Manager (Photo Credit: Civilserviceindia.blogspot)

Kahit sinong simpleng tao, marahil, kahit minsan, ay pinangarap na ring maging Manager?  Ako, oo! Pinangarap ko na ring maging manager, dahil sa marami akong naririnig na maganda sa pagiging Manager.

Isa na rito ay ang mga  benefits, incentives at privileges,  na natatanggap ng Manager  sa isang company. Bukod pa dito  ang tumataginting na malaking  sahod ng isang Manager.  Kapag Manager ka kasi,  tinitingala ka  rin ng mga tao hindi lang sa company na pinapasukan mo, pati na rin sa labas ng company.

Ang manager  ay katumbas din ng pagiging hari, pag manager ka, isang utos mo lang sa tao mo, sunod kaagad maski mali. Sabi nga: “Utos ng hari, hindi nababali”.

Saka para ka na ring Presidente kasi may mga galamay ka magmula sa assistant manager hanggang sa pinakamababang position, lahat control mo. Saka hindi nawawalan ng tsekot ( kotse) ang isang manager. Pag  manager ka kasi sa isang company na  wala kang kotse, hindi ka matatawag na manager,  saka pagtatawanan ka lang ng mga subordinate, mo manager ka tapos nagcocommute ka lang? Ang masama pa doon ay ikaw pa yung nililibre (^_^).

Kaya pag pumasok ka sa isang company na manager  ka,  instant tsekot ka agad,  pagamit o bigay sa ‘yo ng may-ari ng company or  minsan kasama na talaga sa incentives ng mga malalaking company na bigyan ng tsekot ang isang Manager. Kaya napakasarap talaga na maging manager, pero may mga disadvantages din ito lalo na kung lalake ka.

Dahil  ang manager na lalake ay malimit  masangkot sa mga sexual  harassment;  hindi ko alam kung bakit.  Lagi na lang napagbibintangan  na nanghipo or nangmanyak ng sekretaryang babae. Naiisip ko tuloy na sumpa na yata ito sa isang manager na lalake na mapagbintangan ng sexual harassment (^_^).

Pag babae naman, kailangang lagi ka pormal; yung tipong hindi makabasag-pinggan, dapat lahat ng kilos mo perfect: pag-upo, pag ubo, at  pagbahing,  kasi malamang baka itsismis ka ng secretary mo kapag hindi maganda ang behavior mo sa loob ng office mo.

Pero may tao sa mundo na pagkasilang pa lang ay may tatak nang Manager.  Kaya huwag na kayong mangarap. Hayaan ny’o na lang sa aming maga lalake. Dahil kayong mga babae ay pinanganak  upang maging manager na talaga.

Oo! Kaya nga ang tinutukoy ko, kayong mga  “Babae”  Sino ba nasusunod sa bahay? Di ba, kayong mga babae?  Sino bang nasususnod sa pagbubuget? Di ba kayong mga babae ? Pag oras na ng sahod, kanino ba lahat napupunta ang kita naming mga lalake?  Di ba sa inyong mga babae?

Manager namin kayo at  laborer lang kami (^_^) . Pag may bibilhin si mister, di ba dapat may permission ni Misis? Kapag aalis kaming mga lalake, dapat paaalam muna kay Misis or kay Girlfriend, tapos sasabihin sa kaibigan “Papaalam lang ako kay manager, baka hindi pumayag eh! Matulog pa ako sa labas”.   

Kapag  nag-iinuman at sinundo ng Misis, anong sasabihin ng kainuman? “PARE, MANAGER MO, SINUSUNDO KA NA!”

Kaya ako, minsan, pinangarap ko ring maging babae (^_^) dami kasing privilege ng pagiging babae…  parang MANAGER…..