by
on
under , , , , , , ,
tagged , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author hazelmallows

Why Some Pinoy Teens Abroad Are Stupid

http://minuevohogar.cl/?p=Binary-Option-Analysis-Software-One-Touch Binary Option Analysis Software One Touch

http://adelaidedivewreck.com/?option=Zerodha-Trading-Platform-Demo Zerodha Trading Platform Demo

Downloading Forex Binary Options System Kraken 1

Tapos bigla kong naisip, ano na ang magiging kinabukasan ng mundo pagdating ng panahon? O ‘wag na nating palayuin pa, paano na ang buhay ng mga kabataang katulad ng kaibigan ko? Nakaaawa. Nakaaalarma.
Dahilan pa ng isang kaibigan kong Canadian, hindi na rin daw niya kailangan mag-aral kasi may trabaho naman daw siya, ‘yung iba nga daw na naka-graduate na sa college e walang mahanap na trabaho, “so what’s the point of studying?” Tapos hindi ko na siya sinagot, naunahan na ko ng isang malakas na buntung-hininga sa isipan ko (o kaya hindi ko lang kayang mangatwiran sa english). Gusto ko man silang kumbinsihin na mali talagang sayangin nila ang buhay nila ng dahil lang sa maling pangangatwiran at paniniwala, wala rin naman akong magagawa.
Sobrang mahal ang pag-aaral dito. Kailangan mong gumastos ng higit sa $10,000 kada taon para mairaos ang buhay kolehiyo. Pero hindi ko rin naman nakikitang hadlang ‘yun sa pagtupad ng mga pangarap ng isang tao dahil mayroon namang student loans na ibinibigay ang gobyerno para sa mga gustong ipagpatuloy sa mas mataas na level ang kani-kanilang pagkatuto. Kaso wala e, bulag na ang mga kabataan ngayon. Sabi nga ng katrabaho kong matanda na halos dalawampung taon nang nagtatrabaho sa pinapasukan namin, “Having false beliefs when I was young is the biggest regret that I have in my life. I can’t change it now no matter what, so don’t be like me.” Nakabisado ko ‘yung sinabi niya, naramdaman ko kasi ‘yung tindi ng pagsisisi sa puso niya at ang masakit na katotohanang hindi na niya mababago ang kung anumang panghihinayang niya sa buhay niya ngayon. Kaya ako, eto, kahit na hindi naman ako ganoon kagaling sa english at hindi rin naman ganoon katalino, naglakas-loob akong mag-aral sa university – dahil may pangarap ako at ayokong sa pagtanda ko sa mundong ‘to, mabalutan ng nakalalasong pakiramdam ng panghihinayang ang buong pagkatao ko.

http://fromvalskitchen.com/?p=Microsoft-Home-And-Business-2016-64-Bit Microsoft Home And Business 2016 64 Bit

Hindi naman tumitigil sa pangangarap ang isang tao, kahit ano man ‘yun. Naniniwala akong kahit  hanggang sa pagtanda, nakakabit pa rin sa bituka ng tao ang pangangarap. Mag-aral ka, hindi dahil sa pera  o sa kahit anumang materyal na bagay, kundi dahil mahal mo ang sarili mo at ang mga taong nagpapahalaga sa’yo, lalong-lalo na ang mga magulang mo. Hindi ka naman gusto ng mga magulang mo na maka-graduate nang dahil lang sa iniisip nilang isa kang investment, kundi dahil ‘yun ang opisyal na hudyat na alam nilang kayang-kaya mo na nga talagang makipagsabayan at makipaglaban sa mapanlinlang  na mundong ‘to at sa ganoong paraan, mapayapa na silang e-exit sa mundo… kapag may mga apo na sila sa talampakan. ‘Wag kang basta-basta makuntento sa kung anumang mayroon ka ngayon habang bata ka pa. Hindi ka naman habang buhay na susuportahan ng iPhone 4S at Ipad 2 mo. Hindi ka rin maihahatid sa dulo ng tagumpay ng marangya mong kotse, at hindi ka lubusang magiging maligaya ng dahil lang sa ma-“swag” ka (na hindi ko lubusang maisip kung ano ang dahilan ng pagsulpot ng yaring salita). Mangarap ka para sa sarili mo, tuparin mo ang mga pangarap mo, at sa kadulu-duluhan, karapat-dapat kang magkaroon ng tapik sa balikat.

“A human being is not attaining his full heights until he is educated.”
-Horace Mann