by
on
under , , , , , ,
tagged , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author cheche_francesca


  • Latest Posts

Binaha Ka Din Ba?

Flood (Photo credit: blogspot)

Flood (Photo credit: blogspot)

Hay nako, grabe talaga ang pinsala ng habagat. Take note mga kapatid, habagat pa lang yan. Dito dati sa amin hindi binabaha pero ngayon,  para nang ilog. Konting ulan lang, bakit nagkaganon, anong nangyari sa ating kapaligiran?

Ano nga naman ang nakapagtataka dun eh asan na ba ung mga puno dati sa gitna ng kalsada? Inalis kasi nga daw perwisyo lalo na kung may bagyo. Eh diba isa ito sa mga nakatutulong sa pagsipsip ng tubig. Wala na sila sa kalsada, wala nang naiwan kahit kaunting lupa para sumipsip sa tubig. Saan sila pupunta? Sa mga creek na puro basura plastic, papel. Kahit anong klase basura na mismo, tayo, tayong mga tao ang may gawa. Wala kasi tayong disiplina sa pagtatapon ng basura.

Ano ba naman yung itapon sana natin sa tamang tapunan ang plastic na dala natin. Halimbawa dito eh yong balat ng kendy, tama ba naman pagbukas natin eh ihulog na kung saan eh kung walang makitang basurahan sana ilagay na lang sa bulsa para hindi naman tayo makatulong sa pagbara ng mga kanal.

Isa pa ha ay iyong mga dating ilog, dating palayan. Ayon tinambakan at ginawang mga subdivision. Inagawan na talaga natin ng pwesto ang mga tubig kaya iyan, naki-share na lang sa bahay natin. Papasok daw muna sila pansamantala para ma-enjoy naman daw nila ang pagkatubig nila (hehhe joke lng ha).

Ang mga puno sa kabundukan, ayun konti na lang sila. Dati tanaw sa amin ang bundok ng Antipolo, ma-green pa siya dati. Ngayon ma-brown na. Paano pinutol na sila. Natayuan na ng mga bahay at yung iba naman mga kabundukang pinuputol ang mga puno at hindi naman napapalitan. Bakit ba tayo ganito, hindi natin inalagaan ang kalikasan. Ngayon nagtampo na tuloy sila, lumalaban na sila sa atin.

Mga kapatid, kailan tayo magsisimula? Kailan tayo kikilos upang maging responsable sa ating kapaligiran? Magsimula na tayo ngayon para naman may abutan pang mga puno at magandang kapaligiran ang ating mga future na anak. Gumising ka na. itigil mo na ang pagtapon ng basura kung saan-saan lang, maawa ka.

About cheche_francesca

simpleng babae mahilig magbasa ng blog trying hard na magsulat :D
  • jennifer

    Natumbok mo ang mga dahilan kung bakit may baha…gumising na mga kababayan ko sa ating mga kalokohan laban sa kalikasan (Mother Nature). Hindi lamang naman diyan sa Pilipinas nangyayari ang ganyang pagbaha…all over the world. Tao ang may kasalanan kay ang ating Mother Nature ay nagbibigay ng babala na mahalin natin ang ating kapaligiran tulad nang, puno, river (ilog), palayan, karagatan, kabundukan. Preservation at pagmamahal sa ating kapaligiran….iba magalit ang MOTHER NATURE…

    • cheche_francesca

      tama ka din po 🙂 sana nga simulan natin sa ating sarili ang pagiging responsable sa sarili natin basura pati na din sa kapaligiran