Chat (Photo Credit: Bbaabroad.wordpress)

Paano na kaya kung walang internet? Paano na kaya ang mga taong parang ako lang, malayo sa pamilya, tambak ang problema, desperada. Oo, desperada na libangin ang sarili at makatakas sa matinding lungkot at depression dito sa kabilang dako ng mundo kung saan wala si nanay, wala si tatay, wala  si sis. at si bro. , wala ang mga anak, wala si Mr. wala si bff o bf. Walang videoke, at wala ring magawa kundi panoorin ang mga palabas sa TFC o Orbit. At pag naubos na ang lahat ng palabas at teleserye, ano pang ibang kaulayaw kung hindi ang computer na hiram. Wala na ngang ibang option kundi mag Online.

Kung bakit naman kasi sa mga panahong ganito walang ibang available kundi Internet. Ewan ko din bakit dito ko naibabaling ang attention ko kapag wala na akong magawa o hindi ko alam kung anong puwede kong gawin. Mag-CHAT, yan palagi ang gamot sa inip at lungkot na dinaramdam. Para sa iba ang mga On line social site ay para lamang sa mga taong may mga tama sa utak, o di kaya naman ay takot lumantad sa tunay na mundo at nagkukubli sa likod ng keyboard ,o di kaya naman ay bigo na makatagpo ng tunay pag-ibig sa outside world, or tipong nagpe-flirt lang, naghahanap lang ng ka date, one night stand ganun.  Alin nga ba ako sa mga nabanggit?  Hindi ko matukoy.

Pero puwede rin naman na may mga matitinong tao dito, kasi sa pagkakaalam ko ay matino naman ako.  Kaya maaaring may mga ibang matitinong tao din na sumusubok sa ganitong paraan para alisin ang bagot o may mas malalim na dahilan kaya nandito.  So, ganoon, umaasa pa ko na may macha-chambahan din ako dito na makatotohanan at nasa tamang pag-iisip.

Iba’t-ibang lahi, iba’t-ibang uri, girls,boy,bakla tomboy, at madalas may maniac pa nga. Mga professionals, businessman, mga Engineer, Doktor, hangang mga laborers. Lahat ng antas ng buhay basta marunoong mag computer nandito.  Halos lahat yan na encounter ko na, pero palagi pa rin akong on-line, tuloy lang ang CHAT one after the other,  minsan pa nga sabay-sabay pa. Ang hindi ko pa lang na try eh makipag-chat sa Kabayan.  Adik ba ako.? Sa anung dahilan? Ewan ko.  O baka naman sadyang may hinahanap ang puso ko dito? Searching for love in a hopeless place?

Bukod sa napra-practice ako magtype nang mabilis sa keyboard nahahasa ang English grammar ko, At minsan nacha-challenge pa nga ang comprehension ko kasi naman hirap kayang intindihin ng sentences nila. Hindi naman kasi lahat English speaking.  Mayroon din naman trying hard lang din na mag-English para may makausap lang din.  Pero siyempre, dapat choosy ka rin sa i cha- chat mo or ipe -friend mo.  May mga psychotic din dito baka mamaya serial killer na pala ka chat mo, o isa palang mandarambong. At take note :  H’wag basta makipag EYE BALL.  Madaling magpretend na sincere.

Hindi ko sure kung ano ang meron, pero naaaliw talaga ako. Para kasi itong mind game. Parang dama o chess may check mate rin. Parang computer game may game over din. At tao talaga sila hindi computer program lang. Kaya once you engage hinay-hinay din dahil dapat malinaw sa iyo na ito ay may kalayuan din sa realidad. “VIRTUAL REALITY” sabi nga. Ang pagtingin natin sa mga character o bagay-bagay dito ay naaayun lang sa kung paano hinubog sa isipan natin. Malalaman mo na lang sa bandang huli na may mga paasa,mga mandedenggoy,scammer, brain damaged, may nagpapalipas lang din ng oras, pero meron din namang naghahanap ng totoong kaibigan. Sa cyberspace may mga pabida rin at kontrabida, at higit sa lahat pugad ito ng mga mapagbalatkayo.

Biktima na rin ako lahat ng mga yan, pero tuloy lang ang CHAT,  walang kadalaan. Ano nga bang napapala ko dito? Hindi ko rin tiyak kung meron nga ba.

Pero para sa akin isa itong entablado. Napakadali kasing mag portray ng character. Kailangan lang magaling kang pumili ng akmang salita at magbuo ng magandang pangungusap.  Para bagang ang lahat ay halaw sa malikot na pag-iisip lang.  Napakadaling maging kahit sinong  gustomo  depende sa paglalarawan mo, sa pamamagitan ng mga pangungusap. Minsan pa demure, pa sosyal, pa intelligent, minsan naman bold and daring walang ka effort-effort. Puwede kang magswitch from one personality to the other. Wala nang projection pang kinakailangan lalo na’t di mo naman hilig mag web-cam.  Advantage ito sa mga photogenic mga magagandang picture  lang ang i-post sa profile lalo na’t wala ka namang balak makipag meet nang harapan.

Basta, dito lang ako nagiging kung ano ko gusto depende sa mood at sa kausap ko. “No inhibitions” just “Use your imagination”. Matinong usapan to ha, walang halong kaberdehan .  Feeling ko mas confident ako dito kaysa sa personal. Mas madaldal ako dito kaysa sa harapan.

Dito mas  mabilis ang hello at goodbye.  Walang nakatayang emotional at physical  attachment.  Dito literal na “It’s All in the Mind”. At higit sa lahat dito lumilipas ang oras at nakakalimutan mo ang lungkot.

At kung kailan ako makakatigil sa hobby ko na ito hindi ko masabi, baka siguro kapag wala na ang lungkot at bagot, o pag nakita ko na ang hinahanap ko, o kapag no internet connection.

Isa na yata itong “Way of Life” sa makabagong panahon. Basta ang masasabi ko lang, maging responsable sa paggamit ng  technolohiyang ito.