by
on
under , , , ,
tagged , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Dhors

“Kabataan, Please?….Makinig Naman Kayo Sa Inyong Magulang”

About Dhors

Stressed ka ba? May problema ka ba? Tara!...Huwag magmukmok. Magbasa tayo at kung gusto mo magsulat ka na rin. - a mother of 2 who love to cook.

http://www.fotosearch.com/SPS503/1099-6791/

Hindi ko mapigilan ang aking sarili, na ibahagi sa inyo ang aking saloobin.  Pasensya na doon sa mga taong aking matatamaan. Ipagpaumanhin po ninyo, lalo na po doon sa mga magulang na tulad ko rin po.

Hindi lingid sa ating lahat ang paglaganap ng rape o maagang pagkabuntis ng mga kabataan ngayon.  Pati na rin ang maagang nakabuntis ang isang nagbibinatilyo pa lamang  Bakit nga ba ganito na ang nangyayari?

Masyado nang nakaka-alarma di ba?  Mga kabataan ngayon, nasa grade six pa lamang ay mulat na sa usaping sekswal.  Kaya naman ngayon, usong-uso na ang pre-marital sex.  Iba na din ang takbo ng isip ng mga kabataan ngayon.  Walang takot na sa mga magulang, o kahit kaninong nakakatanda sa kanila.  Noong kapanahunan ko, isang tingin lamang ng tatay ko sa akin, nakuh, kailangan ko ng tumabi at manahimik sa isang sulok.  Batas ang tingin noon ng magulang, kumbaga “makuha ka sa tingin.” Isang salita lang ng magulang ko noon tiklop na ako.  At kapag nagkasala ka, o sinuway mo sila, patay kang bata ka, at umpisahan mo ng magdasal.  Dahil, tiyak meron naghihintay sa iyong katakot-takot na sermon o ‘di kaya ay ibibitin ka pa ng patiwarik.  Hindi lang iyon, isisilid ka pa sa sako kapag hindi ka napalo o ‘d kaya’y luhod sa monggo o asin.

Sa panahon ngayon, sino nga ba ang dapat sisihin?  Mga magulang ba, na sabi nila ay nagkulang sa pagdisiplina sa mga anak nila? At kasama na din ang kapabayaan daw nila, dahil abala na sa paghahanap-buhay? Mga magulang ba na nagsisilbing bad example daw sa kanilang anak, dahil sila mismo na magulang ay gumagawa din ng imoralidad?

Mga kaibigan ba na malakas ang impluwensya na hatid sa kanila?

Dahil ba sa malaganap na social networking ngayon?  Dahil ba sa mga internet sites ngayon, na kaya ng pasukin ng mga kabataan tulad ng mga x-rated videos.

Dahil ba merong mga motel sa tabi-tabi na, sa kagustuhang kumita lamang ay pinapayagan kahit menor de edad ang kanilang parukyano?

Ang masama ‘don, naka uniform pa bilang isang estudyante? At hala! Toto-o ba ang nakikita ng dalawang mata ko? Sa isang motel na mayroon sign na “Promo 150/3hrs,” iyong dalagitang hula ko eh high school ang uniform, meron kasamang dalawang parang totoy pa, at naka uniform din!  Naghihilahan pa! Tumigil ako sa malapitan sa kanila.  Sabi ng isang binatilyo na parang totoy pa ang katawan, “Tara na bilis, ok lang ‘yan! Huwang na mahiya, dalian n’yo at baka meron pang makakita sa atin dito!.  Iyong isang binatilyo naman, “ Mauna na kayo, sunod na lang ako, saglit lang, nagbayad ka na ba?  Meaning?…papasok silang tatlo doon? At ibig sabihin……2 binatilyo, isang dalagita…..meaning? Three some sila? May tawag don “orgy” ba ‘yon? Ah, ewan! Basta ‘yun na ‘yon ang ibig kong sabihin.

Magulang din ako, pero lalake ang anak ko.  Hindi ba mas doble ang kaba nating mga magulang, kapag babae ang anak natin?

Ano at paano nga ba ang ating gagawin sa panahon ngayon?  Sa toto-o lang napakahirap ang papel ng isang magulang.  Kailangan pag-aralan kung paano ba ang tamang diskarte kapag ang anak ay medyo naliligaw ng landas.

Ako, ang paraan ko, lagi kong kinukuwentuhan ang anak ko.  Mga bagay na what if’s kapag nagpatangay siya sa makamundong usapin.  Lagi ko rin itong pinaalalahanan na unahin ang pag-aaral, at after that? Puede na niyang gawin kung ano ang gusto nya.

Na after that, mas madami pa siyang makikilala na mga babae.  Lahat na ng makakabuti at makakasama, ay lagi ko itong nire-remind sa kanya.  Pero hindi naman iyong tipong maiinis na s’ya, dahil sa para kang sirang plaka.  Sa halip makinig sa iyo, maasar pa. Minsan dinadaan ko sa barkadahang usapan, ayon at mukhang effective, kasi don s’ya nagbibigay ng kanyang opinion about sa usaping ganito.

Ano pa ba ang puedeng paraan na gagawin nating mga magulang upang ang mga anak natin ay huwag maligaw ng landas?

Naniniwala kasi ako sa kasabihang ” Nasa loob ng ating tahanan kailangang mag umpisa ang ikabubuti ng ating buong pamilya.

Ano ba ang puedeng partisipasyon ng ating pamahalaan at komyunidad sa ganitong problema.

 


You may also like these articles:

  • smurf09

    Ang pagiging magulang na yata ang isa sa pinakamahirap na trabaho sa mundo.Very challenging ang pakikipag-usap sa mga anak. You have to know the right approach para di nila isipin na sinesermonan mo sila.
    I have two teenage kids and I work abroad too.One thing na natutuhan ko is dapat nating ilagay muna ang sarili natin sa sitwasyon nila para maintindihan natin kung ano ang iniisip at nararamdaman nila.Dapat ipakita natin sa kanila na hindi lang tayo magulang pero pwede rin na maging kaibigan. Dapat makuha natin ang trust nila para hindi nila isipin na sermon ang sinasabi natin kundi ito ay payo lamang para hindi sila magkamali.Sinasabi ko rin sa mga anak ko na kung sakali man at magkamali sila ng desisyon ay huwag silang matatakot na magsabi sa amin dahil sino ba naman ang tutulong sa kanila kung hindi kami na magulang nila.Dapat kasi maramdaman ng mga anak natin na nandito lang tayo kahit pa maganda o pangit ang ginawa nila.
    I used to hate how my parents talked to me when I was young. Yun bang laging parang galit kapag pinagsasabihan ako kaya nang maging nanay na ako , nagpromise ako sa sarili ko na kakausapin ko ang mga anak ko in a nice way at awa naman ng Diyos ay nakikinig sila sa akin.Open ang communication kaya very thankful ako.
    Payo ko lang sa mga magulang na nasa abroad, sana ay kausapin natin ng madalas ang mga anak natin sa Pilipinas. Hindi yung kung may okasyon at saka lang tayo tatawag kasi yon lang ang way para maramdaman nila na nandyan lang tayo para sa kanila.
    Dhors, keep up the good work and I’m looking forward to reading your future articles.

    • Thank you mam for reading my blog. Tama po kayo sa lahat ng sinabi po ninyo. Kailangan talaga maging cool parents tayo sa ating mga anak para po hindi sila mangingiming magsabi sa atin ng lahat ng nasa kalooban nila. Napakahirap gawin pero kapag naumpisahan na ito ay tuloy tuloy na po. Nag start ako na kinakausap ko ng parang cool mom nila ako at the age of 5. So far ok naman po ang naging outcome lumaking napakabait ng anak ko. Walang bisyo, at mahilig sa bahay lang meron mga kaibigan pero marunong sya pumili ng mga kaibigan. Despite the fact na single mom ako noon and I worked really hard for us, napalaki ko sya ng maayos.
      Again, thank you mam, please check my previous post about tips for ofw’s and families who want to put up small buss. meron pa pong mga kasunod…

  • Lisa

    Napaisip tuloy ako ms dhors, nandito ako sa abroad at ang malayo sa aking mga anak ay sadyang nakakasakit ng kalooban ko. Hindi ko kakayanin kapag meron hindi magandang nangyari sa kanila. Pero lagi akong nagdadasal na sana lagi silang nasa mabuti at makaiwas sa mga hindi magandang gawain. Gusto ko magkaroon sila ng magandang kinabukasan.
    Maraming salamat sa napakagandang sinulat mo at sana maraming mga kabataan ang mag-isip at makikinig na sa mga magulang nila.

    Gracie Salanio Vicente – kung wala kang magandang masabi huwag ka na lang mag comment, babae rin ako kaya nahihiya ako sa iyong tinuran.

    • Dhors

      Thank you po at sana sundan nyo po ang mga susunod ko pong mga akda

  • Rjay

    keep up on writing…..
    blogs like this is not only to remind us as a parent, but to educate parents on how to get focus to the youth today. Values and morality is very important nowadays to everyone

    • Dhors

      rjay, thank you so much! Just keep reading po