Old Woman and Young Boy (Photo Credit: hermelness.com)

Pera lang ang habol ko sa kanya.  Imbis na matuwa, nagalit ako dahil alam kong Doktor siya.  Alam na niya dapat ang ginagawa niya.

”Matanda ka na, Victoria; tapos sasabihin mong buntis ka? Nakakahiya!! Huwag ka nang ma-ambisyon pang pakakasalan kita.  Sa simula pa lang alam mo na kung anong mayroon tayo!!” Paninigaw ko sa kanya habang nagkaroon kami ng masinsinang pag-uusap.

Naging tanga ako at hindi nakaramdam ng awa sa kanya kahit na umiiyak ito nang mga oras na yun.  Nandiri ako sa sarili ko.  Marahil ngayon lang ako natauhan at nagising sa kahibangan. Dahil ang totoo may girlfriend ako.  Kaklase ko sa Medicine.  Kasing-edad ko.  Maganda, sexy at mayaman din. Biglang pumasok sa isip ko na iwanan si Victoria.  Sanay ako sa pagnanakaw at marami akong tropang adik kaya tumira ako ng shabu.

Bago ko nilisan ang tatlong buwang buntis na si Victoria, nilimas ko ang mga alahas niya worth 3 million.  Ang mga diamonds niya at gold. Kasama na rin ng pagbenta ko ng mga kotse, na sa akin niya ipinangalan. Pati ang 500,ooo na cash at savings ko na umabot sa 300 thousand.  10 million ang nakuha ko kay Victoria, ang babaeng nagmahal sa akin, nag-aruga at nagbigay ng magandang kinabukasan.

Ang pinakamasakit pa nito dahil bangag ako, nilagyan ko ng pampalaglag ang pinainom kong gatas sa kanya. Nilambing ko pa siya noon. Akala niya napapayag niya ako na pakasalan siya.  Ang totoo, kinailangan kong gawin yun upang makatulog siya at makuha ko ang susi ng cabinet, kung saan nakatago ang alahas at pera. Bago ko ginawa yun, nakaplano na ang pag-alis ko at girlfriend ko papuntang London. Iniwan ko si Victoria at sumama ako sa girlfriend ko na mas bata at maganda.

Pagdating ng London, nilustay namin ang pera ni Victoria.  Naubos ito at wala nang natira sa akin.  Namulubi ako at kinarma sa ginawa ko kay Victoria.  Iniwan ako ng girlfriend ko dahil wala na akong pera. Naging caregiver ako sa isang malaking ospital.  Gustuhin ko mang umuwi at humingi ng tawad, hindi ko magawa dahil wala akong pamasahe.  Halos masiraan ako ng bait sa nangyari.  Alam kong si Victoria lang ang makagagamot sa akin.

Dala ng paghihirap ko at tinatamasa kong karma kahit nasa London na ako.  Mga salita pa rin ni Victoria ang tanging nagpapatibay sa akin. Ang mga advice niya, mga pangaral upang makatapos ako ng pag-aaral.  Nag-ipon ako sa pagiging caregiver ko.  Tinapos ko ang Medicine upang maging ganap na Doktor. Hindi nagtagal naging Doktor na ako.

Limang taon na akong iniwan ng girlfriend ko, pero si Victoria pa rin ang laman ng isip ko. Sana hindi pa huli ang lahat para humingi ako ng tawad sa kanya, pero hindi kaya ng dibdib ko ang harapin siya.  Ilang taon na ang lumipas mula ang iwanan ko siya. Buo na ang isip ko, umuwi ako ng Pilipinas. At sa aking pag-uwi, pinuntahan ko si Victoria.  Hindi na ako halos makilala ng ulyanin niyang Mommy at matandang mga katulong.  Pero ako, tandang-tanda ko pa ang bahay na minsan kong naging tahanan at naging paraiso.  Ngayon ay nababalutan na ng matataas na damo. Ang swimming pool ay hindi na halos nalinisan.Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang batang babae na kamukha ni Victoria.  Tinanong ko siya kung nasaan na si Doktora.  Wala siyang naisagot.  Tila isang abnormal na magandang dalaga ang nakausap ko. Lumabas si Victoria.  Matanda na siya.  Halos 64 years old na, kunot ang noo, pero taglay niya pa rin ang kagandahan na nagustuhan ko nang una ko siyang nasilayan.

Umiyak siya. Niyakap niya ako at napaiyak din ako. Mahigpit na yakap na yun ni Victoria. Hudyat na hindi siya galit.  Napatawad niya ako sa ginawa ko. Doon ko nalaman kung gaano niya ako kamahal.  Unti-unting nalugi ang negosyo nila mula nang pinagnakawan ko sila. Namatay ang Daddy niya. Ulyanin na ang Mommy niya at ang batang abnormal na nakausap ko ay anak namin. Hindi umepekto ang pampalaglag na pinainom ko sa kanya.  Nabuo ang bata at pinangalanan niyang Erica, kombinasyon ng pangalan naming dalawa.

Pinagsisihan ko ang ginawa ko sa kanya at sa aming anak. Bumawi ako sa lahat.  Ibinili ko sila ng bagong bahay at pinapagamot ko na rin at pinag-aral ang anak namin na si Erica. Masaya ako ngayon sa piling ni Victoria at Erica. Ipinangako kong magsasama kami sa hirap at ginhawa. Alam kong wagas ang pagmamahal sa akin ni Victoria kaya natutunan ko na rin siyang mahalin.  Mahirap makakita ng isang babaeng magmamahal sa akin nang tunay. Minahal ako ni Victoria noong panahong walang-wala ako. Alam kong dapat samahan ko siya hanggang sa huling hantungan niya at babawi ako sa lahat ng pagkakamali ko sa kanya.

”I love you Victoria.” Yun ang sabi ko sa kanya na galing sa aking puso. Natuwa naman siya at alam kong magiging masaya siya sa mga nalalabing taon sa kanyang buhay. Nagawa ko siyang saktan, pero napagtanto ko na hindi ko na siya kayang iwanan muli. Magsasama na kami habambuhay, till death do us part.

–WAKAS–

http://definitelyfilipino.com/blog/2012/08/19/ang-batang-kalye-at-ang-matandang-dalaga-part-1/