Words that hurt (Photo Credit: (Photo Credit: Newdoc.wordpress)

“Pupunta ka ba sa birthday ni Maricel mamaya?” masayang tanong ko sa kanya.

“Hindi sana kaso ilang beses na niya akong inimbita, nakakahiya naman kung hindi pa ako pupunta.  Ang dami dami ko pa namang kailangan tapusin” pabuntong-hininga niyang sagot.

Sumaglit ka na lang para wala namang masabi yung tao. Uwi ka na lang din agad.  Alam naman niya na busy ka. Sa Metro na lang tayo magkita ha?” tuloy tuloy kong sabi.

 “Magbus na lang tayo pauwi sa inyo” sagot niya.

“Magbubus ka ba pauwi?” tanong ko.

“Hindi ka na naman nakakaintindi e!!!   Sabi ko, sa Metro tayo magkita, pero magbubus tayo pauwi sa inyo!!!  Naiintindihan mo na ba ang sinasabi ko?” paangil na sagot niya.

“Opo. Sige na, kita na lang tayo mamaya. Busy ka, marami ka pang gagawin” malungkot kong sabi. “Bye, I love you” dagdag ko pa.

And then he hang up the phone.

Aray ko!!! Nasoplak na naman ako.

Sa ilang araw nang nakakaraan, palagi na lang mainit ang ulo niya sa akin.
Minsan, naiisip ko na sinasadya na lang na inisin ako. Sinasadya na lang na saktan ang damdamin ko para tuluyan na akong bumitaw.

Palaisipan na sa akin ang biglaan niyang pagbabago.
Nag-aalala na tuloy ako.  Ayaw ko man isipin….  Minsan naiisip ko na baka mayroon na siyang ibang mahal.

Kung anong dalas ng pagkikita namin before, siya namang dalang ngayon.
Kung gaano kami kasweet dati, siya namang biglang panlalamig niya.
We used to be so happy together.  I miss those times hearing his laughter especially if I make banat some corny jokes.

Now, I hardly see him smile.
Mas madalas mainit ang ulo niya when we are together.

Hindi naman ako perpektong tao. Self proclaimed jealous type girlfriend ako. Dati nasa lugar naman. Pero nung dumating yung time na hindi lang dalawang beses siyang nadapa, naghigpit ako. Siguro dahil sa nasaktan lang ako.  Natakot na baka tuluyan siyang maagaw ng iba sa akin.
I lost my self confidence realizing that after giving him my all, it is that easy for him to replace me.

Minsan kapag nang-aaway siya, I opted not to say anything. Kahit minsan ay masakit na.

“Umiral na naman yang katangahan mo…”

“Huwag ka na ngang magsalita diyan ,dahil wala ka namang alam…”

“Alin, nakakarelate ka sa kuwento ng buhay mo… (while watching Kung Akoy Iiwan Mo)”

“May kasama ka sigurong lalaki diyan sa kwarto mo…”

“Masakit ba ang ipaalala ko sa ‘yo ang nakaraan mo… “

“PI, G*** ka!!!…”

Kada isang salitang binibitawan laban sa akin, pasok at labas sa magkabilang tenga ko.

Bakit? Kasi mahal ko siya.
Naintindihan ko na minsan, pagod lang siya sa trabaho.

Pero yung madalas na pang-iinsulto niya sa akin nitong mga nakaraang araw… Parang sinasadya na lang.

All through out our relationship, I have been very careful not to say something that will offend his feelings. Ayoko ko din kasi na na-ooffend ako in return.

If I have to talk back, I choose my words.
Or if I can’t say anything nice, I prefer not to say anything.

Sa dalas naming mag-away ngayon, punong-puno na ng hinanakit ang dibdib ko.

In all the hurting words he managed to say to me, I remained quiet.

I remained faithful, sweet, caring, loving and loyal to him.
For how many times had I asked kung mayroon nang iba.
He denied it.
But why the sudden change.
Sa maliliit o malalaki mang bagay na gawin ko para sa kanya… Deadma na lang.
Yung ipagluto, ipagplantsa at alagaan mo… I hardly hear the words thank you.
No more compliments, no sorry for the harsh words na binabato niya sa akin.

Sabi nila real love is knowing someone’s weaknesses and not taking advantage of them.

Knowing their flaws and accepting who they are.
Kapag nagmahal, kadalasan nagiging pipi, bingi at bulag tayo sa sobrang pagmamahal natin.

Buong puso, atensyon at oras ibinubuhos ko sa taong mahal ko.

I never cared about what others would say and think about the person I had fallen in-love with.
Hindi naman nila maibibigay ang kaligayahan ko, di ba?

Sabi nila mahirap lumugar sa taong wala namang lugar para sa iyo.
Pero mas mahirap kung nilugar ka nga niya, hindi mo naman alam kung saan.

Gusto ko ulit maramdaman yung saya na naramdaman ko bago kami naging ganito.

Yung mga araw na nag-uumpisa pa lang kami.

Yung mga araw na masaya kami…

Yung walang umeeksena at walang sumisingit…

I don’t really need someone to complete me…
I just need someone who will accept me completely.

Siguro hinihintay ko na lang na mapuno ako…
Kasi minsan, yung masasakit na salita galing mismo sa iyong minamahal…

Yun ang magpapatigil ng katangahan ko…

Kung matagal ka nang naghohold on sa isang tao at wala pa ding nangyayari…
Hindi let go ang solusyon… kundi acceptance.
Acceptance na siguro ganoon talaga ang ugali niya.
Na siguro kailangan pang magpasensya at umunawa.
Hangga’t kaya mo…
And if he still can’t see your worth…
At masyado ka nang nasasaktan at nahihirapan…
Then last option is to let go…

At kung gumagawa siya ng paraan na iwanan ako..
Bibigyan ko siya ng dahilan para pagsisihan ang ginawa niya sa huli.