by
on
under , , , , ,
tagged , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Angela

Babae…Inaabuso Ka ba? Saan Ka tatakbo?

About Angela

isang babae na may positibong pananaw sa buhay, mapagmahal sa asawa't anak, madaling umiyak at madali ring mapatawa. May misyong gumawa ng mabuti sa bawat araw sa kapwa kahit sa maliit na pamamaraan man o malaking bagay... Isang ngiti mo lang may pinasaya ka na nakapaligid syo... Masarap mabuhay ng may pagmamahal!

photo credit: svwit.blogspot.com

Bawat segundo may isang babae na inaabuso, physicall, sexual, psychological o emotional man.

Ikaw! baka di mo alam na may mga pagkakataon na naabuso ka na… ito po ang ilan sa mga kalimitang anyo ng karahasan laban sa mga kababaihan:

Pisikal – ilan na bang kaso ng pambubugbog ang naereport sa amin barangay?? madami madami na rin at kalimitan ay mga babae,  Pwede rin isama sa pisikal na pang-aabuso ang panunulak, panununtok,  pananampal, paninipa,  paghahagis ng bagay,  pananakal, pag gamit ng patalim o baril,  parricide, homicide/suicide na minsan ay nauuwi sa kamatayan at pagkawasak ng pagkatao ng isang babae.

At ayon po sa Women’s Crisis Center, nakapagtala sila ng mga insidente na Sinuntok / sinampal -96.7%, Sinipa-86.2%, Sinabunutan -73.35%, Sinakal at/o tinali ang paa at kamay– 40%, Binuhusan ng mainit/kumukulong tubig-30%, Sinaksak/tinaga- 6%, Nabaril –6% at Sinubukang sunugin ng buhay (nasa loob po ang babaeng sinaktan)–3%. tsk.. tsk. tsk… araw-araw may mga pangyayaring ganito sa ating bansa.

Sa larangan naman ng Sikolohikal– Berbal /Emosyonal na pang-aabuso, ito ‘yong mga pagmumura,  paninigaw, panlalait  (na parang bang tongue twister na ang masasakit/masasamang  salitang binitiwan nila sa isang babae) pananakot,  pagkukulong sa bahay at kwarto, hindi kinakausap,  pinapahiya na nagiging dahilan ng pagbaba ng tingin ng isang babae sa kanyang sarili. Naranasan mo na ba ang iba sa mga iyan???
Sekswal -Laging laman ng tabloid at ng telebisyon ang ilang kaso ng panggagahasa bata man o matanda at kalimitan dito ay mga kawawang babae. Wala man tayong malimit na naririnig na sapilitang sex para sa mag-asawa o magkarelasyon dahil na rin siguro sa kahihiyan ng kanilang pamilya pero isa itong pang-aabuso sa ating karapatan bilang isang babae. Ang mga insidenteng paninilip, panghihipo sa isang babae ay pasok din sa sekxwal na pang-aabuso. Nangyayari ang sekswal nakarahasan dulot ng mababang pagtingin ng lipunan sa kababaihan at paglalarawan sa kanila bilang mga bagay na tagapagbigay aliw sa mga kalalakihan.
Ekomik o Pangkabuhayan : Di ka ba pinapayagan ng iyong asawa na magtrabaho kahit meron ka namang kakayahan? O di ka binibigyan ng pera para sa gastusin n’yo sa inyong pamilya at sa halip ay kinukuha pa sa’yo ang pera kung may nakikita? o pwede ring di ka na nga binigyan ng suporta, may ganang pang ipagbenta ang mga ari-arian nyo na walang pahintulot mula s’yo? mmmh economic abuse po ang tawag d’yan..
 Ang ating Gobyerno ay mulat sa mga pangyayaring ito, nagkaroon ng batas ang Republic Act 9710 na kinikilala bilang MAGNA CARTA OF WOMEN, ito po ay isang komprenhensibong batas ng karapatang pangtao ng mga kababaihan na ang layunin ay buwagin ang di pantay na pagtingin sa kababaihan sa pamamagitan ng pagkilala, pagprotekta at pagpromote bilang isang Pilipinong kababaihan, kaya ng December 9, 2010, opo mahigit isa’t kalahati ng taon ang nakakalipas ng ang Department of the Interior and Local Government (DILG) signed  a joint circular with the Departments of Social Welfare and Development, Education (DepED), Health (DOH) and the Philippine Commission on Women (PCW) for the establishment of a Violence Against Women (VAW) desk sa bawat barangay ng ating bansa.

Ito po ay isang pasilidad upang mapibilis ang pagtugon sa mga kaso ng iba’t – ibang uri pang-aabuso sa mga kababaihan sa Barangay.. Sa pagsasagawa nito, ang Punong Barangay ay magtatalaga ng isang tao na may pagmamalasakit sa kapakanan ng mga kababaihan at may kalinangan sa mga sentibong kaso ng pang-aabuso. Tungkulin ng Probinsyal Governor at City Municipal Mayors na ipasiguro ang pagkakaroon ng VAW (Violence Against Women) Desk sa lahat ng Barangay na kanilang nasasakupan. Ang pagtatalaga ng isang desk VAW ay napakahalaga upang puksain at malutas agad ng pamahalaan ang diskriminasyon at pang-aabuso laban sa mga kababaihan sa bansa.

Kayo sa inyong Barangay meron na bang VAW (Violence Against Women)Desk? Kung wala pa, baka ikaw ang maging daan upang gisingin si Kapitan at malaman niya na karapatan n’yo na meron kayong matatakbuhan at kakalinga sa inyo kung meron mga pangyayari ng pang-aabuso… Kung ayaw makinig ni Kapitan, kung sakali po lamang Pakipaalala sa kanya….

Ang ordinansang paglalagay ng VAW Desk sa bawat Barangay ay Duties and Function of theBarangay Officials in relation to Republic Act 9262 on the Anti- Violence Against Women and their Children Law na nakapaloob po dito ang…
“Any barangay official or law enforcer who fails to report the incident of VAWC to thePNP shall be liable for a fine not exceeding Ten Thousand Pesos (10,000) orwhenever applicable criminal, civil or administrative liability. Administrative complaints against the barangay official for failure to perform her or his duties shall be filed with the Sangguniang Panglungsod or Bayan for gross neglect of duty or misfeasance”
STOP VIOLENCE AGAINST WOMEN!!!!!!

You may also like these articles:

  • chin08

    thank you sa info. sana wag matakot ang mga babae na magsumbong at magsampa ng kaso sa mga taong mapang-abuso..

  • sue

    mtgal n ako nagti2is dahil gusto k lumaki mga anak ko n buo pamilya nmin pero wla n tlga dahil s tagal ng tiis ko s ugali at gawain ng asawa ko s akin nwala n pagm2hal at respeto ko d ko magawang iwan gusto ko ng hiwalayan d ko magawa may maliliit p akong anak kwawa mga bata

  • jessa maria

    actually masakit mang aminin pinagdaanan ko ito…ilang taon din ba akong nagtiis..ni hindi alam ng magulang ko ang aking pinagdaanan, ni wala akong mapagsumbungan dahil sa nakakahiya, yan ang aking pakiramdam, hanggang sa nagsawa na rin ako at nawala na ang pagmamahal, ang anak ay nawalan na ng paggalang sa ama na dapat unang magprotekta ngunit sya pa ang unang nananakit…kaya ko namang magsumbong ngunit mas maigi na ang humiwalay na lang…para naman sa anak ng di na masaktan lalo at ibilad sa kahihiyan ang pangalan. Kadalasan ganito kasi ang nararamdaman ng mga battered women..