by
on
under ,
tagged , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author mjsweetiecarreon

Ang Batang Kalye at Ang Matandang Dalaga ( Part 1)

About mjsweetiecarreon

My writings are filled with angst. Deep emotions and a wild imagination are a source of creativity. It is powerful and consuming. I like to entertain people through my stories. Life is one colorful rollercoaster ride . http://www.facebook.com/maryjoy.carreon.9

Is Today A Stock Market Holiday

http://danstasiewski.org/?option=Eurjpy-Forex-24-02 Eurjpy Forex 24 02

Euro Exchange Rate Of Dollar On Forex

Psychology Of The Successful Trader Forex

http://shopival.com/?p=Binary-Option-Trade-Alerts-Robot-1 Binary Option Trade Alerts Robot 1

Kitang-kita ko ang tagaktak n’yang pawis, at namumula nitong pisngi.  Napayuko ito at napansin ko kaagad ang malaki nitong hinaharap at likod. Tila nakaramdam ako ng libog sa paglapit ko sa kanya kaya sabi ko,”kumuha ka nga ng tubig baka na overheat lang.” May dala siyang mineral water at yun ang binuhos niya.  Pagkatapos noon, umandar ang sasakyan nito. Tuwang-tuwa si Victoria at agad na kumuha ng limang daan sa wallet at inabot sa ‘kin. Masarap ang feeling ng sinadya kung dumikit ang palad ko sa palad niya. Tuwang-tuwa ako sa laki ng pera na ibinigay n’ya kaya hindi ko manlang nakuhang magpasalamat at umalis ako agad. Si Victoria naman ay umalis na rin. Kinagabihan hindi ako makatulog at rumirehistro na naman ang mukha n’ya kapag pinipikit ko ang aking mata. Nakikita ko ang mukha niya. Gandang-ganda ako sa hayop na matandang babae na yun. Panay ang mura ko. Sa wari ko’y na pa-paranoid lang ako marahil dahil kulang ang tinira kung rugby kaya’t naghanap ako ng mabiling droga ng gabing ‘yon.

Agad akong bumangon at umalis, anak ng pating nagkita kami ulit sa isang malapit na gasoline station, doon ko nakita na naka-park ang kotse niya. At nakita kong bumili pala ito ng pagkain sa isang malapit na grocery store sa tapat mismo ng gasoline station. Napalunok ako ng laway ng nakita kong naghubad ito ng jacket dahil naiinitan. Lumapit siya sa ‘kin at namumukhaan n’ya pala ako. ”Boy gabi na, bakit hindi ka pa umuwi ng bahay?” Sinagot ko siya ulit ng pasigaw, ”walang akong bahay, h’wag mo nga ako matawag na boy, ako si Fredo.” Bigla namang sumagot ang gasoline boy ng, ”FREDONG BANGAG!” Kilala na kasi ako halos ng mga tao sa kalye kung saan ako madalas tumambay, imbes na mapikon tumawa na lang ako. Tinanong n’ya ako,”totoo bang adik ka? Sayang ang bata mo pa at may itsura ka. Huwag mong sayangin ang kagwapuhan mo.” Parang pumalakpak ang tainga ko sa narinig ko dahil ang totoo, siya lang ang unang nagsabi na gwapo ako. Hindi nga ako halos pinapansin ng mga sampaguita girls o nagtitinda ng sampaguita na mga neneng na nililigawan ko kasi nga daw mabaho ako, adik at madungis.

Sa sinabing ‘yon ni Victoria, gumaan ang pakiramdam ko, naalala ko kasi ang nanay ko na halos magkasing edad lang sila kaya lang namatay ito dahil sa T.B. Inabot n’ya sa ‘kin ang supot ng burger at soft drinks, sa ‘kin na lang daw, dahil patay-gutom ako hindi ako tumatanggi sa grasiya, kinain ko agad ito at tinanong ko siya, ”wala ka bang asawa’t anak?” Natahimik siya bigla dahil ang totoo kaka-break lang pala nila ng boyfriend n’yang Doctor din. ”Ah wala.”

Kaya biniro ko siya “kung gusto mo ampunin mo na lang ako o di kaya gawin mo akong boy sa bahay n’yo. Taga-buhat ng mga ipinamili mo o ‘di kaya’y taga-linis ng ospital, ano nga ba tawag dun? Janitor!”

Napatawa ko si Victoria ng mga oras na ‘yon, dala marahil ng katangahan ko, kaya naaaliw ito sa ‘kin.

Mag eleven pm na nang biglang lumakas ang ulan.  Nabasa kami pareho dahil hindi siya agad nakapasok sa loob ng kotse niya.  Mahinhin kasi itong kumilos, sexy kumbaga.  Dahil lumakas pa ang ulan at may kasamang kidlat isinama n’ya ako sa bahay nila.

Malaki, may swimming pool at marami silang magarang kotse, doon ko na rin nalaman na Victoria pala ang pangalan n’ya nang tinawag siya ng maid nito ng Doktora Victoria. Astig, kagalang-galang na tao pala itong nagdala sa ‘kin, isang Doktor.

Nang gabing ‘yon kinupkop n’ya ako. Nagsilbi akong boy sa bahay nila.  Kung minsan, isinasama n’ya rin ako sa mga lakad. Nagmukha na akong tao dahil ipinag-shopping n’ya ako.  Sa ‘kin natuon ang atensyon n’ya.  Wala namang naging problema sa mommy nito dahil likas itong matulungin.

Hindi naglaon, pinag-aral n’ya ako para maging Doktor.  Noong una ayaw ko dahil pakiramdam ko pinapakialaman n’ya ang buhay ko. Sinubukan ko ring maglayas at bumalik sa dati kung gawain pero si Victoria, hinahanap n’ya ako sa kahit saan mang sulok ng Maynila at pinapabalik sa bahay nila.

Isang araw, nagpunta kami sa Boracay at doon nag-stay ng tatlong araw.  Sabi n’ya sa Mommy niya, may seminar daw kaya n’ya ako isinama.  Pagdating namin doon, walang ka tao-tao. Private resort ang pinuntahan namin. Gusto n’ya pala ako masolo.  Doon ko nalaman, wala na akong kawala dahil ng mga oras na yun, tila naniningil na si Victoria sa lahat ng mga itinulong n’ya sa loob ng tatlong taon.

Nalaman ko na gusto niya ako. 18 na ako noon at mag 19 nang nangako siya na ibibigay n’ya ang lahat-lahat sa ‘kin.Napagtanto ko na tutal kaming dalawa lang naman, walang makakaalam nito. Pumayag ako sa gusto n’ya.  May nangyari nga sa ‘min at paulit-ulit itong nasundan kapalit ang lahat ng mga gusto kong bilhin. Kotse, pera, mga gamit sa school at sa laki ng matrikula ko, pinagbutihan ko ang pag-aaral ko at ang serbisyo na hinahanap ni Victoria ay pinagkaloob ko sa kanya. 23 years old na ako, halos malapit na ako makapagtapos noon ng malaman kong buntis siya sa edad na 47.  Dala marahil sa hiya sa sarili ko, ayaw kong panindigan ang pinagbubuntis niya.


  • hahahahahaahha lang kwenta sa umahan , pangit at mas lalong panapangit mo ang kwento mo kasi binitin mo hahahahahahahaa sa , ma karugtong to ganda kasi hahaha hahahah aan tayin ko ang karugtong nyan DR. more power and more blog stories okey ,10 points sayo

  • Ang Ganda ng Kwento, nung una di ko to pinapansin pero nung naunpisahan ko nang basahin bibilib ka sa kwento ng buhay nia 😀 kaso bitin sana may part 2!

  • honey22

    where is the part 2?

  • jerome

    PARANG AKO? KC GANYAN DIN AKO DATI AKO,PINULOT SA PUTIKAN NG ISANG MAYAMANG GAY,DATI AKO MACHO DANCER DAHILAN SA KAHIRAPAN SA BUHAY AT WALANG PINAG ARALAN NGUNIT MAY PANGARAP AY PINASOK KO ITO,NAKILA2 KO SI ALYSSON SA GAY BAR,REGULAR COSTUMER KO CYA AT ISANG ARAW AY NAKWENTO KO ANG LIFE KO SA KANYA,MABAIT CYA AT NAUBAWAAN NIYA AKO,BINAHAY NIYA AKO AT PINAG ARAL,HANGANG SA MAKATAPOS NG MEDICINE AT NGAYON AY DOCTOR NA ,MAYAMAN ANG PAMILYA NI ALVIN SILA MAY ARI NG ISANG KILA2NG AIRLINE D2 SA PINAS.ISANG ARAW AY NAGULAT NA LANG AKO SA SINABI NIYA NG MAG AASAWA CYA.NATAWA SA KANYA..PERO PINALIWANAG NIYA KUNG BAKIT..HUMANGA AKO SA KANYA..AT SA NGAYON AY MAY 2 KIDS NA CYA..AT AKO AY BINATA PA RIN AT MAY SARILI NG PROPERTY SA TULONG NI ALLYSON..

  • Aaron Paul

    I like it pero bitin nga..

  • berniesibal

    Very nice presentation since the beginning. Can’t wait for the next one.

  • lea

    50 shades of christian grey ikaw ba yan?

  • ella

    this literally cracked me up especially w/ d comment fr above “hayden & vicki”roflmao! ok babe wheres part 2? LOL!

  • nix

    ‘,.cant wait for the 2nd part 🙂