by
on
under
tagged ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Matangkumukutitap

Bang! Bang! Sa Wagas na Laitero

Fun Guns (Photo Credit: Funxite)

“Ang bobo mo!”

“Isa kang TANGA!”

“TAE”

“A stupid blog”

“You think this blog is worthy of publication?”

“LMFAO to the holy water. Haha! Seriously, I was actually thinking I might be living in a country filled with shallow people.”

Ano ba iyan?????

WAGAS NA WAGAS  na mga laitero’t laitera’y hindi na dapat magbasa ng blogs ng iba.  Kung sobrang gagaling n’yo ay gumawa na lang kayo ng sarili n’yong blogs!

Eto pa… sa DF page; photo at ilang lines lang ang nabasa eh, magcocomment na ng “pedophile”….  HUH???  A heartwarming story na “Lab Ko si Baby”, inakusahan na pedophile blog?  Joskoday naman!  Eh sino ang tunay na istupido naman????

Bago naman sana magcomment, basahin muna kasi!

Nakasisira naman talaga ng mood kapag nakababasa ka ng mga taong parang ke gagaling nila, pero kung susuriin mo’y sila ang mahina ang isip……   kasi hindi nila naisip na ang mabahong comments nila ay tatalbog sa kanilang pabalik!

(Wehhh, sino ba ang ogag na commenter na to!  Ang salbahe!  Ang bastos!  Laitero to the max!  Genius siya?  High and mighty?  Sa babaeng inagawan ng asawa, magcocomment ka na isa itong tanga???  Sa kuwentong pagsubok sa buhay, tatawagin mo itong TAE?”  Whew, where are your manners???

Dapat naman kasi kung gusto mong magbasa ng blogs, unahan mo na ang sarili mo na mga personal stories ito at personal opinions.  Tanungin mo muna ang sarili mo kung bakit gusto mong magbasa ng blogs.  Dito kasi, mababasa mo ang mga emote ng mga bloggers, mga karanasang ibinabahagi sa readers, AYON sa perspektibo nila, ayon sa character nila.

Mayroon din ditong pang-love story, pang-pamilya, pang-muni muni moments, panghigh school memories, pang teens, pang-damatans, pang 20s, 30s, 40, 50s at kahit pang senior citizens.  Piliin mo na lang yung nababagay sa age at gender mo, mahuhulaan naman sa titles kadalasan eh.  Hindi naman kasi compulsory na basahin mo LAHAT ng blogs eh.

Asahan mo nang may mga corning lovelines, me painful emotes, me heartwarming moments, me bitter confessions, sari-sari.  Mayroon ding fictional stories to entertain readers or make them remember similar instances in their lives.  Hindi professional writers ang majority ng nandito, kasi yung mga professional writers, kadalasang may trabaho, may technical writing duties at kung may magsulat mang prof writers dito  ay to disseminate info to our kababayans.  Whatever, wala kang karapatang manlait.  Oh my gosh my gulay naman talaga!

Fyi kasi…ang DF blogs ay vehicle for newbie writers or those who want to share their stories or thoughts.  Napansin ko pa ngang karamihan dito ay OFWs na ginawa nang libangan, social life at therapy ang blogging or reading blogs, whichever.  Sa kabuuan, let us promote POSITIVISM.  Plain and simple.

Maaaring sa iyo ay walang kuwenta ang isang subject matter, eh di lakdawan mo!  Maaaring hindi ka nakakarelate sa isang blog, so?  Ipagkibit-balikat mo na lang.  Hindi swak sa panlasa mo?  Isipin ang human values called RESPECT.  Blog n’ya yun eh.  Opinyon n’ya yun.  Kuwento n’ya.  Getz mo ba?

Tapos, mambabasag ka ng trip?  BAKITTTT?  Yayaman ka ba, guguwapo ka ba or gaganda kung manlalait ka?  Eh sa totoo lang, papangit ka pa nga kung isa kang wagas na LAIT-ER (new word for laitero’t laitera, hehehe).  Huwag na lang magpagod magtype ng lait words.  Papangit ka at babaho dahil ang MAJORITY dito sa DF ay wholesome at imbes na purihin ka ay mapipintasan ka pa!  (Buti na lang kakaunti lang ang lahi ng mga LAIT-ERS sa  DF.)

Fyi din…ang mga wholesome commenters na masisipag magbigay ng encouragement ay sumisikat at pinagpapala dahil tinatandaan ng bloggers ang mga mabubuting tao at winiwish ng GOD BLESS YOU!  Unknowingly, itong mga good people na ito ay parang mga angels na nakatutulong sa bloggers na KARAMIHAN ay nasa ibayong dagat, nalulungkot at nasasabik na makahalubilo ang mga kababayan kahit through DF blogging man lang.

Kaya kayong mga  LAIT-ERs, umiskapo na kayo sa blogging sites kung dala-dala n’yo’y panlalait lang.  Walang pumupuwersa sa inyong magbasa!  Magsalamin na lang kayo at purihin nang purihin ang sarili n’yo!  At least, doon, walang makikialam sa inyo.  (Good riddance pa!)

To reiterate, walang buting maidudulot kung magpopost ng mga pangit at epal  comments.  Alalahanin natin na lahat tayo ay magkakababayan.  Baguhin naman ang sistema ng social networking style.  Makipagkaibigan, huwag makipag-away.  Mang-inspire, huwag mangdown!  Kailangan nga ng pagbangon ng Pinas eh.  Huwag na maging haters o laiters kasi!!!

Sa aking palagay, nilikha ang DF upang pag-isahin ang mga members.  Parang isang malaking barkadahan na magtutulungan, magdadamayan, magsesharan ng lessons in life at knowledge, magcocomfort sa isa’t isa!  Mahirap ba yun????

Umiwas na sa POOP bullets, puwede???


  • simabutiako

    buti nalang at wala pang nagkokomento ng wagas na panlalait sa mga blogs ko pag nagkaroon lintek lang ang walang ganti haha!joke lang!

  • glesz

    maraming salamat matangkumukutitap.. nakakainis lang talagang isipin na may mga taong ganun kababayan pa natin.. mag-isip muna tayo bago natin ipost ang mga comments dahil hindi naman yung kinomentan mong blog ang nasisira kundi ikaw mismo di ba ? GOD BLESS TO DF <3

  • Nakakashock lang na me mga kababayan tayong foul na foul ang words…super bastos at walang censorship. Sana ay magbago na at haplusin ng ating Ama ang mga naliligaw na maruruming magsalita. salamat sa matang kumukutitap!

  • maghdelene

    hahahaha!! naalala ko nun 3 months after giving birth to my baby, nagsulat ako for the very first time dito. napublish sya at sobrang gumaan yung feeling ko, na pakiramdam ko talaga si superwoman ako at nawala ang post partum depression ko til my nagcomment ng pakangkang daw kasi ako ng pakangkang. hahahah!! natatawa na lang ako ngayon pero nun mga time na yon crayola talaga ang peg ko. amen sa blog na to! 🙂

  • bang sa laiters!

    thumbs up to matang kumukititap! 🙂
    swak sa budget ang 2nd blog mo!
    patapos na din ba ang 3rd?
    keep it up and God bless 🙂

  • jessa maria

    life is like that…destructive criticism o constructive man…thankful pa din kasi napansin..kung gumawa man sya ng comment na masama..isipin na lang may pinagdadaanan din sya o nahagip kaya…di mailabas ang tamang reaksyon kundi bumira…anyway di naman siguro ang tao ang nilait kundi ang artikulo….di naman kasi mapipigil ang bawat tao…basta tayo nag eenjoy sa pagsulat…ang ating emosyon ay nailalabas, ang imahinasyon ay lumilipad…

  • Tenacious3

    Bang!! Sablay talaga yung mga may alanganin na comment lalo na sa “love ko si baby”. Alam nyo bang halos mapaiyak ako dito sa desk ko dito sa office namin sa Qatar nung binasa ko yun. Isa akong engineer dito sa Qatar at madalas din nsa harap ako ng PC ko habang nagtatrabaho. Puro numbers ang kaharap ko kaya naisipan kong magsubscribe sa DF. Talaga namang nalilibang ako sa DF, may mga lessons in life na mapupulot dito. Katunayan, nagsubscribe na rin yung iba kong mga kasamahan, dahil dati, pino-forward ko lang sa kanila yung mga blogs. Anyways, keep up the good work sa mga bloggers natin jan, at keep blogging. thay way, naaaliw nyo kaming mga readers nyo and you keep us inspired to work harder for our families. God bless us all..

  • Angela

    salamat matangkumukutitap sa pagtatangol mo sa mga writers na nakakatanggap ng mga bad comments mula sa mga taong wala magawa sa buhay.. ipagpatuloy mo lamang yan kailangan ka nila.. at andito lang ako.. kakampi nyo! di ako nawawala.. GOD Bless you..

  • ip-yon

    Another strike to the bang! bang! Matang kumukutipkutitap nadale rin ako ng mga comment na nakakagigil hahaha! Pero thankfull pa rin ako kasi kahit papaano may nagbabasa ng writeups ko kahit yung comment ay personalan na…nice ikaw naba ang bagong detective ng DF..keep up your good work para ipagtanggol king mga bloggers..thanks!