ko, tapos kita ng byenan ko na giniginaw ako, kaya binigyan ako ng wool na long sleeve na sambra. With wool medyas, ganun pala dapat ang isuot, sa super lamig na weather. Pero naka survive naman ako, ako pa, survival.. Pinoy ata to.!
Panahon na ng pagtatapat: “Mom and dad, were goin to get married”, sagot ng Lola ni pag-ibig ko, ayaw ko ng divorce! Sabi ng byenan kong lalaki, “What is your dream wedding? tanong sakin, hiya naman ako sabihin.. Kaya sabi ko, simple wedding lang okey na, Sayang ang pera.. Sabi naman ng pag-ibig ko, “eto na huling pagkakataon na ako ay ikakasal, kaya nais ko itong maging espesyal para sa babaeng aking mamahalin habang buhay.”
Hmm.. Ang haba naman ng bangs ko..:D
Wedding plans, kaka_stress.. May isang buwan lang kami, para ikasal, tourist visa lang kasi ako.. Kaya lahat rush, buti dala ko na ang lahat ng requirements ko. laging handa ba? Hirap na, baka makawala pa e.. Tuloy sa Wedding plans, guests, checked, reception? not yet, license? not yet..wedding ring? bibili pa lang.. At ang bilis ng araw.:( One week bago matapos ang target date, dumating ang license, send ng invitation, takbo na sa jewellry store, bili ng sing-sing kahit maluwag pa, go na, kahit wala pang engrave okey na. Yung mga guests ko ayun, ung iba busy dahil short notice, hindi na nakapag leave sa work. Tuloy pa din ang kasalan..
Sa reception muna tayo, sa isang Hotel, with 3 course meal, iba’t-ibang inumin my 3 storey wedding cake, picture taking na walang humpay. May mga speech pa, kaya medyo hinanda ko din ang speech ko, kaso na low-batt ba naman cp ko, dun pa naman nakasulat ang panata ko. sa special day ng buhay ko, my maliliit pa ding kapalpakan.:)
Hindi ko man kasama ang tunay kong pamilya mula s pinas, may mga kamag-anak pa din akong nakarating. Yung mga tiga rito sa bansang to.. Kaya wala, pa din duda na yun ang araw na pinaka masaya sa buhay ko.
Sa wedding gown muna pala tayo, made in Pinas ang damit ko, dala-dala ko nung nagpunta ako dito.:) Akalain mo bang ang dami namin picture, kahit sa labas.. Isang pagpapala ang araw na yun, sa gitna ng winter season naging positive 7 ang temp. Kaya madami kaming kuhang litrato sa magagandang tanawin sa lugar ng hubby ko. Hindi ko nga pala nababanggit ang lugar ng asawa ko, ay kasama sa Unesco World Heritage.:)sa katunayan, sa gitna ng winter ay sumikat ang araw, kaya nga wintersun ang pangalan ng inyo pong lingkod.
Habang sinusulat ko ito, isang taon at kalahati na kaming kasal, at super smooth ng aming pagsasama.:) Hindi ako nagkamali ng lalaking pinakasalan, Ang nag-iisang lalaking minahal at iningatan ang buong pagkatao ko. Sa ngayon, nag-aaral ako ng kanilang salita, at nagtatrabaho. Nakabili na kami ng lupa s Pinas, and soon tatayuan namin ng sarili naming summer house, may sarili na din kaming bahay dito sa bansang kinaroroonan namin. Ngunit hindi pa, pinagkakaloob ang aming munting anghel. I believe, darating din yun, in God’s time. ewan ko ba, hindi pa naman sya katandaan, nasa beginning pa lang sya ng 30′s at ako naman mid 20′s.:( Hindi pa siguro panahon..
Kapag sinabihan ko ng “I love you ang pag-ibig ko, sagot niya “I love you more” sagot ko naman, “I love you the most! Tapos sagot niya, “still I love you more…”
Mayroon nga bang higit na nagmamahal? or sobrang magmamahal? o dahil kapag nagmamahal tayo nang sobra-sobra, kaya tinutugunan ito ng siksik, liglig at umaapaw na pag-ibig? Ah! Basta, pareho naming mahal ang isa’t isa, at may habang buhay kami para iparamdam yun sa isa’t isa.
Marahil, maraming makakabasa dito na, my asawa na ibang lahi, o kaya my mga kakilala na may asawang banyaga. Ang bawat isa, my kanya-kanyang istorya. Sa mga kabataan out there, huwag kayo magmadali sa paghahanap ng tunay na pag-ibig. Dahil darating yun sa tamang pagkakataon, at tamang tao..
Ingatan natin ang ating mga sarili, para ireserba sa taong nakatakda para sa atin. Katulad ko, ang aking unang gala, unang ligo sa beach, unang tulog sa hotel, unang kain sa mamahaling restaurants, at ang pinakamatamis, ang aking unang halik ay nagmula lahat sa aking tunay na pag-ibig.
Ang buhay ng tao ay hindi katulad ng libro at pocketbooks na may happy ending. Pero subukan mong maging happy bilang anak ng Diyos, tignan ko lang kung hindi Niya buksan ang duruwangan ng langit upang ika’y pagpalain.:)
Maaring ang istorys ng pag-ibig ko ay maituturing nang happy Ending, pero hindi pa naman tapos ang buhay. Batid kong may darating pang mas malalaking pagsubok sa aking buhay may-asawa, ngunit sisiw na lang lahat nang yun, dahil may malaki akong pag-ibig sa Diyos at pag-ibig na nagmumula sa aking tunay na pag-ibig.
Narito nga pala ang aming wedding vow:
For Him:
Today I give myself to you in marriage.
I promise to encourage and inspire you,
to laugh with you, and to comfort you, in times of sorrow and struggle.
I promise to love you in good times and in bad,
when life seems easy and when it seems hard,
when our love is simple, and when it is an effort.
I promise to cherish you,and to always hold you in highest regard.
These things I give to you today,
and all the days of our life..
I do…(sabi ko)
For Her:
For hearing my thoughts,
understanding my dreams,
and being my best friend…
For filling my life with music,
and loving me without end… I do..(sabi nya)
sana hindi kayo bored to death, at super haba.. Enjoy reading and God Bless!
©Copyright 2012, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.
You may also like these articles:
My Sweetest Sin
"How our lives changed in five minutes"
Apat na rason kung bakit ako (at ang iba pang babae) ay single
On Loving The Wrong Person at the Wrong Time
Mali, Kailan Magiging Tama?
Paano Nga ba Pigilan ang Puso?
Si Jepoy Baluga ( Part 4 )
Pangako (Part 2)









thank you everyone for reading! for the part 1, here is the link.:D http://definitelyfilipino.com/blog/2012/06/18/ang-pocketbook-ng-aking-buhay/
God Bless you guys!<3