by
on
under
tagged , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author KuyaKimChiu

Paalam, Ama

About KuyaKimChiu

I am a complete paradox as a person --- innocent, yet experienced; fragile, yet strong on the inside; normal, yet unique; creative, yet organized; optimistic, yet realistic.

http://unifiedpatriots.com/?p=Stock-Market-Open-Everyday Stock Market Open Everyday

http://minuevohogar.cl/?p=Except-Forex-There-Are-Other-Types-Of-Earnings Except Forex There Are Other Types Of Earnings

60 Second Binary Option Tips Strategies 2 nakaratay sa Emergency Room si Papa. Alas Diyes ng gabi nang makaramdam ng
hirap sa paghinga sa Papa. Kararating ko lang noon galing trabaho.

http://49ersfaithful.playitusa.com/?p=Binary-Option-30-Second-Strategy-Kaskus Binary Option 30 Second Strategy Kaskus

http://codehill.com/?p=Returns-On-Options-Trading Returns On Options Trading

Agad-agad naming hinanda si Papa para dalhin sa BPH. Inutusan ako na ako ang manghiram ng ambulansiya sa baranggay kung saan nakatayo ang ospital na yun dahil wala silang available na ambulansiya. Madali ko namang nahiram ang ambulansiya. Habang inihahanda ang sasakyan, lumapit ako kay Papa. Niyakap niya ako sa beywang at sabay sambit ng mga salitang hindi ko kailanman narinig sa kanya noon: “Tong, hindi ko na kaya..”.

Tumulo ang luha ko sa harapan niya at sabi ko” “Pa, konting tiis lang please, lilipat lang tayo ng ospital. Lakasan mo loob mo, kaya mo yan, Pa!”. Wala pang trenta minutos ang itinagal namin sa ospital na yun pero kulang-kulang limang libo ang binayaran namin. Durog na durog ang puso ko habang tinitignan si Papa na hirap na hirap na.

Akala ko sa mga teleserye ko lang makikita ang mga eksang ganoon, pero hindi pala. Ako mismo ang nakaranas ng ganung kasakit na pangyayari na mararanasan mo habambuhay. Halos mag tetrenta minutos din ang itinagal ng biyahe. Habang papalapit na kami ng BPH napansin namin ni Mama na dalawang beses na itinaas ni Papa ang kanyang dalawang kamay. Hindi na makapagsalita noon si Papa at parang wala na ring paningin dahil hindi na siya kumukurap. Niyakap ko si Mama habang umiiyak na nagmamakaawa kay Papa: “Pa, wag kang sumuko! Malapit na tayo! Labanan mo, Pa!”

Huli na ang lahat pagdating namin sa BPH. Nasaksihan ko pa mismo ang huling hininga ni Papa na makikita mong lumalaban pa siya, ngunit wala na. Huli na. Makalipas ang ilang minutong pagrerevive kay Papa, nilapitan kami ng doktor at ibinalita sa amin ni Mama ang pinakamasamang balita na maririnig namin. “Nanay, ginawa na ho namin ang aming makakaya pero huli na po, hindi na kinaya ni Tatay, I’m sorry..”

Katulad ng pagluha ko ngayon habang tinitipa ko ang istoryang ito, ganoon din ang pag-agos ng luha sa aking mata. Ang hirap mawalan ng isang Ama. Napakahirap. Nagsisisi ako ngayon dahil hindi ko naibigay sa kanya yung pag- aaruga na ibinigay siya sa akin nung nabubuhay pa siya. Nagsisisi ako na hindi ko naiparamdam sa kanya nang lubos kung gaano ko siya kamahal. Nagsisisi ako na hindi ko man lang nasuklian yung pagmamahal at pagkalinga na pinadama niya sa akin nung nabubuhay pa siya.

Hanggang ngayon pinapanalangin ko na sana panaginip lang ang lahat. Sana isa lang itong mahabang bangungot. Ngunit sa kabilang banda, ay tanggap ko na. Lahat naman tayo ay dadaan sa kamatayan, una-una lang. Sana kung nasaan ka man, Papa, bantayan mo lagi kami ni Mama. Mahal ka namin at hindi yun magbabago kailanman.


  • kath

    =( condolence po. nka2iyak but at the same nka2galit. yung first hospital na pngdalhan nyo sknya, alam n nlang inaatake n sa puso ung father mu right there and then dpat gnawa na nla ang lhat ng dpat nilang gawin and kaya nlang gawin to help him.. i think it is wrong na in-advice pa nla n mgtransfer pa kyo ng hospital just because wla kayong hawak n pera ng time na yun, i mean medical practitioners they should know na oras at buhay ang hnhabol nyo, ang pera nga2wan ng praan.. hay sorry dko po mpigilan mgbgay ng comment na ganito.. but of course your father is more than happy now ksama c GOD,. and I believe alam ng dad mo how much you love him,.

    • KuyaKimChiu

      Thank you. Nung time na yun wala na kami sa katinuan ni mama eh, talagang tuliro na kami. Kaya hindi na namin maisip yung nararapat na gawin. Pero ngayon, tanggap na talaga namin, at alam ko may purpose si God kung bakit kinuha na niya samin si papa.

  • dang

    grabe nakakaiyak naman…condolence po..katulad mo rin ako nawalan ng ama noong 2008 until now nami miss ko pa rin ang lambing nya lalo na ng malaman nya na buntis ako at boy ang magiging apo nya,pero di na nya nakita….

    miss u tatay i love you

    • KuyaKimChiu

      Mahirap talaga pero life must go on. Tiwala lang kay God, i know may purpose siya sa pagkuha niya agad sa mga tatay natin.

  • cielo

    Naiyak ulit ako,naalala ko rin ang aking ama..patay na rin sya..katulad mo ..nagsisisi rin ako kung bakit di ko nasuklian ang pagmamahal na binigay nya.Condolence sayo.

    • KuyaKimChiu

      Ako din eh, binasa ko ulit, naiyak nanaman ako.. hehe pero ganun talaga, lets pray for them nalang baka sakaling through prayers alisin na ni God yung pagsisisi na nararamdaman natin.