Friends or Folly (Photo Credit: Charlestoncitypaper)

“Let those without sin cast the first stone”

“Oi nagtext ang ex-bf ko yesterday, kung puwede daw bumalik siya sakin since sepa na ako”, text ko sa kanya.

“Eh di balikan mo”, reply niya sakin.

“Ayoko nga, kung gusto ko, matagal na kahit maging kabit pa, single naman yun eh, maganda ang work sa isang multinational company sa Cavite, pero ayaw ko, ikaw ang deciding factor ko eh”, muli kong text sa kanya.

“Wag ka nga umasa sa kin, may kanya-kanya tayong buhay”, sagot niya din sa ‘kin.

“Nangako ako sa ‘yo na di kita iiwan, di ba? Kung maacquit ka, then, saka lang kita iiwan,puwede naman akong magmigrate, pero kung maconvict ka, hindi ako aalis sa tabi mo kahit anong mangyari, paglabas mo, sisikapin kong maganda pa rin ang future mo kung sakaling buhay pa ako”  text kong muli sa kanya.

“Wag ka magsakripisyo para sakin, tanggap ko na ang ano mang mangyayari sa akin”, muli niyang sagot.

Marami kaming napag-usapan nang araw na yun. Ngunit bakit ganito ako sa kanya? Sino ba siya? Dapat ko nga ba siyang pag-aksayahan ng panahon?

More than two years ago nang makita ko ang profile niya sa isang social network. Walang profile pic niya, cute lang yung pusa, ewan ko at nag yes ako sa kanya sa matching game, the next na pag log in ko requesting to be friend na siya. I added him pero never kaming mag-usap o never ako mag-email, his name sat on my friends list for sometime. Until bumalik ako sa school kung saan kailangan kong ipagpatuloy ang scholarship grant na binigay sa akin ng agency kung saan ako nagwowork. Same place kung asan siya. Wala lang, a short hi and hello, pero never ang effort to meet, or never na magpalitan ng cp number. Natapos ang term ko, and after graduation I have to get back to my province and continue working.

One day I got an email from him, andun ang number niya, that was the time we started texting, alam niya ang itsura ko since I have pictures sa account ko, but I never imagined kung ano ang itsura niya, until one day we decided to meet.

Mas matanda siya sakin, pareho kaming alipin ng bayan (kung aming tawagin ang sarili namin)..siya nasa himpilan ng mararangal, at ako naman dun sa  dapat palaging marangal.

Tinext ko siya na may ipa- follow up ako malapit sa lugar nila, di ko alam na andun nga siya since that time assigned siya sa karatig probinsya. Nabigla ako ng nagtext back siya. He knew  place and he said he’s going to be there. True to his word. when I went out of the office , he’s there. Words didn’t come out of his mouth, alam ko na agad na siya yun. Ewan ko ba. I just looked into his eyes and voila, nakita ko na lang ang sarili ko na nakaangkas sa motorsiklo niya, we ate out that afternoon. Nagkuwentuhan, until the time na kailangan na naming maghiwalay, hinatid niya ako sa sakayan pauwi sa amin. Ewan ko kung ano pakiramdam niya nun, kasi di siya umalis hangga’t di umaalis ang sinasakyan ko, binibiro niya pa nga ako na parang ayaw ko daw yatang umuwi..nagkataong gabi na nun..dapat lang umuwi.

That day paved way to our chatting. Every afternoon after work, we would chat kung di siya umuuwi sa kanila. Until one time I asked him, kung asan ang asawa niya,..he told me separated siya, biniro ko siya,

” siguro dahil babaero ka”

“hindi po, baligtad, siya ang nanlalaki”..

I didn’t believe him. Sa kanyang katangian, may babae pa bang magloloko?..Eh good catch na nga siya with his good looks, the height, the career, knowing how he took care of his children. I surf the net  to look for  any other account he had, para makilala ko talaga siya nang lubusan, but then, nabigla ako, nalaman ko na totoo nga pala ang sinabi niya, the fact that ang kaso na hinaharap niya ay bunga ng ganung pagkakataon.

Early in the morning, I texted him and asked an apology, for not believing  him. I told him of what I found out, I asked him if everything is true. He didn’t reply. I just let him be. The fact that may kaso nga siya means, something happened and siya ang humarap nun.

Then he asked me..Magbabago ba ang pagtingin mo sa akin dahil sa nalaman mo?”

“No”, I texted him back without even having second thoughts..

And it all started there.