I Am a Sex Addict

I Am a Sex Addict (Photo credit: Wikipedia)

Nakalulungkot, pero totoo ba na ang ating bansang Pilipinas ay isa na sa mga bansang talamak ang bentahan ng droga at katawan?

May partikular na lungsod sa Pilipinas na madalas na nai-tag o may label na bilang “Entertainment Capital ng Central Luzon” ng Pilipinas ay ang Angeles City. Nabansagan ang lugar na ito na Sex Capital noong panahon ng  mga sundalo ng America base sa Clark Air Base.  Nagsimula ang ganoong kalakaran nang mag-offer ang mga kano ng pera kapalit ng panandaliang ligaya.

 Dahil sa kahirapan, kakulangan ng edukasyon at ang ilan ay dahil sa hilig lang talaga sa sex kung kaya sa ating lipunan ngayon, tila ang pagbebenta ng aliw ay ginagawa ng business ng ilan. Wala umanong choice kung kaya kapit na lang sa patalim.

Wala nga bang choice or tamad lang magbanat ng buto?  Going for easy money?

But who am I to judge? It’s your life, it’s your choice.

Hindi lang mga babae ang nagbebenta ng katawan, maging girl, boy, bakla, tomboy ay sumasabak na sa ganoong uri ng hanapbuhay. Ang ganitong scenario ay hindi lang sa ating bansa laganap, kundi maging sa ibang panig ng daigdig. Laganap rin ang mga masahista at escorts na nag-aalok, hindi lang masahe ngunit pati na rin sex.

Ang sex ay isang biological necessity ng tao. Sa maniwala kayo’t hindi, tayong lahat ay nangangailangan ng sex. Kung ang partner mo ay hindi ka kayang tugunan ang sexual na pangangailangan, tiyak na maghahanap at maghahanap ang tao ng magsasatisfy sa kanya, aminin man natin o hindi.

Ngunit ang pagbebenta ng katawan ay ibang usapan, hindi ito dapat ginagawang laro o hanapbuhay. Wala ka bang kahihiyan? Hindi mo ba pinahahalagahan ang iyong pamilya at magiging asawa? Mayroon ding ilan na biktima lamang ng rape at nagiging sex addict lalo na kapag sa mura niyang edad ay nagahasa na siya at paulit- ulit. Kung mayroong mga drug addict, mayroon din palang sex addict.

Minsan akong napadpad sa Divisoria at Quiapo noon, kun saan talamak din ang bentahan ng mga sex toys at pamparegla.  Lantad at talagang nakadisplay. Ngunit hindi lang naman sa Pilipinas ang may ganitong uri ng kalakaran, maging China, Thailand at iba pang bansa ay mayroon nito.

Ang masaklap lang, minsan, mismong kababayan o kamag-anak ay mismong nagbubugaw sa iilan nating kabataan ngayon. Naalala ko noong nasa Pasay kami ng boyfriend ko, nang may biglang kumalabit sa kanya na matandang babae at sinabi niya sa boyfriend ko ‘ Kuya, gusto mo babae..tatlong daan lang, virgin?’

Nagpantig ang aking tainga sa narinig. Hinila ko ang buhok ng matandang babae at sabay sabing ‘ Ano’ng sabi mo, hindi ba ako babae sa tingin mo? Boyfriend ko ‘tong inaalokan mo, baka gusto mong tadyakan kita diyan o ipapulis kita, hayop kang bugaw ka.’

Mahirap kontrolin ang sarili at talagang mawawalan ka ng respeto sa ganitong uri ng tao kahit pa nakakatanda siya sa iyo.
Ang madalas na biktima ay mga batang galing probinsya at baguhan sa lungsod. Marami ang mapagsamantalang nilalang dito sa daigdig. Marami ang halang ang kaluluwa at mga walang puso.

Kamakailan lang ay tumaas ang bilang ng mga taong may HIV at AIDS sa Pilipinas. Sana ay aware tayong lahat sa maaaring idulot ng pakikipagtalik sa kung sino-sino. Sabi nga ng condom, 99.9 % safe… eh di mayroon pa ring 0.1 % chance para sa STD HIV at AIDS.

Parental Guidance. You can have sex, why not. Who am I to judge? PRO RH-BILL.

Enhanced by Zemanta