by
on
under , ,
tagged , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Dhors

Pagsubok….”Kailan Mo Kaya Ako Lulubayan?”

About Dhors

Stressed ka ba? May problema ka ba? Tara!...Huwag magmukmok. Magbasa tayo at kung gusto mo magsulat ka na rin. - a mother of 2 who love to cook.

http://automotorblog.com/?option=Bitcoin-Brokers-Bitcoin-Trading-With-Binary-Options Bitcoin Brokers Bitcoin Trading With Binary Options

How To Make Money With Clickbank The Easy Way

Best Binary Option Trade Learning

http://minuevohogar.cl/?p=10-Ways-How-To-Make-Money-Online 10 Ways How To Make Money Online

http://minuevohogar.cl/?p=Best-Binary-Options-Website-Advisor Best Binary Options Website Advisor

Ilang beses na rin N’yang sinubok ang aking kakayahan. Maraming beses na din.  Hanggang sa dumating na nga ako sa puntong sinasabi ko sa aking sarili “Wala ‘yan, ako pa! Maning-mani lang yan.”  Hanggang na used o nasanay  na ako, kumbaga, katumbas ng problema o pagsubok, tawa na lang ang aking isinusukli.  “Darna” nga daw ako eh! Kaso, wala naman akong nilulunok na bato.  Nawawala, kasama si Ding.

Pero, akala ko nga si “Superwoman” at “Darna” na ako.  Mali pala, nakatago lang pala sa kasulok-sulokan ng puso ko at pagkatao ko, ang kahinaan ng loob ko. Nakamaskara lang pala ako.

Isang napakatinding pagsubok, muling pumatak ang luha ko.  Matagal ko na rin kasing kinalimutan ang umiyak. Ayaw ko na kasing umiyak,  naipangako ko ‘yan sa aking sarili.  Pero hindi pala. Balde-balding luha ang nawala sa akin.  Habang hinihintay ang resulta ng aking medical, biopsy at iba pang laboratory test, unti-unti rin akong pinapatay ng aking mga naiisip, takot at pag-aalala.  Nasabi ko pa nga, “Kunin n’yo na po sa akin lahat, kung ano ang meron ako na mga material na bagay,  huwag lang po  ang buhay ko nang maaga.”

Walang kasinsakit, ‘ramdam ko sa bawat patak ng aking luha, ang parang punyal na itinatarak sa aking dibdib. Sinubukan kong maging matatag, ilang araw na ako’y nagbalatkayo na okey lang.  Sa tulong nga mga kapamilya, kaibigan at mga bagong kakilala, ako’y nagpapasalamat nang lubos.

“Prayer can really move mountains,” at totoo nga, walang imposible basta ialay mo sa Kanya lahat ang iyong sarili.  “OO,” Tama ka, ilang beses ko na itong napatunayan, hindi na rin mabilang sa aking mga dalire.  Lahat sila tinulungan ako thru prayers, mayroon akong new found mommy online na nagshare ng deliverance prayer.  Naghealing prayer kami thru online. Ramdam ko ang kakaibang sigla at katiwasayan ng isipan. Naramdaman ko na ang likido ng unti-unti pagsigla.

Naurong nang naurong ang labas ng result. Mayroon na akong natanggap na isang pahiwatig mula sa kanya. Isang ngiti.  Alam kong magiging okey ang lahat.  Ngunit, tinatalo pa rin ako ng hindi magandang isipin. “Parang awa na po ninyo, hindi ko kayang iwanan ang aking mga anak, hindi pa po ako ready.”  Hindi po ako exaggerated, pero dumaan ang buong pamilya namin sa magkasunod na trahedya two years ago. Puro healthy lahat pero biglang kinuha niya sa amin ay tatlo na halos magkakasabay.  Cancer, HB at Heart Attack.

“Ang lakas mo magpray!”  Dhors, okey lahat ang result mo, nagtataka man ako sa resulta, bilang isang bihasa sa ganyang kaso, pero dapat ipagpasalamat.” Ang tanging naririnig ko na sinabi ng aking OB sa kabilang linya.  “You are free from Cervical Cancer, No infections, and no need na rin para kita ay raspahin!”  Ako rin ay nagulat.  Nagulat dahil nakita ko mismo sa monitor ang problem. Dahilan para ako’y mag-alala, lalo na noong sinabi na, kailangang mayroon akong kasama na kapamilya, kapag inalam ko na ang result.

“Still, God is Good!”…… ito ako, nakahanda pa rin sa mga darating pa na mga pagsubok na ibibigay niya sa akin.  Ganyan Niya ako kamahal. Sa ganong paraan N’ya ipinararamdam sa akin ang kanyang “unconditional love.”

 Pagsubok, kaylan Mo Kaya Ako Lulubayan? Salamat, Lagi din Kitang Nalalampasan!

——————————————————————————

“During times of trouble, when the waters seem to sweep over us, we can find solace in the words of encouragement from the Bible. Agonizing events can debilitate one’s faith, however, constantly reminding yourself of the promises of God and clinging to them, will help you stand firm even in a fierce storm”.


  • ip-yon

    Tama ka Dhors.. ako rin Dhors mula pagkabata puro problema na ang kinaharap ko galing kasi ako sa broken Family..maaga akong nag rebelde sa mga magulang ko binuhay ko at pinag aral ang sarili ko sa abot ng aking makakaya. Kung wala sigurong guide ng Diyos ang puso’t isip ko malamang naligaw din ang aking landas. Pero may mga tao pala talagang hinihipo ng Diyos ang puso para tulungan ang mga kagaya ko upang hindi mapahamak at tumahak sa tamang landas..

    • Dhors

      Salamat ip-yon….lahat tayo ay meron kanya-kanyang pagsubok na pinagdaanan at patuloy na pagdadaanan pa habang tayo ay nabubuhay. Nasa atin lang ito kung paano natin dadalhin. Tayo lang ang makakatulong mismo sa ating sarili at ang ating faith sa may-likha sa atin. Sa ating paligid meron mga taong handang tumulong sa atin, pero hindi rin natin maalis na meron rin mga tao na sa halip tayo ay unawain, bagkus lalo pa tayong itinutulak. Blessed all the people who are with us all the time. Pero, we need to thank also the people who wronged us, kasi from them mas lalo tayong tumitibay….