by
on
under , , , , , ,
tagged , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author anne

Ang Bilis Ng Oras ‘Pag Kasama Kita

About anne

Isang taong sa pagsusulat lamang naibabaling ang hindi lubusang masabi ng bibig. Seryoso ngunit madalas ay bata-isip. Hindi nag-aral ng pormal sa pagsusulat, hinahayaang ang puso at isip ang magtakda ng bawat titik.

http://danstasiewski.org/?option=Bombay-Stock-Exchange-Website Bombay Stock Exchange Website

http://automotorblog.com/?option=The-Robot-For-Fap-Turbo-Forex The Robot For Fap Turbo Forex

Work Forex Yukpush

http://automotorblog.com/?option=Trade-On-Forex-According-To-The-Sms-To-Signals Trade On Forex According To The Sms To Signals

http://bmwcoop.com/?option=How-To-Win-In-Binary-Option-Legit-Exposed How To Win In Binary Option Legit Exposed

Isa lang ang hiling ko ngayon habang naglalakad tayo at kinakausap kita. Sana ay hindi na matapos itong araw na ‘to, sana huminto ang ikot ng mundo upang maghapon akong nakatitig sa mga mata mo. Hinawakan mo ang mga kamay ko, naramdaman kong muli ang palad mo. Sobrang pinananabikan ko iyon ng matagal na panahon. Tinapat mo ito sa dibdib mo, hindi ko alam ang gusto mong sabihin, nais mo bang maramdaman ko na parehas tayo ng nararamdaman? Ngunit wala akong pakialam, ang alam ko lang ay hawak mo itong muli at ayoko nang mabitawan mo iyon, kahit na saglit.

Wala akong pakialam kahit pagtinginan tayo ng mga tao dahil sa lakas ng tawanan natin. Wala akong nakikita kundi ikaw at ang mga ngiti mo. Wala akong pakialam kahit anong itsura ko sa sobrang paghalakhak o kahit ano pa man ang maging ayos ng buhok ko, dahil isa lang ang alam ko, ang kasama natin ang isa’t isa at iyon ang mahalaga. Wala akong pakialam kahit maligaw tayo dito sa lugarg na unang beses natin puntahan, ang mahalaga ay hawak mo ang mga kamay ko at alam kong hindi mo ako iiwanan saan man tayo mapunta. Wala akong pakialam kahit na saan tayo kumain, ang mahalaga ay kasama kita sa isang lamesa. Wala akong pakialam kahit matapilok, mauntog o madapa ako sa harapan mo dahil alam kong ako pa rin ang pinakamangandang babae para sa paningin mo.

Isa lang ang hinihiling ko ngayon, sana araw-araw ganito. Sana oras-oras kitang makasama. Ayaw ko na ulit mangulila. Pinipilit kong pinapaniwala ang sarili kong masyadong nauuna ang oras sa relo ko. Kahit ano gagawin ko upang mas mapatagal pa ang oras nating magkasama.

Kahit ayaw ko, lahat ay kailangang matapos. Para akong isang katulong na naging prinsesa na kailangang magmadali sa pag-uwi. Ayaw ko man, ngunit kailangan ulit kitang bitawan.

Narito na naman tayo, hinatid mo akong muli upang sumakay sa karuwahe kong yari sa kalabasa. Ayaw ko pang bumitaw pero kailangan na. Tumalikod na ako nang biglang naisip kong kailan ko baunin ang ngiti mo sa pa-uwi ko, kaya nilingon ulit kita upang makita iyon sa huling pagkakataon. Hindi ako nabigo, nakangiti kang nakatingin sa ‘kin, nagpaalam at para bang sinasabing maghihintay kang muli.

Natapos ang araw nating magkasama. Ngayon ay heto ako at inaalala ang lahat, ayaw kitang kalimutan, ayaw makalimutan ang lahat, kahit isang detalye sa lahat ng nangyari.

Pumikit ako upang muling manalangin. Hihintayin ko ulit ang umagang pinananabikan ko. Ang makita kitang muli. Ang magkita ulit tayo.


  • aimeeindubai

    Hay..ang sarap mainlove..lalo na kapag alam mong in love rin siya sa iyo…..ang kulay ng buhay parang bahag hari..ni hindi ako nakaramdam ng uhaw at gutom kapag kasama siya..yayay..nice one anne. magkikita rin kayo uli..

  • ip-yon

    Wow! parang nag flashback lahat ng memories ko nang lumipas..ganyan talaga ang feeling kapag inlove parang gusto mong huminto ang oras pag kasama mo ang taong mahal mo..:)

    • ya tama lahat tau nakaramdam kung pano ma inlove pero itong story nato kinikilig ako promise

  • monettecalugay

    Ay ang ganda naman nito…matanda na ako para kiligin. Pero kinilig ako, promise. 🙂

    • anne

      hehe. salamat po at nagustuhan ninyo. libreng kiligin. hehe 😀