Happy Birthday!

Especially For You (Credits: especiallyforyouppkwallpepar.blogspot.com)
Birthday. Kung iisipin, isang salita lang naman siya, pero bakit sobrang lakas ng dating sa bawat tao, lalo na siguro sa mga bata. Para kasing ito yung araw na exempted ka sa lahat, yung tipong puwede kang magdrama, magmaasim, magmapakla, magmaguwapo o magmaganda, bawal magalit ang iba, kasi special day mo.
Kung tutuusin, isang petsa lang naman siya sa kalendaryo, pero bakit nga ba itinuturing natin ito na isa sa pinakaimportanteng araw sa buhay natin sa loob ng isang taon?
Ano nga ba ang birthday? Ilan sa napulot kong trivia ay mga sumusunod:
- The melody for the Happy Birthday song was first penned by two sisters, Mildred and Patty Hill.
- It is thought that birthday celebrations originated in the Roman Empire. And they were largely due to the prominent religion at the time, Mithraism, which was later supplanted by Christianity.
- Although you might celebrate your birthday every year, your actual birthday only occurs once every 7 years. Not counting the leap years, the date you were born on moves each year to the following day of the week. This means your annual celebration is actually for your birth date – not your birthday – and in truth your birth day (i.e. the actual day you were born on) occurs only every 7 years.
- Germans take birthdays very seriously, sometimes receiving a half-day of vacation. The most common gifts among friends include flowers and wine.
- In England, when you reach 80, 90 or 100 years of age, you receive a telegram from the Queen.
- In India, black and white gift wrapping is considered unlucky.
- The French and Italian celebrate Name Days more so than birthdays.
- In Korea, the two most important birthdays are the 100th day and the 60th year.
- In the Islamic world, green is a good color to use for wrapping.
- A Golden Birthday happens only once in a person’s lifetime. It happens when the person’s age and the date of the day they were born is the same.
- More people celebrate their birthdays in August than in any other month. The two other months in which birthday rates are high are July and September. (naku, kasali pala ko dito, bakit kaya madami sa August? Hmmmm kasi malamig ng bandang November at December? Hehehe na-gets mo noh?)
- The world’s largest birthday cake was created in 1989 it weighed 128,238 pounds, 8 oz. and used 16,209 pounds of icing. (kasarap siguro magswimming dito).
- The most common birth date is October 5 and the least common is May 22.
- The day of the week in which the most babies are born is Tuesday while Sunday is the lowest day.
- The Sultan of Brunei hosted the world’s most expensive Birthday Party to celebrate his 50th Birthday on 13 July, 1996. The cost was a whopping US $27.2 million. Three concerts featuring Michael Jackson costs US $16 million of the total amounts.
- William Shakespeare’s died on his 52nd birthday: 23 April 1616.
- Nga pala, kahapon birthday ni Jack Black (idol ko yan sa School of Rock at Kung Fu Panda), ngayon birthday ni Michael Jackson (kung buhay pa siya, kabirthday ko pala siya ^_^) at bukas birthday ni Cameron Diaz (galing nya sa Charlie’s Angels).
Sa kabila ng nalaman ko, iba pa din kasi pag sarili ko mismo ang magbibigay kahulugan sa birthday. Kung tama ang pagkakatanda ko, ganito ang alam ko sa birthday:
- Infants (0 months to 12 months) – wala, hindi ko matandaan kung ano ba yung first birthday ko at yung monthsarry ko (uso kasi sa amin na buwan-buwan pinaghahanda yung baby). Baka AM (sabaw ng sinaing) at condensed milk lang ang handa ko nun. ^_^
- Toddler (2 to 3 years) – dito, parang medyo may natatandaan ako (galing? Totoo, walang imbento?). Oo, ang tanda ko dito, laging may hotdog na nakatuhog, alternate with marshmallow tapos may pinya sa dulo, na nakatusok sa stem ng saging. Kumain ng kumain, ito yata ang kabuan ng birthday ko noon.
- Preschool (4 to 6 years) – panahon na ito, wala akong pakialam sa handa. Basta may lobo, may cake at ice cream, alam ko na birthday ko. Kapag may kulang, siyempre malungkot, kasi parang hindi ko birthday. Nakulong ang isip ko, na kapag birthday, dapat parang magic, mayroon lahat ng gusto kong pagkain.
- Schoolage (7 to 11 years) – ang alamat na Jabi at Mcdo birthday years. Ito din ang panahon ng Children’s Party. Hindi man yearly ginagawa, pero ang birthday noon ay pagpunta sa Mcdo o Jabi (Jollibee). Pagbili ng Kiddie Meal, chicken joy meal na may kapiraosng kanin at matabang na coke, kasama ang isang maliit na laruan na dahil sa commercial sa TV ay akala ko noong bata ako ay sobrang ganda. Kung dati, isa-isa lang ang bili, pero dahil birthday, collect ang type ng purchase. Kukumpletuhin ang apat na laruan sa isang bilihan lang, birthday eh.
- Adolescence (12 to 18 years) – ito ang panahon na nagsimula akong mamulat sa kumplikadong mundo na kinalalagyan ng tila panaginip na birthday. Ang realidad ng mundo, na ang lahat pala nang kiakain ko sa birthday ko ay hindi magic. Panahon ito ng pagtatampo, panahon ng paghiling at paghahanap. Para sa akin noon, birthday ko kapag nabili ang hiling ko. Hindi naman ako yung tipo na magwawala at maglalaslas ng jugular vein kapag hindi naibigay ang gusto ko, pero aamin ko, na kapag hindi siya naibigay, talagang may tampo.
- Young Adulthood (19 to 24 years) – pagtuntong mo sa edad na ito, para kang pumasok sa isang kalsada na may nakalagay na “Welcome to the Real World”. Dito ko na yata naranasan na isang tasang sopas na malamig pa sa ilong ng pusa ang handa. Dito ang birthday ay katumbas na nang lihim na paglilibre mo sa ilang piling kaibigan ng ulam at kanin (with extra rice kung nakakaluwag-luwag) sa suking karinderya. Dito ang birthday ay katumbas din ng kalahating case na Red Horse o San Mig Light. Wala ng lobo, wala ng ice cream, wala ng cake, wala ng garbo, pero hindi mo naman masasabi na kulang sa saya.
Eh ano nga ba kasi ang punto ko sa paggawa ng note na ito, oo nga birthday ko, tapos? Ganun lang dapat may notes na? Ano pa bang kailangang mangyari? Ewan ko nga din ba kung bakit ginawa ko pa ito. Nakasanayan na din siguro, na taon-taon, basta magdidiwang ako ng kaarawan, gumagawa ako ng isang article, parang regalo ko na sa sarili ko, na kahit ngayon lang, hayaan naman na ako muna ang bida, tutal birthday ko naman.
Isa pang ginagawa ko, sa gabi ng bisperas ng birthday ko, nag-iisip ako, sino ba ako noong August 29 last year at August 29 ngayon. May nagbago ba? May nag-iba ba? Tumatanda lang ba ako sa numero na wala namang itinatanda sa aspeto ng pag-unawa sa buhay?
Kung aral sa karanasan, hitik yata ang nakaraang taon para sa akin. Akala ko dati, matured na akong tao, na natutunan ko na ang karamihan ng aral sa mundo, ng karamihan ng dapat matutunan ng tao upang mabuhay at makisalamuha sa kapwa niya. Mali pala ako, haggang hidi pa tapos ang paglalakbay mo, hindi matatapos ang pagkatuto. May mga bagay na dadating na magpapabago sa bawat paniniwala na mayroon ang tao, may mga pangyayari na maaring magpabaluktot, magtuwid o umiba ng porma ng pagkatao mo, at lahat ito kasama sa pagiging buhay.
Alam mo ba na maaring saktan ka ng taong pinakamamahal mo? Na mas masakit pala kapag malapit sa puso mo ang nakasakit sa iyo. Alam mo din ba na mahirap bumangon, pero kaya mo dapat, dahil ang totoong nakalaan sa’yo, lumalaban para magkatotoo ang love story nyo.
Alam mo ba na kahit milya ang pagitan ng kaibigan mo sa’yo, kaya pa din nilang iparamdam na nariyan sila para sa’yo? Na kailanman, hindi pala dahilan ang pisikal na distansya para maiparamdam ang pagpapahalaga. Na hindi hadlang ang time difference, na hindi hadlang ang mahal na call rates, o paos na boses at magang eyebags, para ipaalala nila sa’yo na hindi ka nag-iisa.
Alam mo ba na ang totoong kaibigan, hindi mo kailangang araw-araw na kausap, hindi kailangan na araw-araw nakikita? Alam mo ba na sa oras na makita mo ulit sila, alam nila kung saan magsisimulang ituloy muli ang samahang mayroon kayo mula pa noong una?
Alam mo ba na ang pamilya, nakakasar minsan sa kakulitan? Na minsan, sila pa ang numero uno mong nakakaaway, na sila pa ang una sa’yo ay mang-aasar. Pero alam mo din ba, na sila lang ang matitira sa iyo, kapag iniwan ka na ng buong mundo na dati mas iyong sinasamahan?
Alam mo ba na kahit kailan, hindi ka pinabayaan ng Diyos? Alam mo ba na may plano siya, na kung matuto ka lang sumunod at magtiwala, sa kabila ng lahat ng pangit na sumasalubong sa daan mo, hindi mangyayari na ikaw ay mabibigo. Basta nakahawak ka sa kanya, hindi ka maliligaw kahit saan mang dako.
Ang may birthday daw, tipikal na tinatanong kung ano ang gustong regalo? Eh hindi ba birthday ko? Hindi mo ba ko tatanungin kung ano ang gusto kong regalo?
Hotdog na nakatusok sa stick na may kasamang pineapples chunks at marshmallow?
Hindi na siguro.
Lobo? Cake? Ice cream?
Kahit wala na.
Kumpletong collectibles ng Kiddie Meal at iba pang laruan gaya ng baril-barilan, espada at blower?(teka, bakit may naligaw na blower?)
Hindi ko na din kailangan.
Isang case na Tanduay Ice na may kasamang pulutang Leche Flan? (Amag na pulutan oo, pero gusto ko yung pulutan? ^_^)
Allergic sa alak eh.
Bagong cellphone para mapalitan na yung Nokia 5110 mo? (teka, pag-isipan ko ha, seryoso ba yan? ^_^)
Ang totoo, ok lang kahit wala.
Ang totoo, nauna na lahat ng regalo ko, naibigay na unti-unti ang mga regalo ko sa pagdaan ng mga araw. Siguro, ngayong araw na ito, ipagpapasalamat ko na lang lahat sila.
Na malusog ako, na kahit minsan, sa habang ng lagpas dalawang dekada na buhay ako, kahit minsan hindi pa ako nadala sa hospital.
Na kumpleto ang pamilya ko, buo at nagkakasundo. Isang napakalaking regalo na sila ang pamilya ko, isang pamilya na nagbabago ang roles depende sa sitwasyon. Minsan kami ang magulang at sila ang nakikinig, minsan jowa, minsan barkada.
Na mayroon akong mga totoong kaibigan. Na sa kabila ng lahat ng nangyari, sa kabila ng pagiging busy sa bawat buhay na pinili naming tahakin, hindi namin nakakalimutang lumiko sandali at hanapin ang landas patungo sa isa’t isa.
Na mayroon ako brad. Na sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin, nanatili siyang mabuti sa akin. Sa kabila ng paminsan-minsang tampuhan, bumabalik pa din sa dati ang lahat. Isa sa pinakaespesyal na tao sa buhay ko, dasal ko lang, sana dumating ang tamang pagkakataon, sana umayos ang timpla ng sitwasyon.
Na mayroon akong bagong pamilyang nakagisnan, mga dati ay hinahangaan ko lang na magagaling na blogger, ngayon ay tinanggap akong buo na para bang matagal na nila akong kilala. Na para bang dati na akong miyembro ng pamilya. Nagkaroon ng bagong mommy, bagong mga ate, bagong kuya at kapatid na babae at lalaki. Mga taong nakaunawa ng hilig ko sa pagsusulat, mga taong kamukha ko ng pinaghuhugutan. Salamat po sa inyo.
Wala na yata akong nakalimutan, ang haba na, tatapusin ko na dito. Sige, babye! ^_^
Biro lang! Siyempre kayo, mga bagong nagpapangiti sa akin. Ang mga matiising mangbabasa ng page na ito. Mga amag, mga kabute, mga mushers, mga readers, mga likers (isama ko na din yung mga napadaan, mga napilitan, mga nag-unlike at mga grabber… hehehe bitter? ^_^). Pero seryoso, sa bawat papuri na binibitawan ninyo, nakakataba ng puso (ang taas na nga yata ng cholesterol ko),salamat at may mga taong naniniwala na may kakayahan ako, na may sumusuporta, hindi ninyo alam kung gaano sumasaya ang hamak-na-amag-na-taong ito. Salamat po! (with bow at raised hands)
Masaya na ako dati na mabasa ng iba ang gawa ko, bonus na lang kung mapuri, pero mabait ang Diyos dahil binigyan niya ako ng pagkakataong maging bahagi ng ilang libro. At alam ko, dadating ang panahon, matutupad din ang pangarap ko na magkaroon ng sariling libro, yung matatawag ko na akin na talaga. (may paparating po ulit na book, compilation ulit, hehehe nag-plug? ^_^)
At higit sa lahat nang ipagpapasalamat ko, ang nalalapit kong pag-alis ng bansa. Sana, maging maayos ang lahat, salamat sa bagong oportunidad, salamat sa pagkakataong mapalawak ang mundong ginagalawan ko, salamat sa pagkakataong mapaunlad pa ang sarili ko.
I may had enjoy my life last year, but will you stay awhile and help me rock the coming years? Hanggang sa susunod na taon, salamat sa pagbabasa, sa pagtambay, sa pagtitiis sa matagal na sequels, sa pagtitiyaga sa mabagal ng pacing ng mga chapters, salamat sa pakikinig, salamat sa pag-unawa sa topak, sumpong at sumbong… salamat sa pagiging kaibigan, kahit hindi ko man kayo maisa-isa, alam nyo na sinsero ang pagpapasalamat ko…
Salamat at binasa mo ito… kahit parang wala itong kwenta! ^_^
Mga-sulat-kamay plus one year
29th August, 2012
12:00 AM
©Copyright 2012, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.
You may also like these articles:
Kwentong Online 2: Long Distance Relationship
On Losing Virginity
Ms. Behavin' : On Living
Ang Tamang Landas
You Made Me Live Again ( Part 2 )
Key Chain
Presence
A Soldier's Wife






