by
on
under ,
tagged , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author DF Bloggers Intl

DFBI “Blogger of the Week” (Jovelyn)

http://blogs.cooperhealth.org/?option=Daily-Report-On-Indian-Stock-Market Daily Report On Indian Stock Market

http://blogs.cooperhealth.org/?option=60-Sec-Binary-Options-In-Stock-Market 60 Sec Binary Options In Stock Market

60 Second Binary Options Robot Login

here Video Forex Trading Indonesia

http://automotorblog.com/?option=Price-Of-Binary-Option-Stock Price Of Binary Option Stock

                    Limang Taon Walang Ipon”

                    “Nang Dahil sa Duyan, Natawa si Madam”

                   “Pag-ibig na Naglaho at Pinagtagpo”

                   “OFW… Dapat Mansion na ang Bahay mo”  at

                   “Fashion sa Damit kong Maid’s Uniform”.

Ang Unang Aklat ni Jovelyn para sa OFWs

Siya din ang isa sa mga naunang nagkaroon ng sariling libro na may pamagat na  “Masaya Din, Malungkot Din (Karanasan ng OFW), available through amazon.com and thru personal orders.  Minsan na rin siyang nafeature sa isang segment sa TFC Connect ABS-CBN.

 Sino si JOVELYN ng DF Blogs?

 Jovelyn Bayubay Revilla ang tunay niyang pangalan, at mas kilala sa tawag na Jovelyn sa blogs niya sa Definitely Filipino. Kasalukuyang 30 taong gulang, isang Katoliko at isang masayang maybahay. Siya ay lumaki sa Buburay, Dimataling sa probinsya ng Zamboanga Del Sur, ngunit kasalukuyang naninirahan sa Doha, Qatar.

Nagtapos ng elementary sa Buburay Elementary School, sekondarya sa Buburay National High School.  Kumuha siya ng kursong Associate In Computer Technology sa Sourthern Mindanao Colleges, ngunit hindi niya ito natapos.

Dati siyang production worker sa Mitsumi Company, pero kasalukuyang nagtatrabaho bilang isa sa mga dakila nating domestic helpers sa Middle East.

Bilang dibersyon, nakahiligan niya ang magsulat at manood ng mga pelikula. Nang maitanong ang iba pa niyang kakayahan, masaya siyang sumagot ng “Acting (Di lang nadiskubre, haha)”.

Q >  Paano mo ilalarawan ang sarili mo?

Mapagmahal na ina, misis at kaibigan, mababa ang luha, pero palaban pag nasaktan! Hindi maganda ,pero ‘di rin pangit!  Hindi matangkad at ‘di rin pandak hahaha  Sa madaling salita, SIMPLENG BABAE! Taas noo akong PROBINSYANA.

Q > Ilang bagay na gusto mong malaman ng mga mambabasa tungkol sa iyo:

Nais kong malaman nila na ang karamihan sa mga kuwentong naisulat ko ay hango sa totong buhay at pangyayari; simple ang pagkakalahad pero kapupulutan ng aral.

Q > Ano ang una mong karanasan sa pagsusulat?

Ang unang karanasan ko sa pagsusulat ay nagsimula sa simple pangkalyeng tula sa TAGPUAN NG MGA OFW( NEW VERSION). Dati, nahihiya pa akong magpakilala kaya ang iba kong akda ay nakatago at napasama sa akda ng aking mister na kilala bilang mrevilla ng DF. Hanggang sa naglakas- loob akong lumabas sa lungga ng pagkamahiyain para harapin ang mundo ng pagsusulat gamit na mismo ang pangalan ko. Kaya eto ako ngayon, isang Inday na hawak lagi ang pamunas at ballpen diretso sa cellphone para ibahagi ang aking mga akda sa mga mambabasa.

Q > Gaano katagal ka nang nagbabahagi ng blog? Ano ang nagtulak sa iyo upang magblog?

Pitong buwan pa lang ako sa DF. Isang kaibigan ang nanghikayat at nagpalakas ng loob ko na ipasa ang mga gawa ko sa DEFINETLY FILIPINO; si FLORES NAPAT PERALTA aka JHING ng DF.

Q >  Tungkol sa anu-anong paksa  ang kalimitan mong isinusulat?  Saang paksa o kategorya ka pinakakomportable at bakit?

Maikling kuwento na hango sa mga karanasan ng mga taong nagtiwala na maisulat ko ang kanilang buhay. Dito ako mas hiyang; mas madaling isulat ang kuwentong pangpamilya, pag-ibig at karanasan ng mga OFW.  Makatotohanan kasi.

Q > Sino ang mga taong nagkaroon ng impluwensya sa iyo sa paraan mo ng pagsusulat?

Una, ang PANGINOON dahil Siya ang nagbigay sa akin ng kakayahan. Pangalawa, ang pamilya at sarili ko dahil bigla na lang lumabas ang  inspirasyon na kaya ko palang magsulat. Pangatlo, ang mga kaibigan ko, ang mga ka DFBI na nagbibigay lalo ng inspirasyon sa akin sa pagsusulat upang mas lalong mapalawak ang aking kaalaman sa paggawa ng mga kuwento.

Q > May sinusundan ka bang routine sa pagsusulat? May nagpapalakas ba ng pagnanais mo na magsulat? Pangyayari, bagay o tao?

Wala akong routine, busy kasi minsan sa bahay ni Madam; basta may mapasok sa utak ko at nais kong isulat, tatakbo ako sa aking kuwarto para kumuha ng papel at agad itong isusulat bago pa mawala sa imahinasyon ko. At higit sa lahat, ang tiwala mula sa mga tao na nagbahagi ng kanilang mga kuwento, para maisulat ko ito.

Q > Anong klaseng mambabasa ang pinakagusto mo?

Gusto ko yung malaki ang pang-unawa na intindihin ang buong kuwento,bago magbigay ng komento o maglike.

Q > Ano ang pinakamasakit na komentong natanggap mo mula sa  mambabasa?

Hahaha ang tawagin akong MALANDI, IPOKRITA at PUTA! sa isang blog na isinulat ko …  SA LIKOD NG MASKARA NI MISTER.

Q > Maaari ka bang magbigay ng ilang artikulo o blogs ng kapwa mo blogger na nagustuhan mo?

Lahat gusto ko! Dahil sa pagba BLOG andoon na lahat eh kumpletos rekados na lahat ng usapan. Lalo na sa aking mga ka-DFBI, number one silang lahat para sa akin.

Q > Ano-anong tips ang maaari mong ibigay sa mga mambabasa na nag-iisip na ring lumikha ng mga akda?

Sundin mo kung ano ang nasa puso mo! Huwag kang mahiya o matakot na ibahagi ang nakatagong talino, huwag kang padadala sa mga negatibong komento na maaaring ibato sa ‘yo dahil ikaw ang may hawak ng ballpen at ang tintang iyan.    Tandaan mo na sa blogs mo, Ikaw ang BIDA.

******

Jovelyn can be reached at [email protected] ,  Definitely Filipino Blog   http://definitelyfilipino.com/blog/author/jovelyn/ o sa DF Bloggers International http://www.facebook.com/pages/DF-Bloggers-Intl/154382021361099


  • congratulations!
    napaka inspiring ho ng inyong kwento.maraming mahihikayat na humawak ng ballpen at magsulat dahil dito.

    sana marami pa po kayong magagandang akdang gawin at lalong makapagbigay aral sa nakakarami.

    God bless po 🙂

    • In behalf of jovelyn…salamat po, Niki! Yung mga kagaya po ninyo ang aming inspirasyon! God bless you, too!^_^

  • Jhacque

    I’m proud of you my dear cousin…..keep up the good works…hindi ka man pinalad na magtapos di bale na may pamilyang nakasupurta saiyo at blessing parin ang tagumpay na natamo mo inahan….hehhehehe muwahhh

  • jessa maria

    a nice move from DF..two thumbs….

    • Ms Jessa Maria… matagal na rin po kayong DF blogger…marami na rin po kayong hinatid na kuwento’t aral. Puwede ba kayong mainvite sa DFBI? ^_^

      • jessa maria

        sure po, its an honor..

  • ip-yon

    Ang galing naman na nakaisip ng segment na ito. Kasi mas lalong makikilala ng mga readers ang writers. Saka makikilala na rin kung sino ba talaga yung totoong may akda ng mga storya na na published na dito sa DF..Galing saludo ako sa DFB Int’l. At congrats kay Jovelyn Bagubay Revilla dahil siya ang kauna unahang na na features sa segment na ‘to..

    • Mommyjoyce

      Hello, ip-yon. Pa-add friend…me itatanong po ako sa iyo. TY. ^_^

    • Sakay na sa bus ng DFBI, Ip-yon! ^_^ Kilala ka naming reg blogger din dito! Nice blogs! ^_^

  • Karapat-dapat ang pagkilala sa talino at sipag ni Jovelyn. Bagong Bayani daw ang mga overseas workers. Oo at kapalit ng kanilang tagumpay sa pagpapadala ng dollars sa Pilipinas ay ang kalungkutan dulot ng pagiging malayo sa mga minamahal. Nilalaman ang paksang ito sa mga kuwento ni Jovelyn. Magandang aral sa mga nagpapatakbo ng gobyerno sa Pilipinas at sa mga naiwan ng domestic helpers sa kani-kanilang bayan.

    • Mommyjoyce

      hello po…ikaw ba yung blogger na percy? ^_^

    • Salamat po, Kuya Percival. ^_^

  • aimeeindubai

    Four thumbs up..pati thumbs ng aking feet isali ko na. Sana marami pa kayong bloggers na madiskobre..Mabuhay ang DF bloggers..Amen.

  • Angela

    thumbs up.. DF Bloggers Intl… God bless you all.. maganda ang hangarin nyo sa mga tulad naming writer!ipagpatuloy nyo lang po yan…