Love Story(Photo Credit:  Brittlepaper)

Tama po itong nabasa ninyo; may LOVE STORY nga na umuusbong dito sa Definitely Filipino! Sa walong buwan kong naging writer at blogger dito, unti-unti kung nakilala ang mga writers sa likod ng kanilang mga akda. Madalang lang akong magsulat ng mga temang PAG-IBIG, ang love story lang namin ng aking Mister ang naisulat ko na. Di rin ako mahilig sa usapang Pulitiko dahil isang beses pa lang akong nakaboto!

Pero, ‘di ako bulag at bingi sa mga issue ng kurakutan ng pamahalaan.  Sadyang hindi ko lang maisulat dahil wala akong sapat na impormasyon, at mahirap nang mabatikos sa isang artikulo na walang sapat na ebidensya! Pero, kung usapang OFW, d’yan ay marami akong alam, kaya kadalasan sa aking naisusulat ay ang buhay-pakikipagsapalaran ng ating mga kababayan sa mga bansang dayuhan.

Di ko akalain na mapasama ako sa grupo ng DFBI o kilala sa DF BLOGGER’S INT’L. ang samahan ng mga magagaling na mga writers ng DF!   Labis akong napahanga;  akala ko kasi na ang mga sumulat sa articles na aking mga nabasa ay malalaking tao at matatanda na! hahaha…Utak pala nila ang matanda at malaki dahil parang anak ko lang pala ang iba!

Sa simpleng palitan ng mga messages na aabot minsan ng 1000, hirap mag- read back, sa tulad kong cp user lang! Laging linya ay
“HELLO,ATE JOVS!”  “HI SIS!”  “VIRAL KISS MJ MWAHH!” “BYE GUYS! GOOD NIGHT AT GOOD MORNING!”Mga pagbati ng bawat isa.

Sa tagal ng palitan ng mga messages ay nakaagaw-pansin sa akin ang dalawang nilalang! Iba kasi ang palitan ng mensahe ng dalawa! Parang may tinatago na dinaan sa biruan ng grupo! Tama nga ang duda ko! Dahil sa linyang ito ni Mr. Romantiko, dito na nabuo ang hinala ko na may nililihim na pagsinta ang dalawa!

MR. ROMANTIKO:   Sann ka galing? Na-miss, Black Bangs!

BLACK BANGS: Gumala kami ni Master Kung Fu!

MR. ROMANTIKO: Selos ako! Walang ganyanan!

BLACK BANGS: Bakit?  Nanliligaw ka ba? Si Mr. Sulat-Kamay lang naman ang gusto ko!

Bigla nang umalis sa usapan si Mr. Romantiko at nagsimula ang tuksuhan ng dalawang masugid din na may gusto, si Master Kung Fu at Sulat Paa kay Black Bangs, sa palitan ng messages ng tatlo hanggang basa mode lang ako.

BLACK BANGS: Sana tatlo ang puso ko, para ibigin ko kayo nang sabay-sabay!

MASTER KUNG FU: Puwede ka naman mamili kung sino ang mas matimbang sa puso mo!

SULAT-KAMAY: Huwag ka lang magdala ng timbangan ng gulay, Black…  Pero, kung si Mr. Romantiko ang pipiliin mo, kami na lang dalawa ni Master Kung Fu ang mag-on!  Payag na lang ako!  lol

BLACK BANGS: Hahahaha Sa tingin ba ninyo, love talaga ako ni Mr. Romantiko?

Napatalon ako nang mabasa ang linya ni Black Bangs, sabi ko na nga eh! Pasado na ako na papalit kay Madam Auring! Labis akong kinilig nang biglang bumalik si Mr. Romantiko at agad na sinagot ang tanong ni Black Bangs! Kahit hirap ang connection ko pilit ko talagang binuksan ang usapan, ayaw kong mahuli sa sagot ni Mr. Romantiko:

MR. ROMANTIKO: Kailangan pa bang sabihin ang katagang “Mahal kita, Black bangs?   Di mo ba naramdamanang aking mga banat sa bawat akda na aking isinulat?  Noon pa kita gusto!  Kaso, may dalawang hadlang sa puso mo!

BLACK BANGS: Kay tagal kong hinintay ang katagang iyan na ikaw ang kusang magsabi mismo sa akin.  Kay tagal kong pinanabikan na madinig ang linyang iyan!  Kung alam mo lang sana!

MASTER KUNG FU/SULAT-KAMAY: Na ano, Bangs?  Saksi kami!

BLACK BANGS: Si Mr. Romantiko ang gusto ko, hindi kayo!

MR. ROMANTIKO: I love you, Black bangs!

BLACK BANGS: Sa inbox mo tingnan ang sagot!

Lakas ng tawa ko sa usapan ng apat na makukulit na mga writers! Di ko akalain na madala pala sila sa isa’t isa sa mga blog na naisulat nila! Isang damdamin na estranghero na nabuo sa pagiging magkaibigan, hanggang lumalim ang isang damdamin na may kasamang LOVE na tumama sa dalawang manunulat!

Sa bawat kuwento na kanilang ibinahagi ay may isang tao na lalong nagbibigay ng inspirasyon sa mga blogs na ating nababasa mula sa kanila. Masaya na ako na laging mabasa ang nakakaaliw na usapan ng grupo!

Isang samahan na binuo ng isang respetado at mapagmahal na Mommy! Isang ulirang ina ‘di lang sa sarili niyang pamilya kundi pati na rin sa amin. Taos-puso ang aming pasasalamat na may isang MJ na gumabay sa amin para mapahusay ang aming akda! VIRAL KISS PO, MOMMY…. MWAWWAH!

Di lang sa galing ng paggawa ng mga articles ang mga anak ng DF kundi BEAUTY and BRAINS ang lahat; ang mga nakatagong talentong ‘di pa lang nadidiskubre! Dahil hindi lang sa paghawak ng papel at ballpen ang kayang ipamalas.  Iyan po ang ating aabangan at ang LOVE STORY ng dalawang writer na akin ding hinahangaan sa mga akda na hindi lang ako ang kinilig kundi tayong lahat!

Aabangan ko ang nasimulan nilang pag-ibig; baka sa susunod si Mr. Romantiko na ang susulat sa susunod na kabanata, ang mensahe na nakasulat sa private message! Na sila lang dalawa ang nakakaalam! Kung saan hahantong ang pag-iibigan ng dalawa, iyan ANG ABANGAN… sa SUSUNOD NA KABANATA!