Be Simple, Be Proud (Photo Credited: skid40145)

Be Simple, Be Proud (Photo Credited: skid40145)

Disclaimer: Ang sumusunod na mababasa ay pawang fiction lamang, wala po akong pinariringgan o pinapatamaan na kahit sino man. Paalala sa mga mambabasa na blog ko ito at isusulat ko kung ano ang dinidikta ng bungo ko. At ibig kong ipaunawa sa inyong hindi ito ‘grammar page’ para maging  perfect ang aking English. At higit sa lahat, UTANG NA LOOB basahin nyo po muna ang nilalaman bago kayo magkomento.

Ngayun ay dumako na tayo sa ating topic, kaya ko naisulat ito ay dahil..wala lang..trip ko lang basagin ang trip ng ilan sa mga taong alpa kapal muks (na tulad ko). Minsan, akala natin ang ganda/gwapo natin..yun pala may muta ang ating mata. Ika nga diba, beauty is in eye of beholder, kaya keri lang na feeling natin mala adonis o venus tayo. Pero hwag naman sana yung ober..as in OVER.

 Tingin ka sa salamin, diba sasabihin mong ‘ang ganda/gwapo ko talaga’ (in your face). Buti sana kung majority ng tao ay sang ayon sa ilusyon mo. Yung feeling na gusto mong maging kaibigan ay yung mga hindi masyadong maganda dahil tiyak ikaw ang lutang. Sabay esnab at taas kilay sa mga mas maganda sa iyo.

 Facebook Photos:  Naku, naiimbyerna ako sa news feed ng aking Facebook. Mantakin mo ba namang mag upload ng pictures na isang daan mahigit in the same setting, pose na nakalabas ang dila, taena, smile na pilit para lang lumabas ang dimple, lentek ang pagka trying hard. Bakit kasi hindi nalang gawing simply. Simplicity makes beauty.

 Hair Style: Trivia: Alam nyo bang ang buhok ay may malaking role at kontribusyon sa ating itsura? (e-research nyo nalang, wala na akong extra time). Porque idol mo si Dao ming xi gagayahin mo ang hair nya, dapat ka look alike mo rin sya ha, kahit konti lang para kahit konti ay bagay sa iyo. Baka naman Dao Ming Xi ang hair pero mukhang Dao-gul? Joke lang.  Gaya ko noong kasikatan ng F4 Meteor Garden, akalain mong gaya gaya puto maya rin ako na mala Chanshai. Nakurot tuloy ako ng pino ng nanay, dahil pati garter ng kabibili nyang panty at nadamay (pinantali ko ng buhok gaya nang kay Chanshai, yung parang Shakoy, with matching pentel pen tattoo sa aking batok..wagas!)

 Sa Suot na Damit: Wala po talaga akong pinatatamaan, peksman, cross my heart, honest to God. Yung ate ko, chubby, pero ang hilig niya sa mga sexy na damit, panay ang pabili ng ganito at ganire na damit. Eh di pinagbigyan, ate eh. Ahaha, tawa nalang ako sa naging itsura nya. Animo’y suman na  labas ang extra fat. Tapos nagagalit siya kapag pinagtitinginan ng audience nya. Hay naku ang ate ko talaga.

 At yung iba naman nakikiuso, magpapa-retainer lang din ng ngipin..yung tig iisang daang peso pa, hindi nalang winagasan. Ito pang napansin ko dito sa ibang daigdig (talagang makasalanan ang aking mata), naka short si ate, pero ang binti tadtad ng galis at singko. Nakasabay mo na ba ang babaeng naka- spaghetti or sleeveless? Tapos labas ang 5 inches hair niya sa kili kili at idagdag mo pa ang odor nito at kulay na sing itim ng alkitran? Ang sarap magmura ng pasigaw ano?

 Ito naman si kuya, parang ang ginamit na deodorant ay yung isang linggo ng bulok na daga, puto! Minsan, wagas maka porma kay miss beautiful, mahihiya pa kunwari kaya ngtatakip ng bibig at animo’y asong maamo. Yung pala, takot makita ang ngipin niyang hindi ka kulay ng ginto..kundi kakulay ng kalawang sa bakal with matching odor uli.

 May mga lalaki na kung makaporma at maka pose ay akala nila super pogi nila. Yung damit na gaya gaya puto maya rin kay Andrew E, mga tsong mukha kayong tanga. At yung sombrero na baliktad ang pagsoot na mala Robin Padilla, syet, wala ba kayong originality? Ayaw ng mga girls sa mga lalaking over acting, kasi hindi bagay. Simplicity makes beauty or simplicity is beauty..Duh pareho ra na oi.

 Remember, tayong mga Pilipino ay kilala bilang pinakamalinis na tao sa buong mundo (echoss). Lahat ng ibang lahi ay bilib sa atin kasi malinis tayo sa sarili natin (pwera sa paligid) , so dapat panindigan natin ito.

 Sa lahat ng bagay, ang simple at natural na kagandahan ay mas na-aappreciate ng tao. Ano man ang gawin mo sa itsura mo, hindi nito mababago pati pagkatao mo. Be simple; it’s as simple like  that.

Enhanced by Zemanta