Spinster and Lunatic ( Photo Credit: blogspot.com )

Palubog na ang araw sa dapit hapon.Madalas na nakaupo si Marivic sa ilalim ng puno ng mangga, malapit sa garden,habang pinagmamasdan ang anak nito na masayang naglalaro at namimitas ng mga bulaklak. Si Marivic ay ulila na sa ama,kasama ang ulyaning ina,nag-iisang anak at dalawang kasambahay na lamang ang nakatira sa malaking bahay nila. Sa laki ng bahay, nagmukha na itong haunted house.  Wala na ang dating maiingay na sasakyan na labas masok dito dati. Ang bahay na datiy puno ng sigla ngayon ay nababalot na ng nakakabinging katahimikan.Mapalad si Marivic at nagkaroon pa ito ng isang anak na babae sa kabila ng edad niya nagka-anak pa ito.Ang anak niya na lamang ang tangi niyang kayaman at nagbibigay sigla sakanya sa araw-araw.

Ito ang nagiging dahilan kung bakit hindi magawang magalit ni Marivic sa ama ng kanyang anak. Madalas niyang sinasabi sa sarili na, ”Siguro kung wala kang anak, malamang malungkot na malungkot si Mommy ngayon.” Ang mga salitang ito na madalas niyang sinasabi sa anak na agad na lumalapit sa kanya at sinusuklian siya ng mahigpit na yakap at pinapaulanan ito ng matatamis na halik.

‘I love you Mommy, I love you!” Paulit ulit na sinasambit ng anak niya bagamat pautal-utal ang bata, sinisikap nitong masambit ang katagang “I love you.” Sinong ina ang hindi magiging masaya at hindi matutuwa sa anak na mapagmahal at malambing.

Pero sa tagal na ng panahon na iniwan siya ng ama ng anak niya, umaasa pa rin ito na isang araw bigla na lamang itong bumalik at magparamdam.  Madalas na nakikitang nakatingin sa kawalan si Marivic.  Nakangiti, at biglang tatawa, hindi dahil nasiraan ito ng bait kundi dahil sa mga masasayang ala-ala na sinasariwa nito. Mga masayang tagpo,nakakakilig na mga pangyayari sa buhay niya lalo na sa tuwing pinagmamasdan nito ang paligid ng bahay nila. Ang swimming pool na kung saan niya madalas nakikita ang ama ng anak niya nanaliligo, at agad naman siyang titingalain sa balcony, kakawayan at sasabihing, ”Halika maligo na tayo!  Sabayan mo ako.”

Sabi nila ang pag-ibig daw ay sadyang dumarating sa takdang panahon at ang tao ay magmamahal sa tamang oras at tao. At kung talagang mahal mo matatanggap mo ang kahinaan niya at ipagmamalaki mo naman ang kakayanan niya.Taliwas sa nangyari kay Marivic.  Nakita niya at natagpuan sa lugar kung saan hindi niya inakalang doon siya mapapadpad at daldalhin ng kanyang tadhana ng araw na yon.

Siya ay anak-mayaman solong anak ng mag-asawang Doctor nag-mamay-ari sila ng isang Drug store mayroon itong limang branches kung saan nagkalat sa iba’t ibang parte ng Maynila. Mayroon din silang malawak na mga lupain sa probinsya. Kung tutuusin wala siyang problema sa pera. Matalino ito at nakapag aral sa isang universidad at private school mula noong kinder pa siya.

Mga tanyag na eskwelahan na kung saan nagtuturo ng kagandahang asal kaya’t likas siyang matulungin at maawain at may malambot na puso. Aktibo din ito sa pagtulong sa iba’t ibang foundation.Nagkaroon siya ng unang boyfriend sa edad na 22.  Nagsama sila ng halos tatlong taon subalit nagkahiwalay noong nalaman ng Mommy nito na nabuntis siya at nakunan. ”Marivic hindi ko gusto ang nangyari.  Bakit ka nagpabuntis sa taong hindi mo naman asawa?”

Nabubuhay ang Mommy niya sa makalumang paniniwala dahil relehiyosa ito at maliban doon may kapatid itong Pari.  Dahil sa nangyari sa anak, labis itong nasaktan. Kaya magmula ng nangyari yon ipinangako ni Marivic na hindi na ito mauulit pa. ”Don’t worry Mommy, promise magpapakasal na ako bago magpabuntis ulit.”’

Pero ang pangakong iyon ni Marivic tila yata’y nagsilbing hudyat at parang nakiayon ang kanyang kapalaran. Pagkalipas ng isang taon, magmula ng makunan ito, nalaman niyan may depirensya ito sa ovary. Ayon sa kanyang Doktor, mahihirapan na diumano siyang magbuntis. Sanhi ng komplikasyon, pinayuhan siya ng kanyang Doctor na kung maaari huwag na itong magdalang-tao kapag lumagpas na sa edad na 35,  kaya’t kung gusto nito magka-anak, mainam na gawin niya ito bago marating ang edad na iyon. Pero sabi niya sa sarili, Doktor lang ang nagsabi noon naniniwala ako na kung talagang biyayaan ako ng anak ,magkaanak ako sa kahit anong mang edad kahit 50 yrs old na ako o higit pa.

Sa pangalawang pagkakataon, nakilala niya si Mario at nagkaroon sila ng relasyon. Mabait ito at ni-respeto ang pagkababae niya at umabot sila ng isang taon.  Masaya si Marivic at kahit walang nangyari sa pagitan ng dalawa, masaya pa rin silang nagsasama. Pagdating ng  limang taon ay hindi na marahil nakayanan ng lalaki, nawalan ito ng gana sa kanya.Naisip niya iba na pala talaga ang lalake ngayon.  Tanging pakikipagtalik lang yata ang habol sa mga babae.

Dahil maganda at matalino ito maraming nahuhumaling sa kanya, sa ikatlong pagkakataon, na in-love ito sa mas bata sa kanya ng sampung taon.  Dahil sa masyado itong mapusok, ang lalake sa edad na 27 yrs old, nakalimutan ni Marivic ang pinangako niya sa Mommy niya.  Agad niyang isinuko ang kanyang sarili.Nagtagal ang relasyon nila mahigit kumulang na dalawang taon nang biglang nawalan ng gana ang lalake sa kanya, lalo pa ng malaman nito ang kondisyon ni Marivic na hindi na pupuedeng magdalang-tao dahil sa edad nito at sa pagkakaroon niya ng diperensya sa ovary.

Nagmamadali na ang lalake na magka -anak kaya nakipaghiwalay siya kay Marivic. At ang huling usap nila labis na nasaktan si Marivic sa narinig niyang sagot ng lalake. ”Mahal mo pa ba ako?” Tahimik ang lalake at sumagot ng mahinahong, ”Hindi na.” Parang binagsakan ng langit si Marivic sa narinig.  Aminin man o hindi ng lalake, batid niyang nagbago ito dahil hindi na niya kayang mabigyan ito ng anak.

Sa isip ni Marivic kung walang lalakeng magtatagal sa akin, mabuti pang tumandang dalaga na lang.  Walang problema.  Mayaman ako. Hindi ako magugutom.  Maraming mag-aalaga sa akin sa pagtanda ko. Alam kong walang sino mang kumakalam ang sikmura ang tatanggi sa pera.

Pagkatapos ng tatlong buwan na pakikipaghiwalay nito sa nobyo, malaya siyang gawin ang lahat.  Mag-isang naglalakad at mag-isang iniisip ang sarili.  Masaya ito sa kalayaan na kanyang nakamit.