thinking woman (Photo Credit confidenceandjoy)

Ito ang kauna-unahang pagsusulat ko, may konting kaba sa dibdib ngunit excited rin naman, hindi kasi ako isang writer, gusto ko lang mapabilang  sa mga bloggers ng DF.

Tawagin nyo na lang ako sa pangalang NICELY, parang kailan lang isang taon na rin pala ang nakalipas nang bumalik sa aking alaala ang nakaraan.

Dalawang buwan pa lang ako sa abroad noon sa bansang KAZAKHSTAN. May isang kaibigan ako sa Pinas, si Ate Bel.  Hindi ko inaasahan na may ipakikilala siyang lalaki sa akin sa Facebook si MER, at sa QATAR s’ya nagtatrabaho, isang kaibigan na naghahanap daw ng girlfriend. hahaha Natawa naman ako sa sinabi ni Ate Bel, naging magkaibigan kami n MER sa Facebook; ask n’ya kung may boyfriend ako, sagot ko naman, wala akong boyfriend at nanligaw nga s’ya sa akin, hindi ko inilihim kay Ate Bel ang panliligaw ni MER.

Kay Ate Bel ako nagtatanong tungkol sa pagkatao ni MER kasi kilala n’ya na ito.  Mabait naman si MER.   Hindi ko pinatagal ang panliligaw n’ya at sinagot ko s’ya noong February 13. Ang saya ko noon kasi s’ya ang first boyfriend ko sa Facebook at Valentines Day pa kinabukasan. LOL.

Lagi kaming magkausap sa chat at lagi s’yang tumatawag, kinikilig ako sa tuwing nagpapalitan kami ng I MISS YOU, I LOVE YOU, na may kasamang hugs and kisses hehehe…  Umabot ng apat na buwan ang aming relasyon, nirerespeto at sinusunod ko ang mga ayaw n’ya: katulad ng hindi ako puwede magpost sa wall ng Facebook n’ya.

Minsan sinubukan kong magpost ng ‘love quotes’ ngunit inerase n’ya agad, nasaktan ako sa ginawa niya, kaya simula noon hindi na ako nagpost sa wall n’ya, bihira ko lang tingnan ang Facebook n’ya dahil wala naman akong kalayaan na magcomment at magpost sa account n’ya.

Doon ko naramdaman na hindi n’ya ako mahal at may itinatago s’ya sa buhay.  Sumapit ang buwan ng HUNYO.   Kinausap ako ng amo ko na hindi na nila ako kailangan, pinapili ako kung uuwi ako ng Pinas or hahanap ako ng ibang amo.

Sinabi ko kay MER ang tungkol sa pag-uwi ko ng Pinas, kaya nagdesisyon din siyang umuwi ng Pinas at magbakasyon para magkita kami nang personal.  Noong time na ‘yon, nagtatalo ang puso at isipan ko sa FAMILY, WORK, at LOVE. Iniisip ko family ko; paano na lang kapag uuwi ako.  Wala akong sapat na ipon, ilang buwan pa lang kasi ako noon sa abroad. Iniisip ko rin na wala akong trabaho sa Pinas kapag umuwi ako.  Iniisip ko rin si MER, mahal ko s’ya, ngunit may patutunguhan ba ang relasyon namin sa pagkikita namin? Gayong hindi ko ramdam ang tunay na pagmamahal n’ya?

Kaya minabuti kong ‘wag umuwi ng Pinas.  Sa awa ng Diyos, may bagong amo akong nakita.  Sinabi ko kay MER na hindi ako uuwi ng Pinas at kung may ibang babae s’yang makita sa pag uwi n’ya, okey lang sa akin kung sa ikaliligaya naman n’ya.

Umuwi nga ng Pinas si MER, naghintay ako sa text n’ya, pero ni isang text ay wala man lang akong natanggap.  Tatlong linggo na s’ya sa pinas nang magtext s’ya at sinabi n’ya na may ibang gf na s’ya.  Wow, sobrang sakit; hindi ko napigilang umiyak. Nagkita at nagkausap sila ni Ate Bel at ang sabi n’ya ” AKO DAW ANG MAY MALI.” Parang ipinagtatabuyan ko daw s’ya sa iba, kaya sa tuwing naaalala ko yon, lagi kong tanong sa sarili ko,
AKO BA TALAGA ANG MAY MALI?
o sadyang hindi n’ya lang ako tunay na mahal?