http://www.osten-consulting.com/2009/08/free-facebook-webinar.html

Isang taon ko na itong itinabi sa aking maleta, itinago ko talaga dahil nais kong ipabasa sa tamang panahon . Magalit man si Mister, ang mahalaga ay alam n’ya kung sino ang kaagaw n’ya sa puso ng kanyang Inday ng buhay.

Mahal kong FB,

Dati kay tahimik ng aking buhay! Masaya na ako na pagmasdan ang pagsikat at paglubog ng araw sa aming nayon. Pagsasama naming mag-asawa ay walang gulo! Walang tigil ang lambingan dati sa bangko naming kawayan. Lahat ng atensyon ko ay nakatuon sa aking pamilya. Sa de-barteryang radyo ay kilig na kilig ako sa mga drama at love songs ng paborito kong DJ, PLEASE PLAY MY SONG! Simpleng kaligayan sa simpleng buhay namin.

Ngunit, sa isang iglap bigla kang dumating! Alam mo na hindi kita type dati! Masyado ka kasing mataas abutin at bayad ang iyong oras! Isa ang nasa isip ko dati: SINO at ANO ka ba talaga? Bakit halos lahat ay natutulala sa dala mong karisma? Hay, naku! Biglang tumama ang pana ni Pilyong Kupido at agad na sinentro ang insosente kong puso! At ako ay iyong natukso nang di oras! Di sapilitan dahil ginusto talaga kita nang sobra!

Sa bawat galaw ng aking kamay sa rentang keypad sa internet cafe, isa…dalawa…tatlo …bawat pindot ng numero sa password para puso ay mabuksan nang diretso! Ang arte mo! Alam mo ba yan? Daming magic words ang dapat isulat gayong ako ay isang bagong bihag! Kaya 15 pesos kong pambili sana ng daing? Na datung ko tuloy sa may-ari ng tinutuluyan mo! Alam mo ba, na di ako nakatulog magdamag sa kakaisip sa iyo! Gusto kitang balikan para maging malapit s’yo! INLOVE na ata ako sa tulad mo na walang espirito! Bukas kita ulit tayo dahil di puwedeng hindi! Di ko makaya ang kati ng aking daliri. Na di malagay ang aking pangalan sa iyong listahan!

Labis mo akong pinaligaya! Sobra ang kilig nang aking makita ang laman ng iyong mga surpresa! Tindi ,bigatin ka talaga! Sa isang click ay, naku, kilala ko ang larawan na ito! Ganyan ka pala ka high tech! Pipi ka man, pero utak mo ay abot ang sanlibutan!

Akala ko, wala akong kaagaw? Naku! Mahigit sa ilang milyon kaming naging parte ng iyong puso? Pang ilan kaya ako? Gustuhin ko mang magselos wala akong karapatan dahil, KERIDA lang din naman ako, di ba? Wala akong pambato sa mga nakalinya…Artista, Pulitiko, OFW, Bata, Matanda, Local o International! Ganyan ka kasikat! Nang dahil sa ‘yo daming pamilya ang nasira! Pagkikita ng namatay na pag-ibig ay muling pinagtatagpo! Nahanap ni Anak ang kanyang Ama at Ina! Nagkita din ang Kerida ni Mr. at Kerido ni Misis! Pag-ibig na nabuo sa palitan ng Hi at Hello sa inbox mo! Naging Single ang Married! At ang Married naging Widow! Hanggang sa Complicated to Single ang status ng karibal ko sa puso mo!

Isa lang sana ang aking hiling, kahit di mo mahal! Sana man lang ipikit mo ang iyong mata sa mga hubad na larawan na pinadala ng iba! Alam ko na may mga anak ka kaya Rated PG pa sa kanila! Hay, naku iniba mo talaga ang ikot ng mundo! Ikaw ang sakit na matagal gamutin at mahirap kalimutan pag ikaw minahal! Alam mo ba? Na katabi ko lagi ang mumurahin kung cellphone? Mas gusto kasi kitang katabi, sarap pampaantok at sarap ng hilik dahil sakit ng mata ko sa maliit na letra sa screen ng cellphone ko!

Breakfast in bed sana ang gusto ni Mister, pero FB in bed muna ang aking inuna saka na muna ang kape ng aking asawa! Di puwedeng mahuli ng reply sa notification at message sa inbox! Umalis na lang si Mister anng walang laman ang sikmura dahil  sa ‘yo!

Pati sa aking trabaho, hindi ka talaga maalis! Sabi ni Boss, kailangan  encode ang file pero, hihirit saglit talaga yan nabuksan agad nang biglaan! Nakaw na patago isang message ok na! Inutusan pala akong maglinis, yan nakalimutan ko tuloy sa ka dotdot sa s’yo!

Kung mawawala ka man! Alam ko na may katapusan ang lahat! Ang masayang samahan natin ay kailan man ay di ko makakalimutan! Nang dahil sa ‘yo, madaming nagbago sa buhay ko! Mga pangarap na unti-unti ko nang naabot! At pagkakaibigan ng mga taong aking pinahahalagahan ay mas naging matibay ang pundasyon! Salamat madami akong natutunan sa ‘yo, IROG KONG FACEBOOK!

IKaW ANG NUMBER ONE DITO SA PUSO NG ISANG INDAY! NAG-IISA KANG KARIBAL NG MISTER KO…!

P.S SANA TANGGALIN MO NA ANG TIMELINE NA NAKASABIT SA DINGDING NG PINTUAN MO!   SALAMAT:)

ADIK SA IYO,

JOVELYN