INIDORO BLACK HOLE
(a tunnel to a new world)
Episode 1: Nasaan ako?

Umaga, 7:00, gaya ng nakaugalian, umupo ako sa puting ceramic kong trono bitbit ang diyaryo.

“China sinakop na ang kalahati ng Palawan. Sinasabing sa kanila rin daw ito,” eto ang nakalagay sa balita na ikinamura ko at ikinalabas ng ebak ko na sobrang tigas, sintigas ng mukha ng mga intsik.

SYEEET! Ano na nangyayari sa Pilipinas?

Pagkatapos ng pagkasabi ko nun, biglang may kung anong puwersa humatak sa akin papuntang kaloob-looban ng inodoro. Para akong vinacuum. Hinigop ng isang black hole.

Lumagapak ako pababa na animo’y inihulog sa kung saan.

Ang gagara at ang tataas ng building. Para akong nasa makabagong panahon. Napansin ko na ang mga sasakyan ay nagliliparan. Mga kotseng lumilipad. Ang mga tao may kakaibang suot at bawat isa sa kanila ay may alalay, mga taga-bitbit ng kanilang dalahin na kahit magaan ay pinapabitbit pa rin sa alalay. Nakanganga ako na pinagmamasdan ang lahat.

May tumapik sa akin…. Hoy! Bakit ka tulala at bakit ganyan suot mo? Saan ka galing? Taga LT ka ba? Pero kayumanggi k , lumang pilipino ka siguro na nanggaling sa nakaraan at dinala ka dito ng blackhole na may mangilan-ngilan na ininstol noong panahon n’yo.

Gulat at napakamot sa ulo, ‘di ko maintindihan ang mga pinagsasabi ng taong to. Ano yung LT? Ano ung Lumang Pilpino? Ako luma? Blackhole? Oo, Pilipino ako, pero ano’t naging luma? Lahat iyon ay tanong sa aking isip.

Halika, dadalhin kita sa aming bahay; bawal ang ganyang suot dito pagkat maharlika ang turing sa mga Pilipino. Bibihisan kita nang naayon sa panahong ito. Sa panahong 2997.

SYEEEET 2997 ba kamo? Eh di ba 2012 lang ngayon? Abnormal ka ba?

Wag ka nang magtaka dahil ikaw ay mapalad na nakadaan sa black hole at mapalad na mabisita ang future. Ang Golden Age ng Ne0 Philippines.

Hindi ko napansin bitbit ko pa pala ang diyaryo na binabasa ko kanina sa banyo.

Hahahaha! Lumang-luma na yang balita na yan. Kita mo ‘tong intsik na to. Mula ito sa mga lahi ng intsik sa panahon n’yo.

Ikukuwento ko ang lahat-lahat pagdating natin sa bahay ko.

Wala nang naglalakad sa mga kalye maliban sa mga intsik. Pagkat ang mga side walks ay parang escalator na umaandar. Kusa nang umuusad ang mga Pilipino at eksklusibo lang to sa mga Pilipino. Ang intsik naman ay naglalakad kahanay lagi ng mga Pilipino. Ito ay dahil para madali silang utusan kung kinakailangan.

Nandito na tayo, aking kaibigan.

Namangha ako sa kakaibang disenyo ng bahay niya. Talagang kakaiba.

Sa loob ay pinakain at pinainom niya ako. At nagsimula nang magkuwento. Mula noon hanggang ngayon.  Mula una hanggang simula ng pagkabuo ng Neo Philippines at ang pagbagsak ng Tsina.