Home
» NEWS » Announcements, Breaking News, COMMENTARIES, Current Issues, Life in the Philippines, Lifestyle, NEWS, Opinion, POLITICS & GOVT, Rants, Reactions, Thought for the day » Wanted: The Road Rager
About the Author
slickmaster
Hindi kayang tumbasan ng mga salitang ilalahad ko dito ang buong pagkatao ko. Basta, ang pagkakaalam ko, mahilig lang ako tumuklas ng mga bagay-bagay sa mundo. Pag-usapan ang mga dapat tinatalakay ng aking mga katropa. Kastiguhin ang mga umaabuso sa kabaitan ng ibang tao at mga iregularidad sa lipunan. Idaan sa pagsusulat ang anumang naiisip at nararamdaman. At WALA AKONG PAKIALAM KUNG TALIWAS ANG PANANAW KO SA MAYORYA. Yun lang. Pasensya kung corny ha?
know me even more: http://definitelyfilipino.com/blog/2012/10/20/dfbi-blogger-of-the-week-9-slickmaster/
Twitter: slickmasterph
Tumblr: theslickmaster28
Facebook: https://www.facebook.com/theslickmaster28
Personal blogsite: http://theslickmastersfiles.blogspot.com/ Read Full
Definitely Filipino User Login
Blog-Serye (click here to see all)
Ang Talambuhay ni Cleo:Pira-pirasong Pangarap (Part12)
Ang Talambuhay ni Cleo: Pira-pirasong Pangarap (Part 10)
Habang naglalakad kami pauwi sa “tapahan” ay tanaw ko ang malawak na palayan at mga kabundukan. Isang tanawing ordinaryo na ... ∞
Hu u? A Love Story – 4
Nakahinga ako nang maluwag matapos ang interogasyon. Instant prinsesa si Jane kahit langgam banned sa kabahayan namin. Kita ko sa ... ∞
Hu u? A Love Story – 3
Habang nasa byahe pinag-usapan namin ang set-up. Sa exclusive school for girls nag-aral si Jane kaya hindi pwedeng sabihing magkaklase ... ∞
Hu u? A Love Story – 2
Pumayag ako sa gusto niya dahil sa wakas magkakaroon ako ng lovelife, kahit kunyari lang. Isa pa, may ipagyayabang na ... ∞
One More Chance (Part 10 / Last Part)
WALANG patid ang pagdaloy ng luha ni Jenny habang patuloy sa pag-iimpake ng kanyang mga gamit. Kahit matagal niyang pinag-isipan ... ∞
One More Chance (Part 9)
“MAMA, tulungan n’yo ako. Si Justine po, tumitirik ang mata,” malakas na palahaw ni Jenny. Dali-dali naman siyang dinaluhan ng ... ∞
Ang Ama Ko Noon..At Ama Ako Ngayon – Unang Bahagi
Kadalasang napupuri sa pagpapalaki ng isang anak ay ang kanilang ina. Sinasabi nga kasi na ang ina ang ilaw ng ... ∞
Books by Definitely Filipino Bloggers at Amazon
Definitely Filipino Users Online
This blog has had 78 Visitors the past 5 minutes. The most ever online was 1045, on January 11, 2012 @ 4:02 AM.
We currently have 1 Visitor browsing this page. The users now on this page are: 1 Guest.

on
Wanted: The Road Rager
Photo Credit: video-grab from TV5′s T3; thru vspan.asia
Isang pasada sa isa sa mga maiinit na headline sa panahon na kahuhupa pa lang ng mga baha dito sa Kamaynilaan at mga kalapit na lalawigan na dala ng hanging habagat.
Isang video na naman ang kumalat sa internet, at ang nilalaman nito ay isang road rage incident na nakunan mismo ng isang cew ng media sa Quezon City.
Sa video makikita ang pamimisikal at tahasang pambabastos ng isang motorist na kinilalang si Robert Blair Carabuena sa isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer na si Saturnino Fabros.
Maraming salaysay ang naglabasan ukol sa nasabing video. Ayon sa biktimang si Fabros, beating the red light (o sa kaso ng walang traffic light na intersection, stop sign ni manong traffic enforcer) na umano ang ginawa ng sasakyan ni Carabuena, habang sa panig naman nila Carabuena, “tinapik” daw ni Fabros ang kanyang auto.
Hindi nagpaunlak ng panayam on-air si Robert Blair Carabuena sa programa ng TV5 na T3, noong umere ang segment na naglalaman ng video na ito mismo noong Martes, 14 ng Agosto, 2012. Pero sinabi niya na magsasampa siya ng kaso laban kay Fabros.
Naging Buena mano ang segment na ito sa pagbabalik ni Ben Tulfo sa nasabing palabas.
Dahil sa nasabing video, umani ito ng mga reaksyon sa mundo ng social networking sites. Simula sa artikulong may kinalaman dito sa news portal website ng TV5 na INTERAKSYON.com. Umani ng simpatiya, respeto at paghanga para kay Mang Saturnino ang mga tao habang sa kabilang banda, tahasang pambabatikos at pamababalasubas naman ang nakuha ni Carabuena. Aniya, sa kabila ng katotohanan na nasa otoridad ang pobreng traffic enforcer, hindi ito nanlaban sa pananapok ng abusadong motorista. Aba, sa lagay ba naman e siya na nga ang nakapanakit, e siya pa ang may ganang mag-asunto?! Ha!?
Ito lang siguro sa akin, ano? Hindi na bago ang mga kaso ng road rage sa bansa, mula kay Rolito Go (na by the way, “kinidnap” daw sa loob ng Bilibid) hanggang kay Jason Ivler hanggang sa kung anu-ano pang mga kasong ganyan ang nagsusulputan sa mga balita.
Sa mga tanging nakasaksi na motorista’t pedestrian na lamang ang makakapgsasabi ng iba pang nangyari sa insidenteng ito. Pero hindi mo itatanggi ang katotohanan na hindi nagsisinungaling ang video (scripted? Asus! Asa!) dahil biglaan ang mga nangyari, nagkataon na andun ang crew ng T3. At ang pambabastos ng isang Robert Blair Carabuena kay MMDA traffic enfocer Saturnino Fabros ay isang akto ng tahasang pang-aabuso ng mamamayan sa ating kalayaan. Hindi porket tayo ang nagdidikta ng kapangyarihan sa lipunang ito (demorkatikong bansa tayo e. Remember?) ay may karapatan tayo na kwelyuhan, sampalin at hampasin ng sombrero ang sinumang alagad ng batas. Tahasang pambabastos na iyan!
Mas sanay ang tao sa mga abusadong tao na nakauniporme sa kalye pero tila kabaligtaran ang tema ng insidenteng ito. Sa sobrang kakaiba ng pangyayari, kaya ito pinagpiyestahan sa internet. At sa tingin ko, hindi lang nag-iisa ang kaso nila Carabuena at Fabros sa ngayon. Kung magiging mapagmatyag ang ibang tao sa mamamayan, marami pa siguro diyan ang kaso ng road rage.
Isa ako sa mga taong sumasaludo kay Saturnino Fabros at kumokondena sa marahas na Gawain ni Robert Blair Carabuena. Hindi ko sila hinuhusgahan na base sa mga nakikiusong reaksyon sa mga social networking site. Pero magsilbi sanang leksyon ito sa mga tulad ni Carabuena na maghinay-hinay sa pagrereklamo at huwag idaan sa marahas na pamamaraan ito. Dahil ang karma sa ngayton, hindi nakukuha sa taas, kundi pati na rin sa mga reaksyon ng tao sa mga social media.
Aanhin mo ang pagiging edukado mo kung mas malala pa yata sa hayop ang pag-uugali mo? Sa kasong ito mapapatunayan na ang edukasyon ay mas nakikita sa asal ng tao sa pagharap nito sa mundo.
Maaring lilipas din ang isyu na ito, pero hindi dapat makalimot ang tao pagdating sa pag-uugali sa mga sitwasyon na tulad nito.
Author: slickmaster
Date: 08/19/2012
Time: 3:34 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions
©Copyright 2012, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this website without the permission from Definitely Filipino or the author is prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner or Definitely Filipino.
You may also like these articles:
Comments