(Photo Credit: Harmonyhouseblog)

Napakalaki ng hinahawakang reponsibilidad ng isang Ina sa kanyang pamilyang kinabibilangan. Hindi lamang ito isang posisyon na dapat gampanan, kundi isang misyon habang siya ay nabubuhay bilang isang ina ng kanyang mga anak. Tinaguriang ilaw ng tahanan na magbibigay ng liwanag sa bawat mimyembro ng kanyang pamilya.

Bilang asawa! Kailangan bang ang babae lagi ang magpapaubaya sa lahat ng mga desisyon o mga responsibilidad?

Kung ano ang sabi ng asawa, siya na lang lagi ang tama? Hindi ba puwedeng pakinggan ang side ng babae?  Dahil ba ikaw ang padre de pamilya, ikaw ang dapat sundin? O kailangan pag-usapan n’yong dalawa dahil kayo ay magpartner kung ano ang mas makakabuti?

Sa isang ordinaryong babae na tagasunod sa asawa, oo, puwede! pero paano kung asawa mo ay tipong may sariling pag-iisip at hindi nakakulong lamang sa apat na haligi ng inyong tahanan???

Minsan naman maging sensitive kayo sa nararaamdaman ng inyong partner, hindi dahil nasa bahay lamang ang ilaw ng tahanan, maalwan na ang kanyang buhay.  Baka’ di n’yo alam ang hirap ng isang plain housewife???? Gigising nang maaga, magluluto, maglalaba, maglilinis ng bahay at aasikuhin ang mga anak sa pagpasok at kung mayroon namang maliit pang anak, abala din sa pagpapadede dito.

Tapos pagdating mo sa hapon, imbes na lambingin ang asawa at tulungan, sasabihan pang.. “bakit hanggang ngayon hindi ka pa naliligo?” Paano makakaligo? Nang tulog ang bata ay naghugas naman ng mga plato.   Nang magising, sino ang magbabantay, ang kapitbahay? Kung may nangyaring masama d’yan, sino ang sisisihin? Ako at ‘di ko binantayan??? Wala nang masuotan ah ah ah Madali ang magsabi kasi hindi n’yo nararanasan. Isa lang po ‘yan sa mga katotohanan sa isang maybahay!

At kung pareho kayong professional, ok lang na mag-alaga ng anak si babae at tumigil sa bahay kung kaya mo silang buhayin, pero kung hindi mo naman kaya, puwede bang tumulong na si babae? Hindi naman ‘yon kabawasan ng pagkalalaki mo kung nagtratrabaho siya! kaya nga mag-asawa kayo, magtutulungan at huwag kayanin ang hindi kaya ng isa!

Bilang Ina! Walang ina ang hindi iniisip ang magandang kinabukasan ng kanyang anak, at walang ina na nanalangin na maging masama ang kanyang anak. Lahat ng ina, gustong mapakaganda ng buhay at maging mabuting tao ang kanyang anak. Pero bakit kapag naging matigas ang ulo at may nakitang pangit na ugali sa inyong anak, sa ina ang sisi????

Ang hirap talagang maging ina…. tsk tsk tsk

Inhale.. exhale.. tapos na po, salamat!