Everlasting Love (Photo Credit: textforfree.net)

Hatinggabi na at hindi pa rin dapuan ng antok si Nicole. Magkahalong sakit ng ulo at namumugtong mga mata dulot ng ilang araw nitong pag-iyak.

Dalawang buwan na ang nakalipas nang makipaghiwalay sa kanya ang nobyong si Carlo. Nasaktan ito nang todo dahil sa unang pagkakataon, ang nobyo nito ang nakipaghiwalay.  Magda- dalawang taon na rin sana sila sa susunod na buwan. Dinamdam ito ni Nicole. Hindi niya akalain na makikipaghiwalay ito noong araw na pinagdiwang nila ang 1 year and 8 months ng kanilang pagsasama bilang magkasintahan.

Si Carlo ay mabait at matiyagang nanligaw sa kanya sa loob ng 8 buwan. Noong una, ayaw ni Nicole sa kanya. Pinsan kasi si Carlo ng una nitong naging nobyo. Matagal narin silang magkakilala pero, ginawa ni Carlo ang lahat para mapasagot lang si Nicole.

“Nicole, mahal na mahal kita, sagutin mo lang ako, at hindi kita sasaktan.” Ang mga pangako ni Carlo sa kanya, kaya niya ito sinagot.

Pinaniwala niya ako, niloko at sinaktan pagkatapos ng tiwala na binigay ko sa kanya. Siya pa ang nakipag hiwalay! “Shit ka Carlo! I hate you!! “ Pabulong nasabi ni Nicole, nang biglang tumunog ang cellphone nito.
“Hello Nicole.” Mensahe ni Carlo. Biglang kumabog ang dibdib nito magkahalong inis at saya ang naramdaman niya. Ito ang unang text ni Carlo pagkatapos nilang mag break. Hindi alam ni Nicole kung mag-reply ba siya o hindi. Dahil sa inis nito, nakatulog siya na masama ang loob.

Kinabukasan pagising niya nakita niyang marami palang text at missed calls si Carlo.
Mga text na nagsasabing. “I miss u. Magkita tayo bukas.”
Nabuhayan ng loob si Nicole sa mga text ni Carlo, kaya napangiti ito at sinunod ang gusto ni Carlo at nakipagkita ito sa ex-boyfriend.

15 minutes late si Carlo kaya’t naghintay si Nicole. Sa pananabik niyang makita ang ex, hindi ito nakaramdam ng pagka-inip. Guapong guapo ang binata kahawig ni Richard Gomez matikas at bumagay sa kanya ang suot nyang puting polo nang makita siya ni Nicole, na papunta sa table nito.
“Hi Nicole! Sorry I’m late.”

Nadurog ang puso ni Nicole nang ipinakilala ni Carlo ang kasama niya, si Jen bagong gf niya. Maganda ito, sexy at mukhang palaban. Hindi mawari ni Nicole ano bang kahibangan ang ginagawa nito sa kanya at pinakilala pa sa kanya gf.

Bigla itong tumayo nakangiti at nakipagplastikan. Nagpaalam ito agad na uuuwi na. Sinundan siya ni Carlo sa parking lot. Umiiyak si Nicole habang lumalakad. May halong lungkot at at sama ng loob.

Nagsalita si Nicole at sinabing, “Ang kapal ng mukha mo! Bakit mo ginagawa ito sa akin? Bakit Carlo? Nakipagkita ako s ayo dahil akala ko may balak kang makipagbalikan. Carlo, mahal pa rin kita hanggang ngayon, pero ayoko na maging tanga pa!”

Bigla siyang niyakap ni Carlo at hinalikan at sinabing “Mahal din kita Nicole.” Hindi ko pala kayang mabuhay na wala ka. Huminto ang mundo ko sa dalawang buwan na wala ka.

Lingid sa kaalaman ni Nicole, si Jen pala ay kinontrata ni Carlo na magpanggap na gf nito. At sapat na ang dalawang buwang pag-iisip ng binata kung si Nicole ba talaga ang karapat-dapat na babae para sa kanya. Nang gabing yon, inamin ni Carlo kay Nicole. ang katotohanan na hindi totoong may gf siya. Sinadya niyang utusan ang bestfriend ni Nicole na sabihing may gf na ito, nang sa ganun ay kalimutan na siya. Pero mahal nila ang isa’t isa.

Kasabay ng dalawang taon ng pagsasama nila, itinakda ang kasal ng dalawa. Masayang-masaya ang pagsasama ng dalawa at excited na ito sa kasal nila. Dalawang linggo bago ang kasal, nagpaalam si Carlo na pupunta sa probinsya at iimbitahin ang mga kamag-anak. Gusto sanang sumama ni Nicole, pero may trabaho pa ito.

Hindi na naman madapuan ng antok ang dalaga. Miss na miss si Carlo, tatlong araw na mula nang pumunta ng probinsya. Nagtataka ito at hindi man lang tumawag mula pa noong umaga.  Alas diyes na ng gabi at ang huling text niyaay kaninang umaga pa ng 6 am. Sabi niya.
“Gud am, sweetie, I miz u & I love u. Uuwi na ako bukas. Ingat. :D”

Sinubukan ni Nicole na tumawag, pero di ito ma contact, kaya natulog na lamang ito.

Kinabukasan nagising si Nicole na may tampo sa nobyo dahil hindi ito nag-text. Hindi ito gawain ng binata, kaya naisip niya baka napasama sa barkada at nakalimutan siya. 10 am nang makatanggap ng tawag si Nicole.

“Nicole, huwag kang mabibigla. Si Carlo ay natagpuang patay kagabi. Nasaksak ito dahil nakipaglaban siya sa snatcher. Hinablot kasi ang dala niya. Umalis siya at namili ng mga pasalubong na ibinilin mo. Kinuha pati ang singsing na wedding ring n’yo.  Kasama pati ang cellphone niya.”

Hindi siya makapaniwala sa narinig. Umiiyak si Nicole at nasaktan. Inakala niya na isa naman ito sa mga biro at pagkukunwari ng nobyo, pero hindi. Bakit kailangang sabihin na patay na ito? Hindi ito magandang biro. Malapit na ang kasal nila at alam niya kung gaano siya kamahal ni Carlo. Dalawang taon nitong pinaghandaan ang kasal nila. Minsan lang siyang sinaktan nito, nang makipaghiwalay ito.

Sumunod si Nicole sa probinsya at nalaman na totoo nga ang nangyari kay Carlo. Hindi ito nakayanan ng dalaga. Umiiyak siya na niyakap ang nobyo. Nadurog ang kanyang puso at sa pagkakataong ito wala nang babalikan pa. Hindi na maibabalik ng buhay ang lalake na minahal niya at nagmahal sa kanya.

Kung kailan na tagpuan niya ang tunay na pag mamahal sa piling ni Carlo, iniwan naman siya nang maaga. Nawala na ang lalake na nagpasaya sa kanya. Ipinangako ni Nicole kay Carlo na siya lang ang huling lalake na mamahalin niya at hindi na magmamahal pa.

Pagkatapos ng libing, bumalik ito sa Maynila at sa araw mismo na itinakda sana nilang kasal biglang nakaramdam ng kakaiba si Nicole. Ramdam niya ang yakap at halik ng nobyo. Bigla itong nahilo at nagsuka. Sa araw ding yun, nalaman niya na isang buwan na pala siyang buntis. Magkahalong tuwa at lungkot ang nadarama niya. Alam niyang matutuwa si Carlo, pag nalaman na magiging tatay na ito, pero tanggap naman niya ang katotohanan na wala na ito.

Nanganak si Nicole ng babae, at pinangalanan itong Carla. Malungkot man ang mga nangyari, naging masaya parin si Nicole at may naiwan na magandang anghel na si Carla. Ang bunga ng wagas nilang pagmamahalan.