by
on
under , ,
tagged , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Mommyjoyce

Si Sec. Robredo at si Capt. Daddy Lolo

About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!

Who Removed Profit From Forex

http://adelaidedivewreck.com/?option=Fxpro-Cedar-Binary-Options-Trading Fxpro Cedar Binary Options Trading

http://bmwcoop.com/?option=Gamma-Of-Free-Binary-Option-Platforms Gamma Of Free Binary Option Platforms

http://simonblog.com/?p=Single-Stock-Futures-Bloomberg Single Stock Futures Bloomberg

Technical divers have recovered the body of Local Government Secretary Jesse Robredo from the wreckage of the ill-fated Piper Seneca plane in the waters of Masbate at about 7:45 a.m. Tuesday about 180 feet below sea level.

Play The Forex Market And Win

Bakit?  Sapagkat ang nangyari kina Sec. Robredo ay naghatid ng isang traumatic memory sa akin.

Pumutok sa balita ang pagcrash ng isang light plane Cessna sa isang madawag at ilang na kakahuyan sa Daet, Camarines Sur noong December 16, 1998.  Lulan nito ang isang foreigner na pasahero at isang Filipinong piloto …  ang aming Daddy Lolo na si Capt. Tony, na 38 years nang nagpapalipad ng eroplano.

Tulad ng mga pamilya nina Sec. Robredo at dalawang piloto, kami din ay nabuhay nang tila nakabitin ang mga hininga dahil sa labis na pag-aalala at pangambang hindi na namin makakasamang muli ang aming napakabait na padre de pamilya.  Naging mahirap ang paghahanap ng rescue team noon.

Liblib at madawag na kakahuyan ang pinaghanapan ng mga rescuers; sa panahong tag-ulan at makulimlim ang panahon.  Tulad nila, dalawang gabi at tatlong araw kaming tulalang nag-aabang ng himala na buhay pa ang aming minamahal na kapamilya.

Tulad din ni Sec. Robredo na nagmamadaling makauwi para sa kanyang bunsong anak na nagwagi sa swimming competition, nagmamadali ding makauwi ang aming Daddy noon; papunta sa amin sa Calamba upang sunduin ang kanyang tatlong apong lalaki para sa taunang Christmas vacation sa kanila.

Tumawag pa ito bago magtake-off, ipinaalam na dala ang napakaraming pasalubong na sugpo’t hipon na nakastyro boxes pa, na paborito ng kanyang pamilya.  At dahil magpapasko na noon, napakaraming planong masasaya ang aming Captain of the Sky; isang kalog at mapagkalingang ama at lolo.  Sabik na sabik lagi ang kanyang mga apo sa kanyang pagsundo dahil kalaro nila at kabonding ang kanilang lolo.  Makailang beses na rin silang naisama nito sa kanyang mga flight at madalas silang mamasyal kung saan-saan.

Ngunit parehong nauwi sa trahedya ang excited na pag-uwi ng dalawang padre de pamilya.  At pareho kami ng kanyang pamilya na nalunod sa dami ng luha na aming pinakawalan.

Napakasakit gunitain, magpahanggang ngayon, ang tatlong araw at dalawang gabi na kami ay naghintay na makita ng mga rescuers ang katawan ng aming Daddy.  Sa kabila ng 90% probability  na sila ay nasawi na, kumapit kami sa 10% chance na sila ay mahimalang nakaligtas. 

Walang makakain, walang makatulog sa amin.  Para kaming may hangin sa ulo ngunit mabigat ang pakiramdam.  Malamang ay ganoon din ang pinagdaanan ng pamilya Robredo sa panahon ng paghihintay.

Kanina, ilang araw mula nang plane crash, ay natagpuan na ang kaniyang mga labi.  Ang aming Daddy Lolo  ay sa ikatlong araw  natagpuan, may mga kulang na bahagi na sa kanyang labi.  Labis-labis ang sakit na aming naramdaman! Siya ang magnet kung  bakit kami ay close-knit na pamilya.  Para kaming nawalan ng kulay sa buhay nang mawala na siya.

At gaya ng kanyang bilin, pinacremate namin ang aming Daddy dahil ayaw daw niyang siya ay ilibing sa malayo.

“Malungkot sa sementeryo. Ayoko doon!  Kapag ako ay namatay, pacremate n’yo ako ha.”  Pabiro niya itong sinasabi, patawa-tawa, pero alam naming paraan lang niya iyon upang huwag maging morbid.

“Kapag ako ay mamamatay, ayaw kong dahil sa sakit o sa aksidente, tapos magiging imbalido.  Gusto ko, biglaan….  KABOOM!  Isang kisap-mata, tapos!  hehehe.”   Ganoon nga ang nangyari sa kanya.  Ayon sa paraan na gusto niya.

Pagkalipas ng mahigit 13 years, narito ang isang pangyayari na nag-trigger sa masakit na alaala.  Ganoon pala iyon.  Kahit pala matagal na, kapag nakalabit ng isang kahalintulad na pangyayari, parang nagrereplay ang malagim na nakaraan.  Nakita ko ang aming sarili sa asawa’t mga anak ni Sec. Robredo.  Naramdaman kong muli ang sakit gaya ng nararamdaman nila ngayon.

The pain never really goes away.  We just learn to live with it.

(Source: Bicoltoday)

Our sincere condolences to the families of Sec. Jesse Robredo, pilot Jessup Bahinting and co-pilot Kshitiz Chand.  May the love of the Lord be your source of comfort in this time of grief.

 


  • jessa maria

    actually po naramdaman ko kung paano ang agony ng paghintay kahit di ko man sya kaano ano. Nung malaman ko na nagplane crash, parang nakaglue ang aking tenga sa radio. at kung gabi disappointed ako kasi kailangan itigil ang paghahanap at nung makita ang kanyang bangkay, parang ang bigat bigat sa pakiramdam , nakakaiyak, ang pagstood by ng pangulo sa kanya hanggang sa punerarya ay talagang nakakaantig ng damdamin. Sayang dahil isang magaling na lider ang nawala. Mabuting tao, simple at higit sa lahat issng Bikolano, pinagmamalaki naming kabababayan si pogi.