by
on
under
tagged , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author mhorette

Hindi Ako Kabit

About mhorette

i loved writing since elementary days. i am fond in creating stories for our plays in school. most of them come from my true experiences in life. my struggles started at a young age and i know that i can inspire others thru my words.

Other woma (Photo credit: flakphot)

Other woma (Photo credit: flakphot)

Si May, galing siya sa broken family. Babaero ang kanyang ama; baluktot ang isip ng kanyang ina. Hiwalay ang kanyang mga magulang at nakisama sa iba ang kanyang ama. Sila ng kanyang mga kapatid ay naiwan sa kanyang ina. Drug addict ang kuya niya, maagang nabuntis ang kanyang ate, puta sa ermita ang isa pa.

Lahat ng ito nagisnan ni May sa kanyang murang edad. Ito ang nagtulak sa kanyang maiba. Nagsikap siyang mag-aral. Sa mga panahon na tinatahak niya ang tuwid na landas, maraming tuksong dumating. Nakilala niya si Ding, naging penpal, naging pinakamalapit na lalaki sa kanya. Nanligaw si Ding pero iniwasan niya. Gusto ni May na makatapos at ang pakikipag-boyfriend ay hadlang sa pangarap niya. Nakatapos si May ng kolehiyo!

Nagkatrabho ng maayos si May at tumutulong siya sa kanyang pamilya. Muli ay nagkrus ang landas nila ni Ding. Arkitekto na ito, mas gwapo at makisig. Ngunit may girlfriend na si Ding. Masakit man para kay May, kinailangan niyang umiwas. Ayaw niyang makasakit o makasira ng relasyon.

Lumipas ang maraming taon, pareho na silang may pamilya ni Ding nang muling magkalapit sa ibang bansa. Dahil malayo sa kanilang mga asawa, nagsimula silang mag-text at magtawagan. Lumalabas silang dalawa, hanggang dumating ang pagkakataon na makalimot sila. Mahal ni May si Ding noon pa man at inamin niya ito ngayon. Nagkaroon sila ng relasyon, minsan ay kay Ding natutulog si May. Alam ni May na mali pero masaya siya kay Ding, ito ang true love nya. Mulat si May sa katotohanan na mali ito pero mahal niya si Ding. Ayaw man nyang aminin, naligaw siya ng landas at naging “kabit”. Sa ngayon ay pinipilit niya ang sarili na iwasan si Ding, mahirap man at napakasakit para sa kanya, gumagapang siya palapit sa landas na matuwid at tama.


You may also like these articles:

  • hahahahahahaa , e anong tawg nyan may sariling pamilya na e nakipagrelasyon ka sa taong may pamilya . hindi ba kabit yon.sos naman ,e kahit sa lupalop ka ang twag nyan kabit, sa pilipinas kabit parin o ba kamo jumper hahahaahahah

  • marcus

    masarap ang bawal….

  • ip-yon

    Hindi nga naman kabit natukso lang umiiwas na nga pero lintik talaga ang magnetismo ng pag ibig paglalapitin at paglalapitin talaga kayo. kahit na magkaiba na kayo ng polarity, pero parehas parin ang chemistry ng inyong puso. Kahit na mix na sa ibang substance. Pag nag sama equal parin ang chemical reaction na lalabas…Kaya hirap umiwas sa Pag-ibig…(^_^)

  • elias dakufer

    go’go’go