Bonjour! Thanks at nakita mo ang post ko. Oops, bago mo I-back, tapusin mo muna ang pagbasa.

I’m 22 yrs old, manilenya, product specialist sa isang retail company at single mom.

3 years na rin ako tambay dito sa DF.   Blog reader lang ako, at kahit kailan hindi ko naisip magpost ng sarili kong blog. Ano naman kasi ikukuwento ko bukod sa pagiging babaeng bakla ko, coolest mom in town at most gorgeous woman in the world. Lol.  Pero nagkaroon ako ng idea magsulat tungkol sa laslas-pulsong love story ng buhay ko. Well as usual, love related to.

Year 2010 pagkatapos ko grumaduate, nagtrabaho ako sa isang sikat na retail company. At doon ko siya nakilala. Hiwalay na kami noon ng daddy ng baby ko, na nsa UK na rin nung mga panahon na yun.

He was the ultimate man of my dreams! 25 yrs old, super gwapo, macho, at mukhang mabango. Magkalapit lang halos yung workplace namin. Dining Supervisor siya sa isang sikat na restaurant. Maaga pa ko talaga pumapasok noon para lang makita ko siya. Opening kasi siya, Closing ako. Kaya OTY ang drama ko nun.. (OvertimeThankYou) anim na buwan rin tumagal ang pasulyap sulyap ko sa kanya. Na sa tingin ko, eh hanggang dun na lang talaga kami.
Na-promote ako noon. At kailangan ko lumipat ng branch.. Nagpa despedida ako, yung despedida cake ko, dun ko inorder sa resto nila, tumawag ako sa branch nila. At siya ang nakasagot. Wiiiii kinikilig ako. Nag-usap kami halos 1hr. Mag-oout na ako, nakadikit pa din ang tainga ko sa phone. Ang dami naming napag-usapan, nalaman ko na rin na ganun din ang pagtingin niya sa akin, hindi niya lang maiparamdam at maipakita dahil sa isang dahilan. Tinangka niya na rin hingin number ko noon sa security guard ng store namin, pero hindi niya daw naituloy, dahil ulit sa isang dahilan. Bago ko ibaba yung phone,kinuha na niya yung number ko. Hindi ko na naitanong kung bakit, at hindi ko na rin nasabi na despedida ko na at lilipat ako ng mas malayong branch.

Kinabukasan, Sunday!! Last day ko na!! Hindi ko nakita yung sasakyan niya sa parking lot, pero sinubukan ko pa rin siyang twagan sa branch niya. Restday niya pala, hindi naman siya nagtext..

Tatlong araw na ang nakalipas, hindi pa rin siya nagtetext. Di ko na inaasahan na itetext niya pa ako. Pero nagkamali ako. Wednesday noon, naaalala ko, nagring phone ko. Natutulog pa ko, ring..ring..ring.. Pagsagot ko, siya pala. Humingi siya ng pasensya. Hinanap niya rin pala ako. Tatlong araw na daw kasi ako na hindi niya nakikitang dumadaan.

Halos tumagal ng 3 weeks na ganoon lang kami lagi. Hihintayin ko tawag niya, hindi ako puwede magtext sa kanya. Dahil hindi ko naman alam ang personal number niya. Company cellphone ang ginagamit niyang pantawag sa akin. Kahit sa branch ko, tumatawag din siya. After 3 weeks, nagdecide na kami na magmeet.

Sinundo niya ako, at dumiretcho kami sa simbahan. Super nagmamadali siya, hindi ko naman tinanong kung bakit. kaya hindi na namin halos natapos ang misa.  After niya ko maihatid sa bahay, umiyak ako. After ko ma-heart-broken sa 3-year relationship sa daddy ng anak ko, na first boyfriend ko din, humingi ako ng sign, yung lalaking dadalhin ako sa simbahan sa unang date namin. Yun na yung destiny ko.(Yes I do believe in destiny)

Araw-araw na niya ko sinusundo, Maaga siyang nag a-out, pinupuntahan niya ko sa branch. Hinihintay niya ko ng 2 hrs sa labas ng company ko.  Sa sobrang gusto kong mapalapit sa kanya. Bumili ako ng kacheapan na cellphone, bumili ako ng sim, kahit naisip kong, “nakakahiya naman, ako pa ang magbibigay nito sa kanya” pero naisip ko naman, effort naman siya lagngi sunduin ako at mag-aksaya ng gas dahil malayo ang nalipatan kong branch. at sakto 1 month na namin ngayon.

Lalo kaming naging close sa isa’t isa, dahil puwede ko na siyang tawagan at itext lagi. After 2 months ng relasyon namin,we had our first intimacy. Ang bilis ng mga pangyayari. Ganun kabilis. Umabot na kami ng 5 mos. Nagdedate kami, and more intimate moments.  May monthsary kami, may tawagan, pinakilala ko siya sa family ko, pinakilala niya ko sa nanay niya, sa lahat ng kaibigan ko, sa iilang mga kaibigan niya, naging half-time daddy ng anak ko, PERO WALANG ‘KAMI’… Walang commitment. Ganun kasaklap.

May 6 years live-in partner siya. Sa una pa lang, alam ko na. Pero pinasok ko. Akala ko hindi magiging seryoso ang ugnayan na meron kami. Yun ang akala ko.

Halos nabaliw na ako sa kanya. Hindi ko na siya pinapauwi pag magkasama kami, tinatago ko yung susi ng sasakyan niya, pinapatay ko ang phone niya, pnakaworst, nilalasing ko siya.

Maraming beses na kaming nahuli ng gf niya, nahuli na sinasadya ko naman talaga.

Maraming beses na ring pinilit ko nang maghiwalay na kami. Pero bumabalik pa rin siya sa akin.

Maraming beses na ring pinilit kong tanggapin ang kinalalagyan ko sa kanya pero hindi talaga, dahil mahal na mahal ko na siya.

Sabi niya noon, humahanap siya ng timing para hiwalayan na ang gf niya. Dahil sobrang hindi na daw nagwowork ang relationship nila. “Panghihinayang na lang” ang dahilan bakit pinagpapatuloy nila. Hindi niya lang magawang hiwalayan dahil ayaw niya na, ako ang dahilan. Alam ko na rin na may problema na ang relasyon nila. Dahil hilig kong pakialaman yung personal cp niya. Nababasa ko thread ng conversation nila. Pati nanay niya nakakausap ko din, ayaw na rin dun sa gf niya. Binigyan ko siya ng maraming space, para tapusin lahat. Gusto kng maghiwalay sila, hindi dahil mayroon siyang iba. Wala namang nangyari.

Buwan pa ang lumipas, lalo nang lumalala ang ugali ko. Masyado nang maraming nasasaktan. Hindi ko na alam ang salitang “mali”.

Pare-pareho na kaming nagkakasakitan. Kinailangan na naming mag-lielow. Biglang nagbago ang takbo ng buhay ko. Pinilit kong huwag siyang tawagan, hindi sagutin ang mga tawag niya, Mahirap at masakit sa akin. Dahil siya lang naman ang minahal ko nang ganito. Tinanggap niya ako nang buong-buo, inintindi ang ugali ko, minahal ang anak ko, hindi niya pinaramdam sa akin na option ako, 2nd priority, o sabi n’yo nga, “kabit”,  pero sabi niya nman “hindi kita kabit, IBA ANG LUMA SA BAGO”.

Iba ang naging pananaw ko sa pagiging other woman dahil sa kanya. Hindi na bago ang kuwento ko sa panahon ngayon. Dahil sa kany, nalaman ko ang tunay na kahulugan ng pagiging other woman. It’s not about the satisfactions or whatsoever na napapanood natin sa pelikula, teleserye, at kung saan-saan pa. Hindi lang yan dahil sa “katawan lang ang habol” dahil unang-una hindi po ako sexy at hindi kasing ganda ni Anne Curtis, at hindi rin totoo na masarap magmahal ng other woman kasi lahat gagawin nila, huwag mo lang iwan.

Bakit naman, lahat ginawa niya, lahat okay sa amin. Parang araw-araw sa aming dalawa ay Valentines Day. Araw-araw may sweet stuffs, kung hindi pagkain, love letters. Pinilit niyang ayusin kami, pinilit niyang ilagay sa isip ko na “AKO LANG.”

Pero AKO pa din ang sumuko. Yung other woman ang sumuko. AKO pa din ang lumayo. Kahit sabi namin LIELOW lang.

Nagbakasyon ako sa Boracay kasama ang mga kabarkada ko, nagpunta ako ng Cebu, kasama ang anak ko, almost 1 month akong nawala dito sa Manila. nagpakalayo-layo muna ako. Pinilit kong burahin ang lahat sa amin. Pinilit ko, ibalik ang dating lifestyle ko nung wala pa siya sa buhay ko. Tinatawagan niya pa ko sa mga kabarkada ko, pero sinasagot lang siya ng: “Tinatawagan mo pa si ****, bakit? Nangangati ka na naman? Tawagan mo si **** pag wala na kayo ni *****!!!”

Kahit nasasaktan ako sa mga sinasabi ng mga kaibigan ko, kailangan kong tanggapin para mawala na siya sa buhay ko.

Tinetext niya ko, sobra na daw siyang nasasaktan sa sinasabi ng mga kaibigan ko sa kanya. Tinetext niya ko, ayusin na daw namin. Pero nagpalit na ako ng number. Nagresign na ako sa company ko,
Sabi ko sa sarili ko,titiisin ko lahat ng sakit, huwag lang maging kami ulit nang may sila pa rin.

Walong buwan tumagal ang ugnayan na meron kami. Sulat na lang ang naipadala ko sa bahay ng nanay n’ya para magpaalam sa kanya. Hindi ko kayang harapin siya o kausapin man lang dahil alam kong pagmamahal ang mangingibabaw at tiyak na magkakabalikan na naman kami. Nagpasalamat ako kay God dahil binigyan niya ko ng lakas ng loob para maialis ko siya PANSAMANTALA sa buhay ko.

Ngayon, halos dalawang buwan na kaming hindi nagkikita at nag-uusap. Wala na akong balita sa kanya. Kung naghiwalay na ba sila, kung ok lang ba siya. Pero hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na magiging kami ulit. Yung wala na kaming matatapakang tao, wala nang masasaktan. At hindi na LIELOW ang tawag sa nakaw na sandali na mayroon kami. Siguro kung para talaga kami sa isat-isa. Darating yung time. Naniniwala ako sa pinanghahawakan kong sign…. At alam ko, hindi naman kami pinilit ni God na magkakilala kahit mayroon siyang iba, kung hindi talaga kami para sa isa’t isa. Sabi nga nila, ang dami pang lalaki na puwedeng magmahal sa akin at tatanggapin ako ng kung ano ako; pero, ikutin ko man ang mundo, wala na akong mkikitang lalaki na katulad niya. Pero hindi ako mapapagod maghintay at umasa dahil gaya nga ng kanta ni Angela Bofill, “Goodbye is not the end.. It’s a circle you know and it starts with ONE HELLO”

At sabi nga sa isang quote, “LET IT GO, IF IT COMES BACK TO YOU, IT’S YOURS, AND IF IT DOESN’T, IT NEVER WAS.”

I Love You Still…. ‘Til we say hello again.


Salamat sa oras na ibinahagi n’yo para basahin tong kitil buhay na istorya ko. Au revoir!